CHAPTER 4

17 1 0
                                    

Chapter 4
Getting Closer

Simula noong nalaman nila iyon ay madalas na akong pinagmamasdan ng mga kaibigan ko, pati na rin si Drake. Naging mas malapit din si Yumi at Drake, ng dahil sa tuwing nasa bahay kami nila Drake ay nakakasama na rin siya kasama ang tatlo niyang kaibigan na si Mika, Kaila at Nikiya

Tanghalian ngayon kakatapos ko ang kumain ng lunch at nakaligo rin naman nakahilata lang sala at wala akong ginagawa nanonood lang ako ng TV at tumunog ang cellphone ko.

Drake:

Pre, patulong.

Na wrong send kaya siya? Bakit pre? Ano sasagot ko dito? Baka naman sinadya niya?

Ako:

Ha? Bakit ano yun?

Drake:

Si Yumi kasi inaaya ko mag date kaso di ko alam kung ano isusuot ko, pwede mo ba ako samahan sa SM? Sandali lang naman. Paalam kita kay Tita Precita.

HA?! Bakit ako? Mukha ba akong lalaki para samahan siya?

Ako:

Bakit ako? Bakit di sila Toffer?

Drake:

Si Toffer may outing. Si Enzo nasa bakasyon. Si Joaquin may date. Sige na ikaw nalang pag asa ko. Payag ka na please? :(

Tumunog ang cellphone ko at tumuwag si mommy.

"'Nak ano ginagawa mo?" Bungad niya.

"Nasa sa sala po nanonood. Bakit po?" tanong ko.

"Pwede mo ba samahan sa mall si Drake? Kasi wala daw siyang kasamang iba driver lang." sagot ni mommy, sinasabi ko na nga ba at tinawagan ni Drake si mommy eh.

"'Nak sige na samahan mo na, nang magkasundo kayong dalawa. Papunta na siya bahay ngayon. Baba ko na ah. May pera ka naman kaya yun ang gastusin mo. Mag iingat kayo. Bye love you." pagbaba ni mommy.

"Okay po, bye love you."  wala akong nagawa kundi nagssunod, kumaripas ako sa kwarto ko para magbihis.

Plain white shirt, ripped jeans at white sneakers lang ang sinuot ko na may maaliit na black body bag. At kumatok na si manang na andyan na si Drake, kaya bumaba na ako. Naka maong pants at black shirt lang siya.

"Bakit kailangan mo pa ng kasama?" iritado kong tinaong.

"Di ako confident pag ako mag isa e." sagot niya.

Inarte. Parang bakla lang e.

Nang makarating kami sa SM agad naman siyang pumasok sa kung ano anong store na panlalaki.

"Ano bang magandang suot ng mga lalaki kapag nakikipagdate?" pagbaling niya sa akin.

"Siguro yung damit na mukha siyang matikas at matipuno. Yung lalaking disente kung pumorma." sagot ko.

"Pwede mo ba ako ipili ng isusuot?" pagmamakaawa niya at umirap ako at kumuha ng mga damit haabang pinag mamasdan niya ako.

Denim polo, Jeans at white shirt ang kinuha ko sa kaniya.

"Ito sukat mo." inabot ko kay Drake at pumasok siya sa fitting room. Ano kayang magiging itsura niya?

Nang lumabas siya, halos mawala ako sa sarili habang tinitignan siya. Lord, bakit ba ang gwapo nitong lalaking 'to? Is it too much to ask na sana ako nalang ang magustuhan niya?

"Precious?" pagtawag ni Drake na seryoso akong tinitignan.

"ha?" at nagising ako sa katotohanan.

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon