Who is she?

3 3 0
                                    




"Ang cute naman nang sister mo Drey. " sabay pa pisil nang pisngi ko. Tsssssss. Ewan ko kung sinong babae to. At ito namang si Topè ay hindi man lang ako pinagtanggol. Hayyysss. Maybe I am not woman enough for him. Nakakalungkot naman. Sa mga naguguluhan. Nandito kasi kami sa isang party. Birthday ata nang isang shareholder nang company nila Topè. Sa pagkakaalam ko mukhang Mrs. Therese Garcia ang name. Ata. Hindi ako sure. Nung nalaman kong may party. Hahaha. Syempre pinilit kong sumama. I know most parties of most business people are both party and business meeting. Marami namang mga kaedad ni Topè. Ako ata pinakabata dito. Hehe. I am wearing a pink long gown na hapit sa katawan ko and a glittery high heeled shoes. Pinarisan ko nang kwentas na binigay sakin ni mama with matching earrings. Ako lang nag make up sa sarili ko and nung kaninang kaharap ko ang mirror ay okay naman. Para ngang naging mature ako bigla. Pero bata pa rin ang tingin sakin ng mga tao na sobrang ikanaiinis ko. When Topè saw me earlier, ewan but I saw admiration in his eyes or feeler lang talaga ako. Hayyy.

"Thanks." Sabi ko sa malditang tono. Hindi ko napigilan eh. Hayyy. Tahimik lang actually si Topè. Ewan ko kung anu problema nya. Parang kinakabahan sya. Na notice ko lang kanina pa actually. Daldal ako nang daldal sa sasakyan pero tahimik lang ito. Mukhang may iniisip. Ano kaya yun? Tinanong ko naman at kinukit. Wala naman daw. Nag kibit balikat nalang ako. Baka pagod sa trabaho.

Iniwan ako ni Topè kasi may kakausapin daw sya. Okay naman sakin kasi food is life diba. So andito ako ngayon sa table. Kumakain. Hahhaa. Hindi rin naman ako makakarelate pag sumama ako sa kanya ehh. So okay na rin to. Ang sarap pa naman nang mga handa. Ang takaw ko talaga. Parang pulubi. Haha.

"Narinig mo yun? Nandito daw sya." Rinig kong usapan nang nga babae malapit sakin.

"Yeah. Fiona Garcia is here. " pagsasalita pa nang isa. Hindi ba nila alam na naririnig sila. Mga chismosa talaga. Tyaka sino ba hang Fiona Garcia na yan, artista siguro. Sikat eh. Haha. Hindi ko nalang pinansin. Nang matapos kong kumain ay pumunta ako nang cr. Naiihi ako eh.

"Miss pwede bang pahingi nang tissue." Pakiusap sa akin nang babaeng katabi ko. Hindi ko sya tinignan. Nag huhugas kasi ako nang mga kamay ko. Katatapos ko lang umihi. Nang napatingin ako sa kanya ay namangha ako. Nasa langit na ba ako? Eh kakain ko lang diba? Bakit may anghel akong nakikita? Huhu. Topè hindi pa tayo kinasal eh. Napatampal ako sa noo ko. L at masakit. So totoo ito. Haha. Napakaganda nya. She's wearing a spaghetti strap white dress na may mga glittery beads sa hemline at para syang princess style na hapit hanggang beywang at loose naman sa end. Medyo kita pa cleavage nya, edi sya na meron nun. Tinignan ko ang akin bakit ang liit? Huhu. Hello 16 pa lang naman ako eh. Lalaki din to. Hahaha. Nasa higpit yan nang pananampalataya and those pearls that fits perfectly with her look. She looks so kind and beautiful na parang naliliitan ako sa sarili ko. She's just simply gorgeous in 20s siguro na edad. Woww. Marunong naman akong mag appreciate nang looks and this girl is simply an angel.

"Miss?" Untag nya sakin. At natauhan naman ako. Kumuha ako nang tissue at binigay sa kanya. Natutulala pa rin ako. And her voice is something na parang malulunod at matatangay ka. An angel. Sabi ko sa sarili ko at inabot sa kanya ang tissue. Malapit kasi sakin eh at natatabunan ko.

"Thank you." Sabi nya na nakangiti. Grabee mga bess. Sya na talaga. Tumango lang ako. Hindi ako natotomboy ha? Kawawa si Topè. Hahaha. Ay ang feeler. Kala mo naman ikaw lang ang babaeng nagpapantasya dyan sa Topè mo nu. Sabi nang utak ko. Panira. Oo na. Haha. Nag salamin ako ulit. Its rude to stare daw eh. Nag lagay ako nang liptint sa labi ko. Nagpaaalam naman ang babae na aalis na daw sya. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Inayos ko na yung channel bag ko at nag last look sa mirror and lumabas narin. Parang nagutom ulit ako. Haha. At si Topè hindi ko makita. Baka may kameeting na naman.

Nandito na naman ako sa favorite spot ko. Sa mesa. San pa ba? Haha. Nang umilaw ang stage at may lumabas na medyo may edad na na babae pero eleganteng at magandang tignan. Sya siguro ang celebrant.

"Ladies and gentlemen, thank you all for coming." Nakangiting panimula nito.

"As you all know, these past years I've been wanting to sell my shares with Mr. Lozada because of my health and I want to experience what retirement feels like while Im still young. Haha. So I am here to announce today that I am giving my shares to my unica ija and she will be the one to decide what to do with it. It makes me feel sad but happy at the same time kasi anak ko naman ang pagbibigyan ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. " maraming nagpalakpakan. Meron din namang nalungkot. Ako wala lang. Haha. Kain lang.

"Everyone please welcome, my only daughter Fiona Garcia. " at nagulat ako nang tumayo ang babaeng nakasabay ko kanina sa cr. Yung angel. At umakyat sa stage. So anak pala sya nang celebrant. Nagpalakpakan naman ang lahat. Maraming napa woahhh. Maganda sya talaga ehh. Walang kokontra. Hehe.

"Thanks Mom and happy birthday. " sabi nito at humalik sa ginang. Totoo nga. Sya si Mrs. Theres Garcia kasi naririnig ko sa likod ko na may nagsasabing anak daw ni Therese. Bumaba naman yung ginang at natuon ang spotlight kay Fiona. Yung angel. Haha.

"First I would like to say happy birthday to my beautiful mom. Mom happy birthday. And of course I will use this opportunity to thank the man behind this all, Mr. Drey Lozada for being a good friend and colleague to my mom and  for being a great president. Thanks Drey. " sabi pa nya sabay taas nang champagne glass for a toss. Nag palakpakan naman ang lahat nang natuon ang spotlight kay Topè. Nakasunod ang mata ko and there, I saw my hubby. Wait bakit parang namumula sya at parang nahihiya. Si hubby? Nahihiya eh strikto at suplado yun eh. Sinundan ko naman ang tinignan kung saan sya nakatingin. At sa tamang hinala, naka lock ang mata nya kay Fiona. Mukhang mahirap ang kompetesyon ko ah. Huhu. Pero keri. Fight lang nang fight.

"Everyone enjoy. " yun ang huli kong narinig kay Fiona, nag concentrate kasi ako kay Topè at nagsimula na ang music. Habang ako pupunta sa labas. Hahagip lang nang hangin. Nawalan kasi ako nang ganang kumain eh nung nakita ko na todo smile so Drey kay Fiona. Para bamg kinurot yung dibdib ko. Ni minsan kasi ay hindi sya ngumiti sakin nang ganun. Na parang sya yung pinakamagandang babae sa buong mundo. I can sense that there is something from Drey towards her. If I hadn't known better that he's inlove with me pero hindi nya lang maamin kasi nga sa edad namin, medyo nag aalangan sya. Pero alam ko namang inlove sya sakin eh. If hindi ako sure na may feelings ding nakatago sakin si Topè ay masasabi kong inlove sya kay Fiona. Aray naman. Hayyy.

Nandito na ako ngayon sa labas. Ang ginaw naman pala dito. Huhu. Pero hindi ko ramdam masyado. Nag aalala kasi ako. Paanu kung hindi na ako mahintay ni Topè. Panu kung mahulog sya dun? Okay lang naman sana kung maldita yung kalaban ko sa kanya. Eh ang bait bait eh. Mukhang talo na ako nito. Pero hindi, Alexis Jade would never lose. Pinalakas ko self ko. Kami ang destiny. At walang makakapigil dun. Napangiti ako at nakapag decide na pumasok na. Masyadong maginaw na eh. At saka mukhang maganda ang music sa loob. Baka ngayon ko makukuha ang first dance ko kay hubby. Hehe. Nang pumasok na ako ay hinanap ko agad yung lalaking hinahanap hanap nang puso ko. And there I saw him talking and laughing with Fiona. Matutuwa pa sana ako kasi ang sarap pakinggan nang tawa nya kung sa akin yun pero hindi eh. Mukhang tutulo na luha ko. Pero pinigilan ko. Pumunta nalang ako sa mesa at kakain na lamang ako. Nakakagutom pala ang masaktan. Haha.

Following Mr.  DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon