"Goodmorning Topè! I made us breakfast. Sabay na tayo! " Masiglang bati ko kay Drey. Napagdesisyunan kong Topè (Christopher =topè, basta parang ang cute haha. ) muna tatawag ko sa kanya kasi saka na ang hubby pag sinagot nya na ako. Hehe. Oh diba? Ang galing ko? Nandito ako ngayon sa office nya at nag dala nang lunch box, pang almusal , kasi for sure hindi pa ito kumakain kaya sasabayan ko na para happy lang. Sunny side up eggs, dalawa, bacon at saka fried rice with hot brewed black coffee and hot chocolate naman para sakin. Hehe."Lexy what are you doing here?" Nakakunot na tanong ni hubby. Mukhang hindi maganda morning nang isang to ah. Buti nalang nandito si Gorgeous Alexis Jade!!!. Ako ang sasagip sa araw nya. Mwahaha.
"Told you I made breakfast. Kalungkot kasing kumain nang mag isa kaya sasabayan na kita. Hehe. ^_^" Hindi mawala ang ngiti ko sa kanya. Syempre Happiness is contagious kaya spread happiness. Yeyyy. Haha.
"Im busy Alex, you can stay in my room if you want to basta wag mo muna akong guluhin. Sorry, babawi nalang ako next week. " sabi nito na hindi nakatingin sa akin sa halip ay sa mga papers na napakarami sa ibabaw nang mesa nito.
"I promise I will behave pag sumabay kang mag breakfast sakin. Pretty please ??? " pagpapacute ko. Hindi nya pa rin ako tinitignan. Huhu.
"Cge na Topè. Promise I'll behave na. Just breakfast, sayang naman napaso pa naman kamay ko sa paghahanda nito kanina. Saka, ang aga kong gumising kasi namalengke pa ako para alam ko talagang fresh ang lulutuin ko para sayo, saka -"
"Alright, lets hurry and eat. And keep your promise, okay? I am really busy this week. But babawi ako." Putol nya sa sasabihin ko. Eh kasi mukhang maiiyak na ako kanina eh. Sayang naman hinanda ko diba? Mabuti nalang irresistible ang charm ko. Haha. Kaya we eat silently. Kinakabahan pa ako. Kasi panu nalang kung ayaw nya sa luto ko? Baka maalat? O hindi nya type yong itlog na ginawa ko, baka scrambled? O hard boiled? Kyaaaaa. Parang kinakabahan ako ah. I am observing him while nginunguya nya yung food. Napalunok naman ako nang wala sa oras. Nang ngumiti lang si Topè ay ngumiti na rin ako at kumain. Hindi naman siguro sya napapangitan. Tama na yung ngumiti sya at napanatag na ang loob ko. At least nilunok nya yung food na hinanda ko. Kaysa naman isuka nya. Syempre before kong binalot yung food ay tinikman ko muna para perfect at saka yung coffee, sana naman magustuhan nya. Wala kasi akong ideya kung what coffee does he like to drink. Benase ko nalang sa personality nya. Marunong talaga akong magluto kasi nga mahilig akong kumain eh. Haha. Lalo na wala kaming katulong sa States at pag wala si mama napipilitan akong gumawa nang pagkain ko. Personal driver kasi namin si Manong Alfred pero umuuwi ito dahil may pamilya rin naman dun. Ang mahal kayang mag hire nang full time katulong dun saka ayaw ko nang take out food. Except fries and burgeeeeerrr. God. Iisipin ko palang. Nalalaway na ako.
Parang ang bilis nang oras at tapos na kaming kumain. I miss this, eating na may kasama, yun bang feeling na nabusog ako talaga at nalalasap ko talaga freely yung food na kinakain ko. Madalas kasi wala si mama sa bahay. Puro trabaho kasi yun eh. Minsan nag luluto sya at tinitirhan na lamang ako. Minsan naman ako ang nagluluto para pag dating nya kakain nalang sya. Kadalasan hindi kami nagkikita sa bahay. Pero okay lang naman. Kasi kadalasan naman nagigising ako habang kinukumutan ako ni mama sa gabi at hinahalikan yung noo ko while saying sweet dreams. It made the nightmares go away. And I find it sweet. Kasi kahit busy sya eh naaalala nya pa rin ako.
"The coffee is great. Thanks Lexy." Nakangiting sabi ni Topè sabay gulo sa buhok ko. Oh diba? I told you guys ako ang dakilanv tagapagligtas ni hubby. Yeyy. And parang ang saya saya ko. He likes my coffee. Kinikilig naman ako. Huhu. I feel like crying out of happiness. Si hubby talaga.
"Welcome. Im glad you like it. ^_^" pagpapacute ko. Sabay ngiti nang oagka lapad lapad. Eh kasi parang ang sarap yakapin eh. Naiinspire tuloy akong gawin to araw araw. At balak ko naman talagang araw arawin. Haha. To do list ko to eh to make him fall in love with me. Shhh lang kayo.
"Make yourself busy okay? Pag may kailangan ka nasa office lang ako. " he said at lumabas na. Busy talaga sya. Huhu. Now anu na naman kaya gagawin ko. Hindi naman ako inaantok. Isip isip isip. **ting** parang may ligjt bulb na umilaw bigla sa ulo ko. Hahhaa. Alam ko na.
"Excuse me po. " sabi ko. Ang bigat kasi nang dala ko eh. Huhu. Papasok akong office ni Topè. Busy sya kaya naisipan kong. Tantaran taran tarannnn. E DECORATE yung sleeping quarters nya. Yeyy. Oh di ba? Ang talino ko talaga. Kasalukuyan kong dala ang mga gagamitin ko. Nag shopping pa talaga ako at natagalan ako sa pamimili. May credit card ako kaya walang problema ang pera sakin. Mahilig kasi ako sa mga crafts and designs. Kasi nga fashion designer ang hilig ko. Wala namang pinagkaiba eh. Mahilig ako sa crafts. And excited na akong e make over ang room nya. Napaka boring kasi. Gusto ko yung pag matulog sya eh nakakatanggal stress yung environment. Hindi ko sya pinapansin kasi busy sya at busy rin ako. Pumasok na ako sa room nya at nag sisimula nang mag decorate. I want something manly pero dapat nakikita rin yung girly side nang artist, and the name is no other than me. Diba? Para tuwing makikita nya ang room nya eh maalala nya ako. I began painting. Yep painting. Haha. Kaya mabigat ang mga dala ko kanina. Its color light green para umaliwalas ang paligid. Kasi nga na search ko na maganda sa kalusugan nang mata ang green tyaka relaxing naman eh. Hehe. Mabilis namang matuyo yung pinili kong paint eh. Nagkahirap hirap pa nga akong abutin ang sulok kasi bga ang liit ko. Huhu. But I made it. Habang nag busy busyhan ang peg ko ay napapakanta ako. Ganyan ako pag inspired. Hehe. Hindi naman masama yung voice ko nu? Isa sya sa mga talent ko, sa totoo lang. I also love singing pero bihirang tao lang ang nakakaalam. Nag padevelop rin ako nang mga pictures ko. Haha. Para kahit maamnesia pa sya ay may mga alaala talaga ako sa kanya. Pero wag naman sana Lord. Hehe. Nilagyan ko rin nang cute na transparent vase na may design na roses sa may ibabaw nang mesa nya at araw araw akong magdadala nang flowers. Kasi nga diba, nakaka relax ang aroma nang mga flowers? And I dont mind giving a guy flowers. Sweet kaya nun. Busing busy talaga ako sa paroon at parito. Pinalitan ko yung sheets nya nang medyo dark green pero plain pati mga kumot, sheets at unan nya. Napakarami nyang unan. Promise and I love it. Hehe. Mahilig din kasi ako sa unan. Baka kasi ayaw nya pag may mga designs designs. And for the final touch, nag lagay ako nang glade para bumango at refreshing. Sinearch ko ang buong room, hindi naman mahirap kasi hindi naman masyadong malaki. Ayoko kasing may mali o merong hindi napintahan o may alikabok man lang. Baka mag kasakit si hubby at ayokong mangyari yun. I want everything to be perfect. May pag ka OC rin kasi ako. Lalo na sa mga gamit ko. Ayaw ko nang makalat, nag iinit ulo ko nun.
I didn't notice the time nang tumunog tyan ko. Sakto namang may kumatok.
"Miss Gonzales, your lunch is here. " sabi ng secretary ni hubby pag bukas ko nang pinto na nakatulala. Aba syempre ginandahan ko yung room nang bongga nu? Meron pa nga siguro akong mga pinta sa mukha but I dont care. Haha. . Limutan ko pangalan basta yung sa first day na tinarayan ko. Mukhang nagbabait baitan naman ngayon.
"Thank you." Sabi ko. Kahit naman hindi ko feel ang isang tao ay tinuruan naman ako ni mama nang magandang manners. Duh. Kinuha ko na dala nya at excited akong tignan. Kyyaaaa. Tatlong Burger at double XL na friesss lamang at meron ding fried chicken with rice. Ang sweet talaga ni Hubby ko. Alam na alam nya ang mga bagay na gusto ko. Parang nawala ang pagod ko. So ayun na nga. Sabi nang secretary ay hindi makakasabay si hubby kasi nga may ka meeting. Talaga namang busy sya. Hayyy. Mapapagod yun mamaya. Sana ma appreciate nya yung make over na ginawa ko nu? Pag katapos kong kumain ay chineck ko si Hubby sa table nya, wala pa rin sya. Kaya nag leave ako nang sticky note na kulay pink, my favorite, saying thank you with smiley. Haha. At pumasok na. Nakahiga ako ngayon sa kama nya nang nakaramdam ako nang pagod. Tike check, 4pm na at may isang oras pa bago ako ihatid ni hubby kaya umidlip muna ako. Sarap matulog eh.