CHAPTER 12

17 1 0
                                    

Chapter 12
Preciously Broken

No one can ease the pain na nararamdaman ko. My whole world is broken. I feel so lost.

'Yong tipong taong minahal mo ng sobra kaya ka palang lokohin at iwanan. 'Yong pakiramdam mo na sobrang saya dahil maiisip mo na may nag mamahal sayo. Parang ganto rin ang naramadaman ko nang maiwanan kami ni Daddy.

'Yung binigyan mo ng chance kaso wala pa rin. Masakit na masakit, ngayon lang ako nagmahal para sa ibang tao ganto pala ang sukli na sakit nito. Kahit ibigay mo na ang lahat sadyang di sila nakukuntento at nakakayanan ka pang lokohin, pagtaksilan at lahat ng mga mga tuksong maaring lumapit sa kanila.

Even the greatest love can hurt you. A love that can hurt you the most.

My mind goes wild up with thoughts, poems and ideas, it brought out the bitterness in me, 'yong sakit na nararamdaman mo na ilalabas.

Ang sa pagmamahalang na siya'y  walang katapusan na natapos sa isang pagkakamali lamang
Pag-ibig mo'y kala mo totoo 'yon pala'y isang panandalian lang
Subalit minahal kita ng buo, bakit mo ko sinaktan ng ganto?
Iniwang luhuan at wasak ang puso
Nagunaw ang mundo ng dahil ika'y minahal ng todo
Tiwala kong ibinigay datapwat niloko mo ako
Ito ang lahat ng idinulot mo sa damdamin kong para sa iyo.

Pangako mo'y tayo hanggang dulo‬
‪Sapagkat sa panaginip lang nagkatotoo‬
‪'Di ko alam kung ano ang mararamdaman sa sakit at pighati na idinulot mo‬
‪Naging wasak at gumuho muli ang pusong nagmamahal ng totoo‬
‪Bakit ba laging ganto na iniiwan luhaan sa gitnaan ng magulo at 'di ayos na mundo?

Ang sakit sakit sa totoo lang hindi ko alam kung papaano tumayo sa lupang kinabagsakan ko ng dahil sa pag-ibig na ito.

Mga nararamdaman ko minsan ay nalabas na lang sa aking mga isinusulat na kwento o kaya't tula. Nagagamit ko rin ito sa paaralan.

Napag isipan kong gumawa ng blog site na para sa mga pusong wasak, iniwan, sinaktan, nagtangatangahan at kung anu-ano pang dulot ng pag ibig, tungkol rin naman 'to sa mga ginagawa ng babae kaya't siguro maraming makakarelate dito. Kung sa iba nga ay Mendiola nila ang social media.

'Preciously Broken' ang magiging pangalan ng aking site. Magpopost ng iba't ibang mga tula, monologue, hugot at kung ano ano pang mga magandang gimik na pwedeng gawin.

May mga Blogs doon about things, for example 5 signs he is not into you, mga ganoon, spots and places na magandang puntahan, playlist, expressing what I feel, and everything every girl can relate with.

Well maybe isang paraan na rin para mag move on, matuon ang atensyon sa ibang bagay, hindi sa ibang tao. Hindi ka nabuhay para saktan nila.

Preciously Broken by Madam Puso.

Realization #1:

Ang buhay ay di isang fairytale na makaiwan ka lang ng sapatos ay may prince charming ka na o kaya naman ay kumagat ka lang ng mansanas ay andyan na siya. Ang buhay ay isang malaking Quiapo, maraming mang aagaw, mang aahas at nandadampot, kaya lumaban ka, na sasaiyo iyan kung hahayaan mo silang kunin ang para sa iyo.

Realization #2:

Ang damdamin traydor 'yan eh, tumitibok sa taong kayang wasakin, saktan, biguin at idulot ang puot ng mararamdamaan mo, kumbaga ba suicidal mission ang lagi niyang ginagawa.

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon