"Hello Philippines." Nakangiting bungad ko sa Ninoy Aquino International Airport. Nandito kasi ako ngayon sa pilipinas. Katatapos lang nang graduation ko at mixed emotions ako ngayon. Syempre happy ako na mamakita ko na rin sa wakas si Topè, pero a part of me is nalulungkot iwan si mama na mag isa. Ayoko nga sanang umalis eh pero pinilit nya talaga ako. Ganito kasi nangyari nung pag uwi ko galing sa birthday ni Anika.*flashback*
"Ma? Im home." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit sa totoo lang mukhang matatae na ako sa kaba. Kasi pag pasok ko palang sa bahay ay ramdam ko na talaga na may mali. At natatakot akong malaman kung ano man yun. Basta pinatatag at pinasigla ko nalang ang sarili ko. What bad can happen, right?
"'Ma what's wrong?" Tanong ko pa nang makita ko si mama na nakaupo sa sofa. Mukhang malungkot na naguguluhan na nasasaktan. Ewan. Ang weird. Kasi si mama kasi ang klase nang taong kahit anong bigat ng problema ay ngingiti lang yan. At ikadalawang beses palang naging ganito si mama. Una noong iwan kami ni papa. Kaya ang kaba na nararamdaman ko kanina ay parang nadadagdagan. How bad can it be?
"A....nak. " wait umiiyak si mama. Naiiyak na rin ako.
"Ma. Bakit po? Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko na pilit pinatatag ang boses ko na hindi ako pumiyok.
"Makinig ka anak. Makinig kang mabuti." umiiyak parin si mama. Tiningnan nya ako nang mabuti at tumango ako. Baka kasi pag nagsalita ako ya maaiyak na ako nang tuluyan kahit hindi ko pa naman alam ang dahilan.
"Mahal na mahal kita, alam mo yun?" Tumango ulit ako. May mali talaga eh.
" Sasabihin ko sayo to dahil mahal na mahal kita at ayokong saktan ka. I went to Dra. Ibañez earlier and Dr. Salazar before that and Dr. smirth and Dr. Maravilla and a lot more dahil pilit kong e denedeny ang sakit ko." Naiiyak parin si mama. Pinupunasan ko ang mga luha nya. Anu daw? Sakit?
"And this time ay tanggap ko na na totoo nga. After series of tests and doctors I've been trying to consult, I came to a point na kailangan ko nang tanggapin na eto na to. Anak......" huminga si mama nang malalim. Naiiyak na rin ako.
"I have brain cancer. " natulala ako. Anu daw? Cancer? Healthy naman si mama ah? Ni wala ngang pagkakataon na nagkasakit sya sa pagkakaalam ko. Ni hindi ko nga nakita na nagka sipon man lang si mama. Hindi to totoo diba? Kasi cancer yun eh. Nakakamatay yun. Pero wala talagang tigil sa pag tulo ang luha ko. Ni hindi ako makapagsalita.
"Kanina, napagdesisyunan kong ipaalam na sayo. Kasi ayokong itago to sayo anak. I have brain cancer and stage 4 na sya." Naiiyak pa rin si mama.
"Eh mama panu po? Nag bibiro ba kayo mama? Eh kasi hindi ho nakakatawa." Sa wakas nakuha ko na ring mag salita. Pero naiiyak pa rin. Si mama talaga ang hilig mag joke time sakin eh. Pero hindi naman kasi magandang biro ito. Mag tatampo talaga ako kasi ibiro ka ba naman nang nanay mo na may cancer sya at stage 4 na kahit alam mo namang kahit sipon at ubo ay hindi sya nadatnan. Kaya impossible talaga.
"Anak, its true. Kahit ako nga hindi ko pa lubos matanggap. Remeber nong pumunta ka sa office kasi sabay tayong mag sha-shopping pero kinancel ko kasi sabi ko meron pala akong meeting? Nag tampo ka pa nga nun. " ngumingiting sabi ni mama pagkaalala nya nun. Syempre panu ko ba naman makalimutan yun eh promise nya yun sakin kasi nawawalan na sya nang oras kakatrabahu nya eh. Tumango lang ako. Ngumiti rin ngunit mapait.
" Eh kasi hindi yun meeting. Yun yong first episode na naramdaman kong grabeng sakit nang ulo ko. At ayokong mag alala ka. Kasi strong si mama.di ba? Ayaw nang masaktan ang princess nya. " Sabi pa nya na ngumingiti pero ako naiiyak nalang.
"Simula nun- madalas ko nang nararamdaman yun lalo na sa trabaho. Kaya nitong nakaraang pitong buwan ay pumunta ako kay Dr. Rosales, he did a lot of test at sinabi nya na fatigue lang daw yun kaya isinawalanv bahala ko hanggang sa umatake na naman. At dun ko nafeel na may mali talaga. Pumunta ako sa doctor na kilala ng tita Sedie mo, dun after series of test, na confirmed nyang may cancer ako. Syempre hindi ako naniwala agad. Kasi panu naman? Pero nitong mga nakaraang buwan at araw na madalas na ang atake ko ay nag seek ako ng mga second opinions at kanina nga, natanggap ko na ito na nga." Mahabang sabi ni mama. Naiiyak ako. Kasi nakikita ko si mama minsan na hinihilot ang ulo nya at tinatanong ko kung okay lang sya sagot nya sakin ay stress lang daw sa trabaho. Hindi ko naman alam na iba na pala. Kung sana nalaman ko nang maaga. Kung sana tinuon ko ang atensyon ko sa mga signs ni mama. Kung sana. Huhuhu.
"Mama I am sorry wala ako sa tabi mo. Im sorry mama." Niyakap ko si mama. Ayoko syang mawala. Sya nalang meron ako eh. Si dad wala na. Pati ba naman si mama, mawawala sakin?
"Anak natatakot ako. " napahagulhol si mama at ganun din ako. Ngayon ko lang kasi narinig na natatakot si mama. Napakasakit. Parang pinipiga ang puso ko.
"Ma ako din. Natatakot ako. Wag mo akong iwan mama." Nakahikbi kong sabi habang nakayakap sa kanya.
"Hinding hindi kita iiwan anak dahil mahal ka ni mama. Nandyan ako palagi sa puso mo. " sabay turo ni mama sa tapat nang dibdib ko na lalo kong ikanaiyak.
"Mama mahal din kita. Mama kaya natin to. Mag pe-pray ako mama." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ngayong may sakit si mama, ako naman ang kailangan na magpalakas sa aming dalawa. Kasi si mama ang nagpalakas sakin nung mga panahong iniwan kami ni papa. Pangako mama, aalagaan kita.
Kaya ininsist ko talaga na alagaan si mama ko. Lagi akong nasa tabi nya kaso pinapapasok nya ako lagi sa school. Kasi daw okay lang naman sya. Ayaw nya daw pabayaan ko pag aaral ko. Kaya ayun, pag uwi ko deretso ako kay mama. Hindi na naman si mama nag under ng chemotherapy kasi ayaw nya at mas lalo lang daw syang manghihina given na stage 4 na sya. Pinipilit ko nga pero ayaw nya talaga. Kaya under pain management sya. Labas pasok rin sya sa hospital. Masakit syempre makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Mas doble pa ata ang sakit na naramdaman ko eh. Pero hindi ko pinapakita kay mama na malungkot ako kasi baka mas lalo syang manghina eh. Ayoko namang pati ako ay iisipin nya. Tama na yung ako lang. Pinahid ko ang mga luha ko. Dapat masaya ako kasi nasa pilipinas na ako ngayon. At makikita ko na si Topè. Kabilin bilinan kasi ni mama na wag ko syang intindihan at tatawag naman ang mga maids at si Nurse Ann (personal nurse ni mama) pag may problema kaya wag daw akong mag alala. Mag enjoy daw ako at babalik nang may magandang balita. Anim na buwan ang gusto ni mama na bakasyon pero nag insist akong isang buwan lang kasi mahalaga rin ang oras sa amin at mas gusto ko si mama makasama nang matagal. Kaso nag argue pa kami ni mama hanggang sa nag deal kami na 3 months. Ayaw ko na nga sanang ituloy kaso mapilit si mama eh. Mag tatampo daw oag kinansela ko. Kaya napilitan akong umalis. Kay papa naman wala na akong balita kung ano ang nangyari dun, simula nang dumating kami sa States ay wala narin akong masyadong alam sa stado nya. Last na Balita ko may half sister ako na mas matanda sa akin nang tatlong taon. Naiinis nga ako pag na iisip na matagal na pala kaming niloloko ni papa at hindi ko lubos maisip kung bakit nya kami iniwan, kasi sa sarili ko alam kong mabuting tao si mama at ako. Pero ganun nga suguro talaga, may nga tao na ayaw manatili sa buhay natin. Thankful naman ako kasi kaagapay ko si mama sa lahat. Huminga ako nang malalim. Kinuha ko phone ko at nagtxt kay mama na safe akong nakalapag sa airport. Deretso ako sa lumang bahay namin. Sa Victorina subdivision. Kapit bahay namin dun si Topè. At hindi pa pala nya alam ang tungkol kay mama. Susunduin ako ni Tatay Tomas, sila ni Nanay Dori kasi ang caretaker nang bahay, mababait sila. Wala silang anak kaya nalalapit na din ang loob namin. Alam nila ang kalagayan ni mama. Naghihintay nalang ako nang mga bagahe ko. Ang dami ko kasing dala. Hehe. Mga pasalubong kela nanay Dori at Tatay Tomas at kay Tita Selene, mama ni Topè, at syempre kay pinakamarami kay Topè. Lumabas na ako nang airport at hindi naman ako nahirapang hanapin si tatay Tomas. May license narin ako kasi graduation gift sakin ni mama ay car. Hehe. Kaya makakaoagdrive ako dito kahut student license palang ako. Okay na yun. Yeyyyy. Balak kong surpresahin si Topè bukas. Drey Christopher Lozada, andito na ako. Ngumiti ako. Exciting to. Hehe. ^_^