Meeting Her

3 3 0
                                    

"Goodmorning Cat. " bati ko. Maganda kasi dapat ang simula nang araw ko. Positive vibes dapat lahat. Haha. Mukhang na gulat naman sya sakin. Kasi nga diba? Hindi ko sya feel. But I realized, I have to be friend with all the employees kasi nga pag nagkatuluyan na kami ni Topè eh mas maganda pag may magandang relationship sa kanila. Diba? Hindi ko inantay ang sagot nya at deretso na akong pumasok sa office ni hubby. And there I saw him, nakakunot ang noo whole looking at some papers. Malaki na naman po problema nya. Haha.

"Hi Topè. Goodmorning.  ^_^. I brought you coffee, black and hot. Plus I made breakfast, your favorite, tapa with scrambled egg. " nagulat pa sya nang dumating ako. Haha. Ang cute nya po.

"Lexy, Im sorry about yesterday, I forgot to inform you I wasn't going to be here. " sabi nya pa habang nakatingin pa rin sa papel na hinahawakan nya. Tumingala na rin sya sa wakas at ngumiti. As usual ang bilis na naman nang tibok nang puso ko.

"That's okay. Nag mall naman kami ni Nicole eh. " sabi ko sa kanya habang inaabot ang coffee nya.

"Thanks for this. " sabi nya at tinaas ang coffee at sabay higop.

I smiled and put down the food that I made sa loob nang room nya. Sumunod naman sya sakin. Alam nya na ang routine guys. Haha.

"Alam mo minsan naiisip ko how a brat kid like you knows how to cook. " natatawa nyang sabi. Wala naman sakin yung brat. Yung "kid" ang hindi ko matanggap. Huhu.

"Im not a kid anymore." Sagot ko sabay pout.

"But you are. Anyways, thanks for decorating my room. I really like it. It makes the stress go away and its very relaxing. Mas gusto ko na nga dito kaysa sa bahay." Sabi nya pa. Which made me smile more. Kinikilig ako. Nagandahan sya. Kyaaahhhhhh.

"See, is this what a kid does?" I smirked. Ginulo nya lang buhok ko at natawa. Hindi nya na ako sinagot.

Nag pe-preapre na ako nang food nya at sakin din nang mag salita sya.

"Ahhhm Lexy, Fiona and I will be having lunch later and she wants you to come. Will you?" Tanong nya. Nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalang Fiona. Hayyy. Okay na araw ko eh.

"Ha? Hindi naman kami close. Sasama ako?" Baliwala kong tanong.

"Ahh ehh. Medyo nakwento kasi kita sa kanya eh. " sabi pa nito. At ngumuya na nang pagkain. Tumango nalang ako. This will be the first time na magkakausap talaga kami. Hindi kaya awkward yun? Haha bahala na.

Nandito na kami ngayon sa Pascual's restaurant. Maganda dito promise. The place looks promising and very polite yung mga crews. There's red roses bouquet and candle light. Masakit sa mata lalo na alam kong hindi ito para sakin. Hayyy. Nag hihintay kami ngayon kay Fiona. Medyo malelate daw sya eh. Emergency daw. Di ko na din tinanong kay Topé kung anu.

"Naalala mo ba nung natapilok ka nung 11th birthday mo? Takbo ka nang takbo nun at hindi mo napansin na nakatakbo din si Nanay Dori mo dala dala ng cake at saktong dun ka mudmud?" Natatawang sabi ni Topè. Nag uusap kasi kami ngayon about sa past habang nag aantay kay Fiona. Sumimangot ako. Panu ba naman kasi, inagaw lang naman nang mokong na ito ang headband ko. Eh feel na feel kong isuot yun kasi bigay nya yun sakin at feel ko ang ganda ganda ko habang suot yun. Kinuha nya nga kaya hinabol ko kasi biniro nya akong kukunin nya daw sakin ulit at hindi na daw ibibigay. At dun. Hindi ko alam na aktong lalabas si nanay Dori dala dala ang cake. Ewan kung bakit nya dala yun sa ganung pagkakataon. Natapilok ako at na mulat nalang akong may cake na sa buong mukha ko. Umiyak talaga ako nun. Panu ba naman kasi, nag paganda ako nang husto para sa mokong nato tapos yun pa ang nangyari. Kaya umakyat ako sa kwarto at sinundan nya ako sabay abot nang burger at fries at agad naman akong yumakap at ngumiti. Hehe. Favorite ko yun eh. And nagpatuloy ang party.

Following Mr.  DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon