Three years ago
~
Marky's Point Of View
[YGM BASE AT HELL FOREST]
Matapos mawala ni boss at Silver sa harapan ni Akira bigla nalang sumabog ang kaninang kinatatayuan nila at nakita ko ang pagtilapon ni Akira sa malayo.
Nang mapansin kong wala ng ganong usok agad akong pumasok sa loob nito at nakita siya na walang malay at nababalutan ng dugo ang katawan.
Mas lalo akong natakot ng hawakan ko ang pulsuhan niya at hindi ko maramdaman ang pagtibok nito. No
Wala na kong pakealam sa pwedeng mangyari. Agad ko siyang binuhat at dumaan sa secret passage sa loob ng kwartong yun at agad na dinala siya sa ospital.
Mahigit isang oras ang nakalipas na nasa loob siya ng emergency room at hindi pa lumalabas ang mga doktor na nag-aasikaso sakanya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kong tawagan si Ellaine pero baka kasama niya sila Silver.
Nang mapansin kong papalabas na ng room yung doktor agad ko siyang nilapitan.
"Dok kumusta po yung pasyente?!" Tarantang tanong ko at lalo akong nataranta nang makita ang malungkot niyang tingin.
"She's in coma at hindi pa natin alam kung kailan siya magigising o kung magigising pa ba siya." Nanghina ako sa sinagot ng doktor. Kusang gumalaw ang katawan ko at agad na pumasok sa loob ng ER.
Tinitigan kong mabuti si Akira na mahimbing na natutulog habang maraming nakakabit na kung ano-ano sa katawan niya.
Dalawang araw na nakalipas at wala pa rin siyang malay.
Napagpasyahan kong pumunta kami ng states at dahil pagmamay-ari ng mga Park ang centrum airline ay ginamit namin ang private jet.
Dalawang buwan na ang nakalipas nasa ospital ako binabantayan ko si Akira, sa sobrang pagod ay di ko namalayan na nakatulog ako at nagising nalang nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata ko ay napanganga ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Si Akira gising na siya at nakangiting nakatitig sakin.
Nagulat nalang ako nang yakapin niya ko at naramdaman kong umiiyak siya. Hinaplos ko ang likod niya at lalong humigpit ang yakap niya.
"Bakit Marky?" Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siyang magsalita dahil alam kong kailangan niya ngayon ng taong makikinig sakanya.
"Bakit nagawa sakin ni Silver to? Akala ko ba mahal niya ko? Sabi niya poprotektahan niya ko. Pero bakit, bakit niya nagawa sakin to?"
Isang araw ay bigla siyang lumapit sakin at sinabing palabasin kong patay na kami. Hindi na ko nagdalawang-isip pa at sumang-ayon na agad, kung sa tingin niyang ito ang makakabuti sa ngayon susuportahan ko lang siya.
Dalawang taon na ang nakalipas at maayos na ang lagay ni Akira, pero napansin kong sa tuwing iiyak siya ay ilang minuto lang biglang siyang nahihimatay. Ang sabi ng doctor ay hindi kinakaya ng katawan niya.
Ilang beses kong sinubukan iopen ang topic sa nangyari pero gumagawa siya ng paraan para maiba ang usapan. Hindi nalang ako nagpupumilit dahil baka magalit pa siya.
Pagkatapos namin mag-third year college napagpasyahan niyang bumalik ng pilipinas at doon na tapusin ang pag-aaral.
Sa loob ng tatlong taon marami ng nagbago sakanya. Hindi na siya ang dating Akira na nakilala ko. Sa school ako lang kinakausap niya, hindi siya pumapansin ng kahit sino.
She's silent but deadly, this is her now.
"Yun nga ang nangyari," Sabi ko at biglang kumunot yung noo ni Klein.
"Teka, diba sabi mo. Sa tuwing umiiyak siya nahihimatay siya dahil hindi kinakaya ng katawan niya," Nanlaki naman ang mata ko ng maalala ang nagyari kanina. Shit!
Agad akong tumakbo para hanapin si Akira at ramdam kong nakasunod sila sakin.
"Sa high school garden," Tarantang sabi ni Silver kaya agad kaming tumakbo papunta doon at naabutan namin si Akira na nakahandusay sa damohan at walang malay.
I'm sorry, Akira.
Third Person's Point Of View
Nang magising si Akira ay bumungad sakanya ang anim. Sa tabi niya ay si Silver na nakahawak sa kamay niya.
"How are you feeling? May masakit ba sayo? Tell me," Sunod-sunod na tanong ni Silver at umiling naman siya habang nakangiti.
Nagising naman si Ayesha at nang makita niya si Akira ay agad siyang tumakbo dito at dinamba ng yakap.
"A-akira," Naiiyak na banggit nito sa pangalan niya habang nakayakap sakanya. Nagising din yung apat na kanina ay natutulog din at lumapit sakanila.
Maya-maya lang ay nahimasmasan na si Ayesha at naupo na sa tabi niya. Tumikhim naman si Silver at parang naintindihan nung lima ang ibig sabihin noon dahil sabay-sabay silang nagpaalam na lalabas muna.
Nang makalabas ang lima ay siyang mabilis na pagtibok ng puso ni Akira. Hinigpitan ni Silver ang hawak sa kamay niya kaya napatingin siya dito.
"Alam kong galit ka sakin Akira, pero nagawa ko lang yun dahil hawak nila si Mama. I don't want to lose you, but I also don't want to lose her." Nakayukong panimula nito. Tahimik lang naman na nakikinig si Akira.
"Babalikan naman kita doon, I did came back pero pagbalik ko wala ka na."
"I-I'm sorry for what happened, Akira p-please forgive me."
BINABASA MO ANG
Chasing The Gangster Princess
Random"After so many years of chasing the gangster princess, ngayon hawak ko na," He said with an evil grin written on his face, what a pity. My tears stopped flowing and a smile formed at my lips. He took a step back when he saw me. "You really have the...