Hospital

3 2 0
                                    







"What happened?" Nag aalalang tanong ni Topè. Nandito kasi kami ngayon sa St. Jude Medical Hospital. Dinala namin dito si Fiona. Heto kasi nang yari.


*flashback*


"Wow ang ganda naman nyan Alex!" Tili ni Nicole nang pinakita ko ang kulay baby pink na halter blouse sa kanya. Ang cute kaya.

"Fiona, maganda ba?" Tanong ko subalit pag tingin ko sa kanya ay nagulat ako. Eh kasi naman ang putla nya po. Parang nawalan ata nang dugo yung mukha nya. Ano ba nangyayari?

"Fiona?" Tanong ko sa kanya in a confused look.


*blaaaggggg*


Hindi na ito nakasagot at bigla nalang nawalan nang malay.



I can see the worry on Topè's faca that brings a little pain in my heart.

"Nahimatay sya." Si Nocole ang sumagot. Hindi ko kasi alam sasagot ko eh. I can feel his concern at kahit naman siguro sa part ko ay I will feel the same way but this is different. This is painful. Kasi nakikita ko ang sobrang nag aalalang topè. Agad naman itong pumasok sa room kung nasaan naka confine si Fiona. And I was left here dumbfounded and dont know what to do next. Naramdaman ko nalang ni hinawalan ni Nicole yung kamay ko sabay hila sakin papasok narin nang room ni Fiona. And I am even more hurt with what I saw. Topè kissing Fiona's hand. They're like a cute couple together and it makes me wanna question myself, ano ba lugar ko dito. Tiningnan naman ako nang may buong pagaalala ni Nicole sabay pabulong na tanong kung okay lang daw ba ako. Syempre hindi, ang bibigat na talaga nang mata ko. Parang tutulo na luha ko.


"Good afternoon. " buti nalang talaga ay pumasok ang Doctor at umurong yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Napatingin kami lahat sa kanya pwera nalang kay Fiona na tulog parin.


"Is anyone here related to the patient?" Tanong nang doctor samin.


"Kaibigan nya po kami. " sagot ni Nicole.


"Doc is she okay?" Nag aalalang tanong ni Topè.


"Okay naman sya. Pagod lang at saka stress. Pag gising nya pwede na syang lumabas. " paliwanag nang doctor. Okay naman pala. Hay salamat. Syempre thankful din ako na okay sya nu. Im not that bad.


"Thank doc. " sagot ni Topè.


"And one more thing, make sure to have her eat pag gising nya. Hindi kasi sya kumain according sa dalawang ito plus sa stress and pagod kaya nahimatay sya. " yun lang at umalis na ang doctor. Nagpasalamat namna kaming lahat bago sya lumabas. Tiningnan naman ako ni topè na nag hihingi nang explanation.


"Eh kasi nag mall kami. Tapos kumain kami sa jollibee. At hindi namin alam na ayaw nya pala dun. " paliwanag ko pa. Hindi nya pa rin binaba ang mga tingin nya sakin kaya nag salita nalang ako.

"Tinanong naman namin sya kung gusto nyang lumipat. Okay naman daw at saka napanatag naman kami kasi nag order pa nga sya nang tuna pie. " dagdag ko pa.



"Where am I?" May sasabihin pa sana si Topè nang marining naming magsalita si Fiona. Gising na pala sya. Agad namang napalitan nang worried look ang face nya.

"Nandito ka sa hospital. Nahimatay ka daw kaya dinala ka dito nila Lexy. Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong ni Topè. At mararamdaman mo talaga ang labis na pag aalala. Hay. Saddd.


"Im fine Drey. " sagot ni Fiona.

"Salamat nga pala Lexy ay Nicole. " sabi nya nang nakangiti nang mapabaling sya sa kinaroroonan  namin ni bff.

"Okay lang yun.  Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Nicole in a sweet tone pero paramg may nahihimigan akong inis dun sa tonl nya. Baka guni guni ko lang.

Tiningnan kami ni Fiona nang weird na look.

".....Eh .......kasi hindi ako kumain mula kagabi. " paranag nahihiyang sabi nya.



"Eh kumain ka naman nang tuna pie kanina. " sabi ko.



"Pasensya na talaga girls. Nung nag cr kasi ako, nasuka ko lahat. Ayaw ko namang isipin nyo ang arte ko. " nakayuko na sya. Nakonsensya tuloy ako.

"Arte." Bulong ni Nicole na agad kong siniko. Baka marinig pa sya eh di lagot kami.


"Sorry Fiona ha? Kung pinilit kitang dun kumain. Hindi ko naman kasi alam eh. " eh sa di nya naman talaga sinabe. Malay ba namin. Huhu.


"I should be the one to say sorry, I was not very honest earlier with what I feel. Naabala pa tuloy kayo. " dagdag nya.


"Thanks Drey for the concern pero okay na ako. " nakkikipag flirt po sya. Waaaaaaaaaaaa. Tumango lang so Topè at ngumiti. Kami? Ewan ano gagawin namin.


"Kuha lang kami ni Alex nang food mo Fiona. Sabi kasi nang doctor eh kumain ka pag gising mo. Drey ikaw na muna mag babantay sa kanya ha? Pagkatapos nyang kumain ay pwede narin naman daw umuwi. " sabi ni Nicole sabay hila sa akin palabas. Nakita kong tumango naman si Topè.



"Grabe ang arte naman nun. " pag rereklamu ni Nicole sakin. Papunta kaming cafeteria nang hospital.


"Ikaw talaga best. Hindi kaba naaawa dun sa tao? " sagot ko naman.


"Ang arte nya eh. Tinanong naman natin sya, okay lang daw. Tapos biglang nahimatay. Anu yun? " sabay roll eyes. Haha. Ang maldita nya talaga.  Napailing nalang ako. Mahirap mag komento.



"At pa ngiti ngiti pa sya dun sa labidabs mo. Eh kakagising nga lang. Tapos nakuha pang gumanon? Ang sarap kutusan. " napatawa ako.


"Eh ikaw aminin mo nga sakin, may gusto ka ba kay Topè. Hahah. " tanong ko. Binibiro o lang sya of course.



"Heh. Wag nga ako alexis. Syempre magkaibigan tayo kaya what you feel, I feel. " nakangising sabi nya sakin.



"Ang adik mo talaga.  Ang importante eh okay na sya. " sagot ko.


"Ikaw babae ka, wag mo nga akong pinaplastic dyan. Eh kanina lang parang tutulo na hang luha mo kakatingin dun sa magkahawak kamay nang dalawa eh. Tsss. " she reminded. Huhu. Oo na. Masakit. Pero wala naman tayong magagawa. Kaya shut up nalang. Baka concern lang talaga sya. Baka.


"Bumili na nga lang tayo. Dami mong satsat. " sagot ko. Iniba ko na ang topic. Baka san pa mapunta eh. Haha. Hinila ko na sya papuntang cafeteria para makakain na si Fiona at makauwi na kami. Kapagod kaya. Its a very long and tiring day.

Following Mr.  DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon