Hanggang Kailan?

2.9K 21 2
                                    

Hi. Ako nga pala si Camille. Pero mas sanay yung mga kaibigan kong tawagin akong Camz. 3rd year college student sa isang University na hindi kagandahan. Hindi ko nga alam kung bakit dun ako pumasok e. Pero shempre wala akong choice kasi yun ang sabi ng Kuya ko. Ah, oo sya nga ang nagpapaaral sa’ken. 

Simple lang naman akong tao. Konti lang ang kaibigan ko nitong college. Madami sa mga naging classmates ko noon e ayaw ako. Bakit? Hindi ko naman sila inaano. Hindi ko lang feel makipagkaibigan sa kanila tulad nang hindi rin nila ako feel na kaibiganin. Anyway, hindi naman bigdeal saken kung madami o konti lang ang kasama ko. Ang importante meron. 

Normal ang buhay ko bilang estudyante mula nung pumasok ako ng College hanggang sa matapos ako ng 2nd year. Medyo nagkaroon lang ng thrill nitong pumasok ako ng 3rd year. Bukod sa dahilang napapagod na ‘kong mag-aral at talagang napapagod na ‘ko, e akala ko talagang mawawalan na ‘ko ng ganang pumasok. Kaso meron akong bagong classmate. Nung mga unang araw ng klase e di ko naman sya napapansin. Siguro dahil hindi pamilyar ang mukha nya sa’ken. Di ko naman maalalalang nakilala o nakita ko na sya nung mga unang taon ko dito. 

Eh nung minsang nasa isang klase kami kung saan nagpapa-gawa ng kung ano yung professor at kami namang mga estudyante e nagkakagulo sa classroom, bigla ko lang nakatabi itong tinutukoy kong classmate. Ah, Karlo pala ang pangalan nya. Nakita ko yung ID nya. Hindi ko sana kakausapin kaso naintriga ako nung makita kong 2006 pa sya andito. 2007 kasi ako pumasok dito kaya nagtaka ako kung bakit ko sya kaklase, kaya kinausap ko. 

Ako: Uy! 2006 ka pa dito? Bakit late? (Kung makipagusap ako, kala mo magkakilala kami e noh?)

Karlo: (nagulat) Ha? Eh nagshift kasi ako. Nursing ako nung first year. 

Ako: Ah kaya pala. Kala ko repeater. Hehe. Edi matalino ka pala nyan. (Hindi ko alam bat ako ganito makipagusap. Rude.) 

Karlo: Di naman. (smiles) 

Nagpatuloy na kami dun sa pinapagawa nung prof namin. Medyo mahiyain si Karlo no? Or snob lang talaga sya. Hindi ko alam. Pagtapos nung conversation, tinitignan ko lang sya. Medyo tinuturuan nya kasi yung mga bully naming classmates dun sa pinapagawa ni Maam e. In some way, parang natuwa naman ako sa kanya. Eh kung hindi nyo naitatanong, attracted kasi ako sa matalino. Plus points nalang na gwapo sya. 

Pagtapos nun e nagpunta na kami ng Library, kasama ko yung mga kaibigan ko. Naaalala ko ulit si Karlo at excited akong nagbalita kay Ken, isa sa mga pinaka-close kong kaibigan dito sa Campus. 

Ako: Oy ken! May bago akong crush! Kaklase natin. 

Ken: Sino naman? Parang nung kelan lang iba, ngayon meron na naman.

Ako: Wag kang mangialam. Wala na yung isa. Si Karlo. Ang cute nya. Shifter pala yun, galing nursing. Talino no?

Ken: Porke galing nursing matalino agad? Ewan ko sayo.

Ako: Tse! Wala kang kwenta.

Sweet talaga kami.

Nung pauwi na ko, iniisip ko tuloy kung makikita ko sa facebook ‘tong si Karlo. Pero siguro naman oo, sino ba naman ang walang facebook ngayon? Sus lolo ko nga meron e. Excited tuloy akong umuwi para ‘kong tanga. Nakalimutan ko tuloy na magkikita pala kami ni Benj sa mall. Ah si Benj, boyfriend ko. Galing yun ng trabaho kaya sabay na lang kaming uuwi.

Knwento ko sa kanya si Karlo. Oo, okay lang sa kanya yung mga ganung bagay. Katwiran nya, matanda naman na daw ako, alam ko na yung limitasyon ko. Pero para sa’ken, tingin ko wala lang talaga syang pakialam. Hindi ko nga alam bakit pa kami magkasama e. Busy naman sya at busy din ako. Hindi ko rin naman sya gustong kasama pag aalis ako. Ganun din naman sya saken. Mas gusto nya magtrabaho, at mas gusto ko namang pumasok dahil sa mga kaibigan ko. Mas focused sya sa pamilya nya at ganun din naman ako sa pamilya ko. So yun nga, knwento ko si Karlo.. 

Ako: May crush akong kaklase ko. Okay lang?

Benj: Bahala ka, malaki ka na. Tsaka crush normal lang naman yun.

Ako: Eh pano kung ipagpalit kita sa kanya? (Hindi ko naman mean ‘yon. Gusto ko lang malaman kung anong opinyon nya.)

Benj: Haha, patawa ka! Kung gagawin mo yun, hindi mo na sasabihin sa’ken. At kung gagawin mo man, edi sige. Kung dun ka ba masaya e.

Ako: Whatever. (Sabi sa inyo wala syang pakialam e.) 

Lumipas yung mga normal na araw pero parang nadagdag si Karlo sa mga dahilan kung bakit ko gustong pumasok. Naging magkaibigan kasi kami. Pero hindi naman ganun ka-close. Nakalimutan ko na ngang isearch sya sa Facebook dahil sa dami ng homework ko. Sa mga paguusap naman namin minsan e hindi ko rin sya natatanong. Weirdo. 

Isang hapon, eto na naman ako. Naghihintay na naman ako sa mall. Leche kasi ang tagal ni Benj. Di mo alam kung galing pa ng Ecuador kaya ang tagal tagal dumating. Napagod na ko sa kaka-lakad para malibang kaya umupo na lang ako sa Foodcourt. Bibili sana ako ng inumin kaso wag na. Nagtext naman itong si Benj na malapit na daw sya, at pag sinabi nyang malapit, mga 20mins pa yun. Bwisit. Sa pagmamasid ko sa mga tao, biglang dumaan si Karlo. Aba, andito rin pala sya. Tatawagin ko sana kaso nagulat ako kasi may kasama. Syempre babae. Matured yung itsura, nagdalawang isip ako kung girlfriend nya. 

Tinext ko si Ken..

Ako: Uy! Nakita ko si Karlo, may kasama e. Babae, kaso ang tanda na. Di ko alam kung girlfriend nya o nanay. Pero magkaholding hands e. 

Ken: Haha! Wawa ka naman.

Ako: Ewan ko sayo. Tange. 

Bwisit din ‘to si ken e. Anong tingin nya? Affected ako. E crush lang yun e. Pag crush ba, mahal na agad? Di ba pwedeng crush lang? Gulo nito ni ken e.

After Jurassic years, dumating din si Benj. Badtrip na ko, ni wala na kong ganang kumain. Nagyaya na lang akong umuwi na. Kapalit ng pagpapahintay nya e sasayangin ko yung pag-alis nya ngayong araw. Nabi-bwisit kasi ako talaga pag naghihintay ako ng matagal. 

Benj: Ayaw mo na ba talagang kumain? Bat pa ko umalis e uuwi na rin naman pala tayo.

Ako: Ayoko. Mas gusto kong kumain kasama sila Mommy. Wag mo ‘ko tanungin ng ganyan baka samain ka sa’ken. *irap*

Benj: Ewan ko sayo! Hindi ka naman makaintindi. 

Ako: Kung gusto mong kumain, edi kumain ka. Walang pumipigil sayo. Basta ako uuwi na, kung hindi mo ko ihahatid edi wag. Madali namang umuwi magisa. (Naglakad na ‘ko palayo. Irita ko pag nagtatalo kami ng ganito.) 

Hindi sumunod si gago. Tapos nung nasa fx na ko, nagtext sya bigla..

Benj: Alam mo Camille, ang childish mo! Ingat. 

Ako: Yes I know. Ikaw, alam mo bang insensitive ka?

Benj: Bahala ka sa buhay mo!

Ako: Hindi ko naman sinabing mangialam ka.

End of conversation. Dami pa syang text pero di ko na sinagot. Hindi ko feel mag-aksaya ng oras sa kanya. Binuksan ko yung ipod ko at umidlip sa fx.

Pagdating ko sa bahay, naalala ko ulit yung kasama ni Karlo. Dun ko lang naalalang hanapin na sya sa Facebook. Tutal na rin namang uminit ang ulo ko kay Benj, maglilibang na lang ako sa pagiinternet.

Tila isang oras na ata akong nagbbrowse pero wala namang tumutugma sa pangalan ni Karlo. Saang lupalop ba ng mundo galing yun at bakit walang FB account? Kainis. Surname nya na lang tinype ko. Ang dami namang lumabas. Tinignan ko yung iba, baka makahanap ako ng mukha nya.

Ayun, meron! Kaso mukang hindi pang isahan ‘tong account e. Out of curiosity e binuksan ko na rin. Girlfriend nya nga yung kasama nya kanina. Yun din yung kasama nya sa picture. At.. teka, may bata.

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon