CHAPTER 21

11 1 0
                                    

Chapter 20
All About Friends

May gala with HS Friends later, balak nila magkita kita sa bahay ni Chris, kaya sa village lang, balak na rin ata nila mag sleep over.

"Precy!!" Hiya ng mga kaibigan ko pagpasok ko ng pinto nila Chris.

Miss na miss nila ako, na pinag yayakap isa isa. Na miss ko rin ang mga 'to, kalokohan lahat. Kumpleto kami without boyfriends.

"Gumaganda ka friend ah?" Pansin ni Benj.

"Nako may nagpapaganda dyan." Singit ni Amanda.

"Sino? Don't tell us na may bago ka ng bakla na nag aayos sayo!" Ani Chris.

"Ibang paganda kasi! Pa-blooming ganoon!" Sigaw ni Amanda.

"Sino?" Interesadong tanong ni Keira.

"Nako. Wag kayong maniwala diyan kay Amanda. Nagjojoke lang 'yan! Ano pala pakain?" Pag iba ko ng pinag uusapan.

Ayaw kong maitopic ngayong araw.

"Nagluto si Amanda ng pasta at nag order Pizza si Chris then nag roast ng chicken."

Kwentuhan, laro, kulitan, at iba pang mga trip nilang gawin. Nag aya silang maligo sa ulan. Siyempre sugod kaming lahat. Ang kukulit namin na parang bata. Buti may dala akong damit.

Bago kami matulog ay pumorma kaming paikot at nagstart na magkwento isa isa. Nainom rin kami ng Beer.

"Break na kami Don, last week pa. Nakita ko siya may kasamang babae. Dinedeny niya pa. Pero wala eh.
Buti kasama ko sila Keira at Toffer para icomfort ako. " kwento ni Chris.

"Okay lang 'yan bes. Wala talagang naidudulot na magaganda ang mga lalaking 'yan." Payo ko.

"Hugot na hugot ah." Ani ni Neila.

"Sus 'yan pa. Si Precy 'yan eh." Reaction ni Amanda.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko, nagtext si Maddox.

Maddox:

Ano gawa mo? :(

This is sudden.

Ako:

I'm with my friends. Night out ganun. Ikaw? CamSur ka na?

Maddox:

Ah. Kakarating lang namin kanina. Nabobored ako. Enjoy ka. :)

Nangingiti ako na ewan. Wala sigurong makausap 'to.

Ako:

Ah sige. Enjoy ka rin. :)

"Oist. Precy. Huy!" Pagtawag ni Chris.

Nag angat ako ng tingin sa mga mukha nilang nagtatanong na nakatitig sa akin.

"Ha? Bakit?"

"Ikaw na kaya. Sino ba katext mo at nangingiti ka? Muntanga friend." Ani ni Benj.

Nang biglang sinilip ni Amanda ang cellphone ko.

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon