CHAPTER ELEVEN

2.5K 77 0
                                    

Kidnapped

~

Kasalukuyan kami nila Ayesha at Ellaine na nasa dorm at nagkwekwentuhan nang may maaninag akong isang anino sa labas ng veranda. Akala ko kung ano lang kaya nung una ay hindi ko pinansin at pinagpatuloy lang namin ang pagkwekwentuhan kaso di nagtagal napatingin ulit ako doon at nakita kong nadagdagan ng apat ang anino.

Could it be? No, hindi pwede.

Agad kong hinila sila Ayesha at Ellaine papunta sa likod ko. Naging alerto naman silang dalawa at maya-maya lang may pumasok na limang lalaki na nakamaskara at kita ang tattoo nila sa kaliwang braso. Yellow Gold Mafia tangina niyo

Agad silang umatake kaya wala kaming nagawa kundi ang patulan sila. Napansin kong nadagdagan pa sila ng lima. Mga gago talaga!

Hindi ko inaasahan na may hawak silang patalim kaya nasugatan ako nung isa sa kaliwang braso at yun na ang naging chance nila para mahawakan ako.

Bago pa nila ko mahila ay nasuntok na ni Ellaine yung isa at nasipa naman ni Ayesha yung isa. Yung isa naman nakita kong nagbuntong hininga at sa isang iglap may hawak na siyang dalawang baril at nakatutok na ito kay Ellaine at Ayesha.

"Hindi kayong dalawa ang kailangan ko." Blangkong sabi niya sa dalawa at tumingin sakin.

"Ikaw ang kailangan ko." Sa kabila ng suot niyang maskara ay ramdam ko ang pagkakatitig niya sakin ng mataimtim.

Ang lamig ng pagkakatitig niya. Bakit, bakit nakakaramdam ako ng takot? This is impossible, sino ba to?

Masyadong naging mabilis ang galaw niya. Nagulat nalang ako nang nasa harapan ko na siya at binuhat ako. Sila Ayesha at Ellaine naman ay mga nakaupo sa sahig at hawak ang braso nila.

Madali niya kong nabuhat dahil hindi ako makagalaw sa sakit ng sugat sa braso ko. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagkahilo at unti-unti akong nilamon ng kadiliman.

Nagising nalang ako sa isang madilim na lugar, walang kahit anong ilaw. Naramdaman ko namang nasa kama ako kaya medyo umayos ang pakiramdam ko. Hassle yun kung nasa sahig lang ako, ang poor naman nila kung ganon.

Sinubukan kong igalaw-galaw ang kamay kong nakatali sa likod, ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali, matatagalan akong kalasin ito.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng mga yapak papalapit. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang marahang paghawak niya sa pisngi ko. Hindi ko makita kung sino siya dahil hindi manlang siya nag-abala na sindihan ang ilaw. Sa kabila ng kadiliman ay ramdam ko pa rin ang mariin niyang titig sakin.

"Be a good girl. Don't you dare disobey me, Princess?" He whispered.

Chasing The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon