Trio

15 3 0
                                    




"I am so sorry talaga guys. It was a very important last minute meeting. " pag so-sorry ni Fiona. Dapat magmamaldita kami dahil ang tagal nyang dumating at ang tagal rin naming nag hintay pero dahil kami ay mga busog tumango nalang kami. Si Nicole ang bait. Hahah. Akala ko nga kanina ay sasapakin nya si Fiona sa oras na magpakita na ito sa amin. May himala talagang nagagawa ang pagkain eh nu. Hahaha.

"So tara na?" Tanong nya samin. Sumunod naman kami sa kanya.

"Anu kaya ang mga gusto ni Drey, Alex?" Pag tatanong ni Fiona habang tumitingin sa mga watches. Nandito kami sa timex ngayon. Pssshhh. Siniko naman ako ni Nicole sabay pabulong na sabing awkwaaarrrddd. Hahaha. Kinurot ko nga. Tama lang sa kanya. Napa daing naman sya pero mahina lang. Ayaw nya yatang marining ni Fiona bala mahalata kami. Haha.

"Kahit naman ano eh. Basta from the heart." Sagot ko. Actually iniisip ko rin kung anu ereregalo ko. Na pe-pressure ako mga bess. Huhu. But knowing topè, ma a appreciate nya naman kahit konting bagay lang. Its as if he still needs anything. Ang yaman kaya nun. Hahha.


So nag libot libot lang kami tingin dito, tingin doon. Actually noong sinabi kong mabait si Fiona, parang understatement lang yun. Ngayong nagkasama sama kaming tatlo ay na confirm kong mabait nga talaga sya. Tahimik nga lang pero okay naman. Si Nicole ay mukhang mas bitter pa kaysa sakin. Hindi nya daw feel. Too good to be true daw. Hahha. Baliw talaga.


"When lang kayo naging magkaibigan nitong si Nicole?" Tanong ni Fiona. Nandito kami ngayon sa H&M store. Nag hahanap nang magugustuhan.

"Fee weeks ago. ^_^" sagot ko. Oh diba? Hindi mo naman kasi kailangan nang mahabang oras to find friends eh, just the right and worth person. And Nicole is.


"Wow. Ang galing naman. Ang cute nyo talagang dalawa. Gusto ko pag nag kaanak ako kasing cute nyo. " nangigigil na sabi ni Fiona. At hello? Para namang ang layo nang mga edad namin. At saka hindi ko gugustuhing maging ina sya nu? Kafallll. Ay ang maldita ko. Hahaha.

"Ikaw naman. Hindi naman nagkakalayo edad natin eh. " sabad ni Nicole. Hahha. Minsan talaga naiisip konv parang B1 B2 kami. Pareho kasi nang naiisip eh. Nicole, how to be you po ba? Hahhaa.

"Ay oo nga pala. But you're both still cute. " dagdag pa ni Fiona habang nakangiti. Akala nya naman natutuwa ako. Pssshhhh.

"So Nicole, nanliligaw na ba sayo si Drey?" Muntik nang mahulog ang isang t shirt na kinuha ko at tiningnan. Ang adik nitong si Nicole. Yun ba naman ang tinanong bigla? Pssshhhh. Patay sya sakin mamaya.

"Well, actually he's my ex. " balewalang sagot naman ni Fiona. Mukhang hindi naman ata nagulat sa tanong nit bff. Haha. Ako lang ata. Deym. And we know na po na ex ka nya. Pagmamayabang pa eh. Tsssss.

"Ah, so hindi pa nan liligaw?" Tanong nya ulit. Lupa, lamunin mo na ako pleaseeeee.

"Hindi pa pero we're working on it. Dun din naman papunta yun. " wow confident si mareng. Siniko ako ni Nicole. Nag poker face lang ako. Kahiya kaya. Hindi pa pala nililigawan ehh. Baka nag karoon nang change of heart si Topè at ako na pala ang gusto. Hahha. Ay advance ko naman yatang masyadong mag isip. Pero malay naman naton di ba?


"Eh baka naman kasi may ibang gusto na yung si Drey. " parinig ni Nicole. Grabe. Saan kaya humuhugot nang guts ang isang to? Huhu.


"Ha? Wala naman akong may nabalitaan. At kung meron may eh malalaman ko rin naman yun. Ayoko namang maging third party nu?" Kita nyo na. Mabait talaga. Hindi nya aagawin sakin si Topè. Pero may karapatan ba akong mag damot? Umo. Eh wala rin kasi kaming label eh. Huhuhu. Nagkibit balikat lang kami ni Nicole. Salamat at tumahimik na rin sya. Lagot sya sakin mamaya.


"Do you like this?" Pag iiba ko nang topic habang itinaas at pinakita sa kanila yung Neon Green na long sleeve.

"Ewwww. " sabay nilang sabing dalawa. Kita mo na. May chemistry. Hahahha. At nag tawanan nalang kaming lahat.


"Gutom na ako. " pag mamaktol ko. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad at marami na kaming dalang bags na pinamili namin ang laman.

"Napakapatay gutom mo talaga best. " sabi ni Nicole. Kakahiya talaga.


"Wow best ha? Talagang sayo pa yan nanggaling eh sa tyan mo nanggaling ang mga tunog na na ririnig ko. And last time I checked hindi ako bingi at nakapaglinis ako nang tainga kanina. " biro ko sa kanya.


"Ikaw naman best napaka seryoso mo. Hindi kana mabiro. Haha. Fiona kain muna tayo. Gutom na kami. " see guys? Dalawa kaming patay gutom.


"Tara. San ba tayo kakain?"


"Jollibee!!!!" Sabay naming sagot ni Nicole. Hahahha. Chicken joy kasi sa kanya at alam nyo na ang akin. Nyahahhaa.


So nandito na kami ngayon sa Jollibee guys. Tatlong extra large fries at isang big Mac yung sakin. 2-piece chicken naman yung kay Nicole with extra rice. At kay Fiona naman ay tuna pie lang. Awww. Diet ata sya besss.

"Oy Fiona okay lang naman kung sa iba tayo kakain. E te-take nalang namin to. " sabi ko. Kasi Tuna pie lang yung inorder nya eh. Na concern naman ako. Baka ayawa nyang kumain dito. Baka ibang pagkain ang nakasanayan nya at ma hypogly sya, konsensya ko pa. Ayoko nga nun.

"Okay lang. Diet rin kasi ako. Kumain na kayo guys." Pilit ngiti nyang sabi. Nakita ko namang medyo naka ngiwi sya. Hindi nya gusto dito, check. Si Nicole naman ay parang nasapian nang ibang espiritu. Naging patay gutom bigla. Hahaha. Kain lang kasi sya nang kain na parang batang ngayon lang nakakain nang fried chicken. Haha. Wala pakialam sa mundo. Napailing nalang ako.



Tapos na kaming kumain at naglibot libot ma kami ulit. Ang busog ko. Happy tummy. Hahaha. Balik shopping na naman ang peg naming tatlo. Actually kanina pa tahimik si Fiona, mukhang hindi yata talaga nagustuhan yung kinainan namin kanina. Nag kibit balikat nalang ako. Bahala sya. Tinanong naman namin sya at pwede naman kaming mag trasfer. Ayaw nya. Yaan nalang natin. Haha.

Following Mr.  DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon