Chapter Nineteen
Nagising siya sa isang lugar na hindi siya pamilyar. Sinubukan niyang alalahanin kung bakit siya napunta sa lugar na yun. Ang huling natatandaan lang niya ay nawalan siya ng malay sa gitna ng parke.
Nilibot niya ang mata niya sa naturang lugar at napansin niyang puro puti iyon. Mukhang nasa ospital ata siya. Yung mama siguro ang nagdala sa kanya dito. Akmang tatayo siya ng biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang itsura ni rum at agad na umalalay sa kanya.
" what happened? Bakit ako nandito? ". May ideya na siya kung bakit pero gusto pa rin niyang itanong.
" nahimatay ka sa daan, buti na nga at ako ang nakakita sayo dahil kung hindi baka kung ano pang nangyaring masama sayo ". Paliwanag nito sa kanya. Pumasok naman doon ang doktora niya at nakangiting lumapit sa kanya.
" kumusta ang pakiramdam mo misis? ". Tanong nito. " a-ayos lang naman po ako. Ano po bang nangyari, bakit ako hinimatay? ". Medyo nahihilo niyang tanong sa doktor.
" It's just normal for a pregnant women to be like that. It's just one of the symptoms that you are about to experience in your first months of pregnancy ". Nagulat siya sa sinabi ng doktor at agad na napahawak sa tiyan niyang hindi pa nahahalata na may laman. Labis ang tuwang nararamdaman niya sa mga oras na yun dahil sa wakas magiging ina na siya bukod dun ay nanggaling ito sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. It was indeed a blessing. " Pero misis, may nakita pa kami sa mga tests bukod sa pagiging buntis niyo. Ayon sa tests may congenital heart diseased ka kaya dapat kang magpa-opera asap. It may risk your health and your baby. It can cause premature death. Pareho kayong nanganganib ang buhay misis ". Paliwanag ng doktor.
Nanlamig ang buo niyang katawan dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na malubha na pala ang sakit niya. Ni hindi man lang niya napansin. Kaya pala madali siyang mapagod, madalas sumasakit ang dibdib niya at madalas siyang hinihingal dahil meron pala siyang sakit sa puso.
Kahit ng makaalis ang doktor ay tulala pa rin siya. Tila hindi pa niya na-absorb sa utak niya ang mga sinabi nito. Kanina lang ay masaya siya dahil nalaman niyang magiging ina na siya tapos bigla nalang may problema sa kanilang dalawa mag-ina. Naluluha siya dahil naaawa siya sa batang dinadala niya, pati ito ay nadadamay sa sakit niya.
" anong plano mo ngayon yelena? Balak mo bang sabihin sa ama ng bata ang kondisyon mo? ". Tanong niya sa'kin.
" wag na muna siguro sa ngayon, ang importante masiguro kong ligtas ang anak ko sapat na sa'kin yun ".
" he has a right to know, lalo pa't siya ang ama ng anak mo ".
" i know that, hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak namin. Sasabihin ko rin naman pero ayaw ko munang malaman niya ang kondisyon ko. Baka kasi hingin niya sa'kin na ipalaglag ang bata, hindi ko yun kayang gawin ". Pagkatapos nun ay ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari bago niya ako nakita na walang malay sa parke.
" Sana hindi mo pagsisihan yang desisyon mo. At sana rin matauhan na yang asawa mo. Dahil kung hindi bubugbugin ko yan ". Galit na turan nito. " Hindi naman niya kasalanan na hindi niya ako mahal. Kasalanan ko kasi kahit alam ko na na hindi niya ako kayang mahalin ay ipinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa kanya ".
" Hindi ko alam na martyr ka rin pala. Akala ko noon sadyang mabait ka lang pero sadista ka rin pala. Bakit ba ang hilig-hilig mong saktan ang sarili mo ".
" Nagmahal lang ako rum ".
" Sana nga lang makita ng asawa mo ang halaga mo, yelena ".
How she wish na sana nga magdilang-anghel ito bago pa mahuli ang lahat para sa kanilang dalawa.
TS( wife series 1 )
BINABASA MO ANG
The Substitute (Under Revision)
BeletrieSynopsis All her life she was being compared to her twin sister Annica. Who's more beautiful, smart , sophisticated than she was. Well, she accepted it already that her twin will always be ahead of her in many things. Not until she met the handsome...