CHAPTER 26

11 1 0
                                    

Chapter 26
With a Smile

Malapit na magpasko, it is the first day of December. Ano nga ba meron sa December ko ngayon? Christmas, birthday ni Maddox and new year. I've never felt something like this, medyo na-excite ako sa mga pangyayari tila ba nagbago ang aking timpla. Biglang nagkangiti at kulay sa panahon ng ganito sa buhay ko ngayon.

After that crying incident and pa breakfast ni Maddox, hindi na naman siya gaano nagpapakita. Hindi pa nga nagtetext. Bulok na yung text ko sa kanya.

I don't know what's with him at ang hilig niyang 'di magsabi kung nasaan siya. Ilang panahon na siya 'di nagpapakita. Amg demanding kong pakinggan pero totoo naman diba? It is so rude to leave people on read.

Nasa kiosk kami sa grounds, kasama ko sila Amanda, Anna at Hannah. Vacant ata ng mga gaga.

"Saan kayo sa pasko?" Tanong ni Amanda.

"Baka dito lang kami sa Manila kasi noong mga nakaraan we've been out of the country. Ikaw?" I replied.

"Mag Singapore kami sa 21  alis." Sagot ni Amanda.

"Pasalubong ko." Banggit ko.

"Ako din." Sagot na sabay ni Anna at Hannah.

Pagkakaalala ko na sa 21 nga pala birthday ni Maddox at 'di ko alam kumg ano ibibigay sa kanya.

Parang almost a week ko na prinoproblema 'yon, actually it wouldn't matter that much naman kung bibigyan ko siya or what.

Nalibot ko na ata buong mall para mag isip ng ibibigay sa kanya. Kasi parang nasa kanya na naman ang lahat, ano pa ba ang mga pangangailangan niya? Bigas kaya? Charot.

It is our rest week, so I'm staying at our house sa Paco. And I'm busy buying gifts, 'kala ko makakatulog ako, kaso ninang duties.

I've been in different malls to buy gifts kaso wala pa din ako naiisip ibigay kay Maddox. That person is very mysterious kaya I have no idea on what to give him.

It is almost 2 days before his birthday, kaso 'di ko nga alam kung papaano siya magcecelebrate at 'di pa replyan.

May nagtext sa akin, si Maddox.

Maddox:

Saan ka? Please meet me.

Bakit ba ang hilig magtext nito pagkatapos hindi magkita mg ilang panahon?

Me:

Greenhills.

Maddox:

What are you doing there? I'll go there give me 10 minutes.

'Di pa nga ako pumapayag, pupunta na. The flash?

Me:

Christmas Shopping. Okay, will wait for you sa Starbucks.

So habang papunta akong Starbucks, mag iikot na rin ako.

While walking, wala pa din talaga ako maisip. T shirt? Baka naman hindi niya magustuhan. Pantalon, nako baka hindi pa magkasya, lalo na kung sapatos. Brief? Jusko po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon