Chapter Twenty one
Kahit anong pagpo-pokus ni andrew sa meeting ay wala siyang naintindihan sa mga ito.
Dalawang araw na simula ng umalis siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa asawa niya. Tinatawagan niya ito pero laging out of coverage ang number nito. Kapag tinatanong naman niya ang ina niya ay tanging, baka naman nagbakasyon muna siya sa magulang niya kaya hindi mo siya makontak. Ang tanging sagot nito sa kanya. Wala rin siyang makuhang sagot sa mga kapatid niya dahil pare-pareho itong busy ang schedules. Nag-aalala na talaga siya na hindi niya mawari. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito sa tanang buhay niya at hindi siya matatahimik hangga't hindi nakakausap ang asawa.
Mula sa bulsa ay may kinuha siya isang dolphin necklace. Nang makita niya ito ay agad niyang naalala ang kanyang asawa. Mahilig kaai ito sa mga fish style o may kinalaman sa ocean dahil sa adik ito sa horoscope nito. Alam niyang pisces ang asawa niya at mahilig si yelena sa mga souvenir kaya binili niya agad 'to.
Sobrang nami-miss na niya ang asawa samantalang dalawang araw palang naman silang hindi nagkikita. Kung tutuusin, ito lang yata ang palaging naaalala niya, ang maganda nitong mukha, ang kutis porcelana nitong balat ang maamo nitong ngiti, ang malambing nitong boses at higit sa lahat ang mga yakap at halik nito namimiss din niya. Para na siyang mababaliw sa kaiisip kung papano niya su-surprisahin ang asawa pagbalik niya ng pilipinas.
Kung bakit ba kasi kailangan pa niyang dumalo sa meeting na ito. Eh, di sana'y magkasama silang dalawa ngayon. Wala siyang naintindihan sa mga diniscuss sa kanya, dahil lumilipad ang isip niya sa pilipinas.
Nang matapos ang meeting ay agad siyang pumunta sa kanyang presidential suit na malapit lang sa pinag meetingan nila ng mga japanese investor niya. Pagod niyang pinihit ang pintuan pagkatapos siyang nag enter ng passcode niya.
Balak sana niyang tawagan ulit ang asawa bago siya magpahinga. Ang gusto lang niya ng mga oras na iyon ay makausap ito at marinig ang malambing ngunit malamig na boses ng kanyang asawa.
Pero laking gulat niya ng makita ang babaeng nakaupo ngayon sa gitna ng kama niya. Naka- catwoman custome ito at talaga namang halos kita na lahat nang dapat itago mula rito.
Mapang-akit itong ngumiti sa kanya habang unti-unti nitong hinuhubad ang saplot sa katawan. Tila wala itong kahihiyan sa katawan sa pinaggagawa nito sa harapan niya.
Kinuyom niya ang kamao, at pinipigilang saktan ang babae. Ang babaeng ito ang dahilan kung bakit nagalit siya sa kanyang asawa, napahiya sa kanyang sarili at kung bakit siya nagmukhang tanga sa mismong araw ng kasal niya.
Ang babaeng 'to ang dapat niyang sisihin sa lahat ng pasakit na pinaranas niya kay yelena. Tila wala itong konsensya sa sariling kapatid at nagagawa pang sumayaw sa harapan niya.
" Miss me, honey? ". Malanding tanong niya sa'kin. Ngunit hindi ko ito pinansin at nagkunwaring walang nakita. At dumiretso sa maleta ko kung saan nandun ang mga gamit ko. " If i were you, i leave bago pa'ko magpatawag nang security dito para kaladkarin ka palabas ng suit na 'to ". Mahinahon ngunit matigas ko sabi dito.
Tila balewala naman dito ang galit niya at nagawa pa siya nitong yakapin sa likod kasabay ng paghalik nito sa batok niya ay bumababa din mga kamay nito papuntang pantalon niya.
Ngunit bago pa umabot sa pantalon niya ang mga kamay nito ay maagap na niya itong nahawakan at galit na hinarap ang babae.
" Stop, this already. May asawa na'ko at kapatid mo yun!. Wala ka bang natitirang kahihiyan sa katawan?! At nagagawa mo pang gawin ang mga bagay na ganito?! ". Napataas ng bahagya ang kanyang boses dahil sa tinitimping galit dito.
" Sinasabi mo lang yan dahil iniwan kita sa araw ng kasal natin. Alam kong ako pa rin na ako pa rin ang laman niyan ". Sabay turo sa kaliwang dibdib niya. " You can't replace me, andrew. Kahit pa nga, palitan pa'ko ni yelena. Wala pa ring magbabago. Kaya nga bumalik ako eh, para sayo ". Malanding sabi nito.
" Si yelena, na ang gusto kong makasama habambuhay. So, stop this nonsense! Dahil nagpipigil lang akong saktan ka! Kaya ang mabuti pa'y lumabas kana! ".
" Iba ang gusto sa mahal, andrew. Why don't we try it? Para malaman natin kung sino pa rin ang nangingibabaw para sayo? ". Tila walang pakialam na sabi nito sa kanya.
Nagulat nalang siya ng bigla nitong hawakan ang mukha niya at hinalikan siya ng marubrob sa labi. Awtomatikong napapikit ang mga mata niya dahil sa ginawa nito. Bago sinabunutan ang buhok nito at pinailaliman ang halik.
Now he's doomed!... Really, doomed!....
TS( wife series 1 )
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
Ficción GeneralSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...