CHAPTER 17

12 1 0
                                    

Chapter 16
Clueless

Malungkot na ako mag isa dito sa condo. Nakakamiss kabaliwan ni Amanda. Siya din minsan nagpapaingay eh. Bakasyon bahay lang din ako at ngayong pasukan naman sa condo ako.

Iniintay ko siya sa garden ngayon, magmall daw kami. Namiss din ako. Tumunog ang cellphone ko. Wala si Hannah at Anna kaya kasama ko si Amanda.

Amanda:

Saan ka? Kakatapos lang ng klase ko.

Ako:

Garden malapit sa building nyo. Gutom na ko.

At di na siya nagreply, mamaya maya susulpot na 'yon.

"PRECY!" Alingangaw ng bunganga ng kaibigan kong galing sa likuran.

"Ang tagal mo kanina pa ako dito." Reklamo ko.

"Edi sana 'di mo na ko inintay." Aniya.

At may lalaki sa likod niyang nakapulang matangkad, pamilyar ito. At tumunog ang cellphone ko.

Maddox:

I can see you.

I knew it. I cant let him near me, aasarin lang ako ni Amanda, at may lakad kami ngayon.

Pero mukhang hindi naman ako sasamahan nito. Pagtapos kong sungitan pagtitiyagaan pa kaya ako nito?

Ako:

I can also see you.

Gaga! Malamang may mata kayo.

Nakatingin siya sa lugar namin ngayon. Habang may kinukuwento na kung ano man si Amanda sa klase niya, nawala atensyon ko at napunta kay Maddox. May lumapit na lalaki na kasing tangkad niya rin. At bumaling rin sa pwesto namin at pilyong ngumiti at si Maddox ay nakatitig pa rin sa akin.

"Oy. Precy!" Pag tawag ni Amanda kaya nakuha atensyon ko.

"Ang dami ko ng chika 'di ka pala nakikinig. Sino ba 'yang tinitignan mo sa likod mo?" At bumaling siya sa likod at tinignan ang nakatitig na si Maddox na kasama pa rin ang lalaki.

"OMG! Type mo siya?? Precy!! Nako nako! Matalino 'yan sa klase namin sobra! Si ano 'yan si Chinese nakalimutan ko name! Nako sabi na nga ba ganyan mga taste mo eh." Aniya.

"Taste ko?" Tanong ko.

"Oo. Ganyan mga tipo mo eh. Kilala kita. Matangkad, maputi, singkitin ang mga mata, matipuno, matalino. Nako bessy ah kakaiba rin standards mo." Sagot niya.

"Tigilan mo nga ako." Sagot ko.

"Tignan mo oh! Nakatingin sayo!! Type ka rin niya!! Nako nako! Ayieee. " pang aasar niya.

Naglakad siya papalapit sa amin sinusundan pa rin siya noong lalaki.

Don't tell me papakilala siya sa harap ng kaibigan ko! Kaso ano nga ba kinakatakot ko? Di mo naman siya gusto.

"Andrea, we'll have a dinner tomorrow at our house. It is mom's birthday." Pormal niyang binanggit at napaawang ang bibig ni Amanda.

Preciously Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon