Its been a week since the incident happened. Pero ang sakit parin. Parang kanina lang nangyari at ang fresh parin sa pakiramdam. Araw araw at gabi gabi parin akong umiiyak sa sakit. Umasa kasi ako eh. At ang sakit lang kasi kahit malang sana sa friendship namin ay nagkaroon sya nang awa sakin bago nya ako hinalikan at pinaasa. Nasa kwarto lang ako palagi. Hinahatid nalang ni nanay Dori yung food ko na hindi ko naman masyadong nakakain. I am really in pain. Nagte-text naman si Topè sakin knowing na hindi yun yung type nang tao na nag te-text pero hindi ko pinapansin. Ang sama kasi talaga nang loob ko. I am crying and crying na parang wala nang bukas. Ewan ko ba kung bakit hindi maubos ubos tong luha ko. Napatigil naman ako nang tumunog phone ko. May tumawag. Sino naman kayang istorbo ito. Tssss. Nag e emote ako eh. Panira nang moment."Sino to?" Irritadong tanong ko. Hindi kasi registered yung number and Im in the middle of my sentiments nang inistorbo ako nito. Sya talaga mapag bubuntunan ko nang galit. Grrrrrr.
"Jade?" Confused na tanong nang nasa kabilang linya.
"Sino kaba?" Pasinghal kong sabi. Eh sa naiinis ako eh. Namumuro na talaga tong mundo kaka suspense sakin. Grrrrrrr.
"Chill dude. Tristan to." Sagot naman nang sa kabilang linya. Agad namang nawala ang inis kl. Namiss ko kaya sila. Its been months na rin. Huhuhu.
"And hilig mo kasi sa suspense. Bat kaba tumawag at kaninong number to? Wait, jejemon kana ba? Wanted txtmate, ganun?" Sabi ko. Nakalimutan ko bigla yung kurot sa puso ko.
"Hahaha. Ang adik mo parin talaga Jade. Number ko to. Nandito ako sa Pilipinas. Kahapon pa. "
"Wait what? Bat ngayon mo lang sinabi?" Sabi kl. Nagulat talaga ako. Anung ginagawa nang gunggong na to dito?
"Eh alam ko kasing namimiss mo na ako kaya umuwi ako. Haha. "
"Heh, tigilan mo nga ako Tristan. So anu na? Bat ka umuwi?" Tanong ko. Medyo natutuwa narin ako. Na miss ko talaga ang grupo eh. Its been a while.
"Pinauwi ako ni dad. Birthday kasi ni Lincy 2 weeks from now. " he said. Si lincy yung kapatid nyang babae. Ah kaya naman pala umuwi.
"Ang aga mo naman ata?" Tanong ko pa.
"Syempre na miss kita. Alam ko namang miss mo din ako eh kahit hindi mo aminin. " panunukso nya pa. Natawa nalang ako. Gunggung talaga.
"Jade boracay tayo?" Suggestion nya. Waaahhh. Boracay dawwww.
"Really? Kailan? Game!" Walang pag alinlangang sagot ko. Eh gustung gusto ko kasing pumunta nang boracay eh. At para na rin makalimot. Magaling na gamot pa naman daw yung dagat.
"Tomorrow. " sagot nya. So we exchanged ideas on where to meet up and discuss the details. Yess. Boracay na this. And I asked for my friends Anika and the gang kung kamusta na sila. Namiss na daw nila ako. Aba syempre mas lalo na ako. Yun lang at nag goodbye na rin ako. Naligo ako sa banyo. Ang lagkit ko na. Haha. Ilang araw pala akong hindi na ligo. Ewwwwwwww. Mag eempake narin kasi ako pag katapos. 4 days lang naman yung bakasyon namin eh. Pero syempre dahil gorgeous ako eh marami akong dala. As usual. Hahaha.
"Kyaaaaaahhhhh. I miss you Tris." Sigaw ko at yumakap sa kanya. Wag kayong grin. Namiss ko lang talaga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa bahay. Kadadating nya lang. Susunduin nya kasi ako at sabay na kaming pumunta sa boracay eh. Hehe.
"Easy lang Jade, ang puso baka mahulog. Di bale masasalo ko naman. Ouccchhhhh!" Hahahahaha. Ang kulit kasi. Nabatukan ko.
"Eto naman hindi na mabiro. Haha." Kita nyo na? Gunggong talaga.
"Tara na nga. " sabi ko with suplada effect. Haha. Kaya sumakay na ako sa kotse nya. Sya na din nag lagay nang mga maleta ko sa likod nang kotse. MGA talaga. Yep. Tama kayo. Mga. Hahahha. Tatlo lang naman kasi dala ko sa 4 days namin dun. Hindi na sya nag reklamu. Kilala nya ako eh. Haha. So sa byahe puro kwento dito kwento doon lang ang napag uusapan namin. Hanggang sa napag usapan namin yung kay Topè. Eh kasi diba yun yung rason na umuwi akong pilipinas? Hindi na ako nag share nung kay Topè. Ayokong maalala yun eh. Para happy lang ang bakasyon ko dito. Ayoko munang isipin ang puso ko. Nakkkssss.
"Wag mo na nga akong tanungin tungkol dun. Mag babakasyon tayo. " sabi ko. Pilit na ngumingiti. Nalulungkot na naman kasi puso ko eh. Huhu.
"Okay. Basta yung sinabi ko sayong nandito lang ako ay wag na wag mong kalimutan. " seryosong sabi nya. Napangiti naman ako.
"Oo naman. Napuno na po tainga ko sa kakaremind mo sakin. " sabi ko. At natawa nalang kaming dalawa.
"Wow ang ganda naman. " na aamazed na sabi ko. The white sand and the warm breeze of the air on my cheeks made me calm and relaxed. This will be a blast vacation.
"Oo nga ang ganda. " pabulong na sabi ni Tristan. Tiningnan ko sya at nahuling nakatingin sakin. Kahit kelan ang adik talaga. Pssshhh.
Pumasok na kami sa hotel na tutuluyan namin. Nakapag reserved naman si Tristan eh. Magka dikit lang po yung room namin. And I can see this dude has a taste. Ang handa nang interior kasi. Merong maliit na sofa at saka kulay pink yung cabinettt. Waaahhhhhhh. Pag katapos nya akong ihatid ay sinabihan nya akong mag pahinga daw muna which is gagawin ko naman kasi medyo napagod rin ako sa byahe at pa gabi na rin. Baka bukas na kami makapamasyal. Hindi rin naman ako kakain kasi busog pa ako sa fries at burger na kinain ko sa byahe kanina. Sinabi ko namang kakain nalang sya kung gusto nya at magpapahinga ko.
Hindi ko malayang naka idlip na pala ako. Ni hindi pa nga ako nakapag hilamos nang mukha. Time check: 11 pm na po. At ewan bigla ata akong nagutom. Tumutunog kasi tyan ko eh. Huhu. Kaya nag bihis ako at bumaba na para mag hanap nang pagkain. Hindi ko na tenxt si Tris. Nagpapahinga na yun eh at for sure pagod na pagod yun sa byahe. Makaka abala pa ako. Lumabas ako nang hotel to find a place na hindi masyadong matao pero relaxing. And i find myself here in the restobar. Ang nag engganyo lang naman saking pumasok eh yung live band. Ang ganda kasi nang music na kasalukuyang epiniplay nang isang male vocalist. Umorder na ako nang pineapple juice saka grilled pork. Yun lang ang nakita ko na natatakam ako eh. Haha. At umupo na rin pag katapos. At sakto namang pag upo ko, new song na pala.
~before I let You go playing~
I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you love me made me feel oh so rightEh ako lang naman ang in love eh. Saklap. Nananadya ang kantang ito.
But now I feel lost dont know what to do
Each and every I think of you
Im holding back the tears Im trying with all my mightGrabe. Tagos talaga eh nu. Tiningnan ko nang masama ang vocalist. Haha. Hindi nya ako napansin kasi marami ding kumakain dito and nakapikit sya habamg kumakanta. Feel na feel po ni kuya. Haha.
Because you're gone and left me standing all alone
And I know I've got to face tomorrow on my own
But baby before I let you go
I want to say
I love you.So yun na nga guys. Kumain akong nag dadrama. Hahha. Nang matapos kong kumain ay napag desisyunan kong bumalik na sa hotel at magpapahinga na rin. Tumingin muna ako sa paligid at tumayo na. Sakto namang may nakita ako. Nagulat oa ko. I saw the man I dont have plan seeing with. It was him, Topè. Pag tingin ko ulit ay nawala. Ano ba yan. Namamalikmata na naman ako. Hayyyy. Bakit ba kasi nag mamahal pa tayo nu? Kung nasasaktan lang din naman. Tssss. Lumabas na ako nang tuluyan. Kung anu anu na kasi nakikita ko eh. And it feels so real. Parang bumalik na naman tuloy yung sakit sa dibdib ko dahil napaiyak na naman ako. Ang baliw ko talaga. Unakyat na ako at natulog. Tomorrow is another day and its gonna be great. I prayed and fell asleep.