CHAPTER 20

8 1 0
                                    

Chapter 19
Magkasundo

I enjoyed that company with Maddox, simula noong nanonood kami ng movies naging madalas na kaming magkatext at minsan naman ay nakatambay sa unit ko or sa Sky Lounge, mag kwentuhan ng kung anu ano, kadalasan na rin kaming sabay umuuwi. Nagcocommute rin siya, jeep lang ang layo sa condo namin.

Thursday palang ng umaga at wala na kaming pasok simula ngayon, nag aayos ako ng gamit ko para sa Semestral Break namin. 2 weeks rin akong mamalagi sa munti naming tahanan or kung maisipan ng Nanay ko magbakasyon. Tumunog ang aking cellphone.

Maddox:

Ano gawa mo?

Ako:

Nag iimpake for sembreak. Ikaw?

Maddox:

Planning magpunta sa mall, wala akong kasama eh. Busy si Craigley, kasama si Marichelle. Pwede ka? :(

Hmm. Parang sa ganito rin si Drake non. Maghahanap nalang ako ng mabibiling pasalubong para kila Mom, so sasamahan ko na siya.

Ako:

Sige, ligo lang ako. 10 mins.

Maddox:

Okay.

Nag black pants ako, denim polo at sneakers rin na itim and just a shoulder bag. Nakabun lang ang buhok ko.

Ako:

Already done. Where are you?

Maddox:

Lobby.

Magcocomute lang ata kami.

There he is nakaupo sa couch. Nakablue polo shirt siya, black pants at sneakers rin na itim.

"Tara na?" Pag aya ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at pinasadahan ang itsura ko na para bang may examination ng itsura.

"Bakit ganyan suot mo?" Iritadong tanong ni Maddox.

"Bakit? Pangit ba? Baduy?"

"Hindi. Mukha ka kasing lalaki sa suot mo." Suplado niyang sinabi.

Sungit nito ngayon.

Tunayo siya at naglakad patungong elevator.

"Saan ka pupunta? 'Di na ba tayo tuloy?" Tanong ko.

"Basta sumunod ka nalang." Suplado niyang sinagot.

Ano kayang problema nito? Dinudugo ba ito? Is it his time of the month?

He pressed basement. When we got off sa elevator, nagtungo siya sa isang itim na Montero.

"Is this your car?" I asked.

"Yes, Dad gave me this 1 month ago, pero kagabi ko lang inuwi dito and ngayon ikaw ang unang kong kasama sa sasakyan na ito." Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon