Fiona Garcia

4 3 0
                                    



Im on my way to Lozada's Group of companies. As usual I brought Topè's breakfast and flowers for the vase in his room. Excited ako as always na simulan ang araw ko kasama sya. Nag taxi lang ako. Pag baba ko ay agad na akong pumasok at ngumiti kay manong guard. Kilala nya na ako eh. Hehe. At take note: close na kami. Oh diba? Kailangan talagang maging mabait sa mga future employees. Nyahhaa.

"Maam Gonzales, wala po si sir eh. " sabi ni Cat (yung secretary, nalaman ko lang na cat mula kay hubby) pag dating ko nang office ni hubby. Dederetso na sana akong papasok pero biglang nag salita ito.

"Asan daw sya? Hindi naman sya nagtxt sakin eh. " worried kong sabi. Eh kasi usually iniinform nya naman ako kung saan sya pupunta. Bat wala akong na receive? Huhu.

"Baka nakalimutan nyang e inform kayo. Ksama kasi nya kanina si Ms. Fiona nang dumating dito. An hour ago. May business meeting daw sila ni Ms. Garcia." Sagot nito. Bigla naman akong na curious. Bakit parang kilala nang mga tao si Fiona at parang napaka big deal sa kanila ang babae. Nanotice ko kasi sa party. Parang pinag uusapan sila eh. Ano ba talaga meron. Sino ba sya? Dahil sa ako ay dakilang tyismosa kahit hindi ko to feel ang babaeng ito ay makikityismis na ako. Para kay hubby naman to eh.

"Curious ako. Ano ba meron sa kanila ni Drey?" Tanong ko. Hindi ko pinahalata na masyado akong interesado. Parang baliwala ko lang na tanong.

"Alam mo atin atin lang to ha?" Panimula pa nya. Tyismosa talaga. Haha. Okay narin atleast mapakinabangan naman pala. Tumango naman ako. Still faking my not so interested face.

"Eh kasi may history yan sila Sir eh. Mga 5 years ago, nabalitaan naming nanligaw yan si sir sa anak nang isa din sa mga shareholders dito. Hindi namin alam na sya pala. Si maam Fiona. Nagulat nalang kami nang e announce nila na sila na. " pagsalaysay nya pa. Ewan bakit biglang parang may tumusok sa puso ko. Bakit nasasaktan ako? Hindi ko kasi alam na may girlfriend na sya dati. Tumango lang ako. Pinipigilan ang luha ko.

"Tapos hindi naman sila nag tagal at nabalitaan naming umalis si Maam Fiona. Na heart broken nun si Sir at hindi mo talaga gugustuhing galitin. Napaka bugnutin. Lahat ata natatakot sa kanya knowing na nag tre-training palang yun dito as CEO. At walang may alam kung anu ang dahilan nang pag hiwalay nila. " sabi nito. Magpapatuloy pa sana ito sa pag ke-kwento pero biglang nag ring ang phone at sinagot nito iyon. Yun naman ang cue ko na umalis. Grabe. Ni hindi ko alam na may girlfriend sya dati. Ang sakit pala malaman ang lahat. Narinig ko pang tinawag ako ni Cat pero hindi ko pinansin. Busy kasi ako sa pag pigil sa mga luhang nag babadyang tumulo. Tuloy2 lang akong nag lakad nang mabilis. Pupunta ako kina Nicole. I need to get out of here.

Nakarating ako sa bahay nila ni Nicole. Nagulat pa sya nang mapagbuksan nya ako nang pinto. Hindi kasi ako nag paalam na pupunta ako sa kanila. Emergency naman kasi ang nararamdaman ko. Niyakap ko sya. Kahit sya ay naguguluhan ay nakiyakap na din.

"May girlfriend pala sya." Panimula ko na nakahikbi.

"Ang tanga ko kasi ngayon ko lang nalaman na nagkaroon pala sya nang girlfriend. " sabi ko pa. Hinagod hagod nya lang yung likod ko at hindi nagsalita which I find it comforting.

"Tapos ngayon ay bumalik sya para kunin ulit si Drey sakin. Nandito si Fiona best. Sabi ko sa sarili ko, I will fight for our future kasi alam kong meant to be kami ehh. Pero panu na yan, mukhang hindi pa nag sisimula ang laban ay talo na ako. " hagulhol kong sabi. Inakay nya ako sa room nya. At hindi parin ako tumitigil sa pag iyak.

"Alam mo, trials lang yan. Kung alam mo sa sarili mo na pareho kayo nang nararamdaman, aba ipaglaban mo. Pero kung mali ka naman o may na feel ka na baka hindi naman pala totoo yang nararamdaman mo, walk away, let go kasi mas masasaktan kalang. " Sabi nya na mas lalong nag paiyak sakin.

"Sila na ba ulit ngayon? " dagdag na tanong nya nang hindi ako nag salita. Umiiyak lang kasi ako. Ang sakit kasi eh.

"Hindi pa. Hindi ko alam. Baka hindi pa. " sabi ko. Hindi ko talaga alam. Wala akong alam. Saklap. Huhu.

"Oh see? Habang may buhay may pag asa. " nakangiting sabi nya. Na medyo ikanatawa ko.

"Eh ano naman ang laban ko dun. Ang ganda ganda kaya non at mukhang mabait pa. " nakapout kong sabi. Totoo naman ehh. Huhuhu.

"Anu ka ba? Ilang taon mo nang mahal yung tao ngayon kapa nag duda sa sarili mo? Mahal mo ba?" Tiningnan nya ako sa mata. Napatingin ako at tumango.

"Oh diba? Ipaglaban mo yan bes. " sabi nya with matching pakita nang biceps nya na ikanatawa ko.

"Baliw. " hahhaha. Oo nga naman. May pag asa pa ako. Tyaka ex girlfriend  naman daw  at hindi naman ako sure kung nag kabalikan na nga sila. Nabuhayan ako nang pag asa. Naisip ko na nakapag antay nga ako nang ilang taon na malayo kami sa isat isa. Ngayon pa kaya na malapit na sya sa akin. At saka alam ko, nag titiwala ako na mahal nya ako kaya gagawin ko ang lahat para iparealize kay Topè na its me that he loves and not just anybody else. Lalaban naman ako nang fair and square. Gagawin ko lahat para sa amin. Lalabanan ko si Fiona nang patas. Huminga ako nang malalim. Kaya ko to mga beshyyy. Laban lang kung si Andeng pa. Haha.

"Thanks best. " sabi ko sa kanya saka ngumiti. Medyo gumaan pakiramdam ko dun ha.

"You're welcome. Basta know when to stop okay? I will always be here. " tumango nalang ako at niyakap sya nang mahigpit.

"I know. " sabi ko.

Matapos ang kadramahan ko ay nakapag desisyon kaming mag malling. Pampaalis stress. Hindi pa kasi ako kumakain at nag ke-crave ako nang burger at fries kaya dun na kami kakain at pagkatapos ay nag sha-shopping kami. Pampalipas oras. Haha. Tomorrow will be a better day.

Following Mr.  DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon