Eh basta. May kung anong nagbubulong sa’ken na, “No Camz, ngayon lang ‘to. Alam mo sa sarili mong hindi ka na masaya kay Benj.” Tama naman yon. Hindi na ko masaya. Matagal ko na ‘tong naramdaman pero alam kong may tamang panahon para tapusin ang mga bagay bagay. At siguro, ito na nga yung panahong yun. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming maging masaya sa araw kung saan napagpasyahan na namin tapusin ang lahat. Siguro isang magandang hakbang ‘to para mas madali naming matanggap ang lahat.
Kung tutuusin e alam ko namang hindi magiging mahirap para saken ang mga nangyari. Bukod sa hindi ko naman ganong ramdam na may boyfriend ako mula nung maging busy kami ni Benj sa mga priorities namin sa buhay, e hindi naman talaga sya ang ideal man ko. Eto lang kasing mga pinsan ko ang udyok ng udyok sa’ken na pagbigyan ko sya kahit konting panahon nung mga time na nanliligaw palang sya sa’ken.
Anyway.. pagtapos ng araw na yun, hindi na kami ulit nagkita ni Benj. Hindi na ulit kami nag-usap sa kahit na anong paraan. Siguro nga, tama lang ang mga nangyari. Masaya naman ako, at mukhang masaya rin sya.
Busy kami sa school nitong mga nakaraang araw. Ang dami dami kasing activities at sobrang nakakabwisit na yung mga professor na pa-major. Isipin mo yun, minor subjects lang ang handle nila pero kung magpahectic ng sked namin, daig pa masteral subject eh. Hay. Kung di lang talaga ako nahihiya kay kuya, gusto ko na sana pumetiks sa school e. Pero no way.
Meron kaming tinatapos na project sa isang subject at ilang araw na ‘kong busy dahil dito. Tapos, yung reporting pa namin nila ken e next week na. Nagulat naman ako kahapon dahil bigla nalang tinanong ni Karlo yung number ko.
Karlo: Camz, number mo? (sabay abot saken ng phone nya.)
Ako: Oh bakit? Para saan?
Karlo: Eh yung report..
Ako: Ah okay. (Tinype ko yung number ko. Papangalanan ko na rin sana pero hindi nalang. Joke lang yun.)
Hindi ko maintindihan yung sarili ko, pero after ng klase namin e para akong tanga na naghihintay ng text nya. Naisip ko tuloy, patay na patay ba ‘ko sa kanya? HAHAH!
Kinagabihan, busyng busy ako sa project na tinatapos ko.. Nang biglang tumunog yung phone ko.
Unknown number: Camz. Tapos ka na sa project? Karlo ‘to.
Tangina may spark. Parang natuwa ako bigla. Di ko alam pero literal na napangiti ako at parang bata na naeexcite na magreply.
Ako: Patapos na. Bakit? (Nagreply ako na mukhang hindi masyadong interesado. Pero syempre kinukubli ko lang talaga.)
Nagkatext kami nung gabing yun. Nung una, patanong tanong lang sya tungkol dun sa project hanggang sa nagkkwentuhan na kami. Natapos yung conversation nung matutulog na ko..
Ako: O sya sige, tulog na ko ah. Maaga pa tayo bukas.
Karlo: Sabay tayo pasok?
Ako: Ha?
Karlo: Sabi ko, kung okay lang ba sayo na sabay na tayong pumasok bukas? Kita nalang tayo halfway.
Ako: Ah, sure. Goodnight.
Karlo: Goodnight. See you.
Hindi ako makatulog. Naeexcite akong pumasok. Pero wait, hindi ‘to pwede. Ang bilis ko naman atang kiligin? Wala lang yun. Baka ganun lang talaga sya makipagusap.
Kinabukasan, nagkita nga kami at sabay pumasok. Nahiya nga ako kasi 30 mins ko ata syang napag antay sa meeting place namin. Traffic kasi sobra. Sabi ko nga mauna na sya pero he insisted na maghintay.
The whole day passed by smoothly..
Nung pauwi na kami, sumabay ulit sya samin ni Ken. Gabi na kasi natatapos yung klase namin pag ganitong araw. Maya-maya e bumulong sya sa’ken.
Karlo: Kain tayo?
Ako: Ha? Gabi na eh.
Karlo: Yun nga e, gutom na ko. Dinner na oh.
Ako: Ikaw na lang. Layo pa byahe ko e. Next time nalang.
Karlo: Eh. Sige na, treat ko.
Ako: Nyek. Wag na. Next time na lang talaga.
Parang may something akong naramdaman that time, pero.. pinigil ko! Nagulat kasi ako, at pakiramdam ko e konti nalang masasabi ko nang may gusto na ko sa kanya. Sumakay na ‘ko ng fx pauwi. Nagulat ako nung magtext pa sya.
Karlo: Ayaw mo talaga?
Ako: Hehe. Nasa fx na ko, next time nalang. Thanks anyway. Ingat.
Umidlip ako sa fx dahil na rin sa pagod sa school. Maya maya e nakareceive na naman ako ng text..
Karlo: Camz.. May sasabihin ako sayo. Sana wag kang..
Ako: Ha? Ano? Wag akong?
Karlo: Sana wag kang magbago after ng sasabihin ko.
Ako: Huh? Bakit naman? Ano nga yun? Sabihin mo na.
Naisip kong baka finally e ibbrought up nya na yung tungkol sa girlfriend nya at sa baby nya… Hindi nga ako nagkamali.
Karlo: Ang totoo kasi, may baby na ko. Pero hindi kami kasal nung mommy nya. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo kasi baka bigla kang umiwas. Sana, hindi ka magbago. Sana ok pa din yung friendship natin.
Ako: Ah. Honestly, medyo matagal ko nang alam. Nakita ko sa facebook kasi. Kaya lang mas pinili kong hindi sabihin sayo kasi baka mailang ka or so. Mas gusto kong sayo na manggaling tutal ikaw naman yan. At yung magbabago, huh? Bakit naman. Walang dahilan para layuan ka dahil dun. Magkaibigan tayo, anong kaso?
Karlo: Weh promise ganyan lang reaction mo? Di ka galit? Di ka naiilang?
Ako: Hala. Eh bakit naman?
Karlo: Eh kasi may anak na ko, baka kung anong maisip mo.
Ako: Wala. Ano ka ba? Bakit? Krimen ba yun?
Mahaba pa yung mga napagusapan namin pero alam kong simula nung araw na yun e tumatak na sa isip kong tanggap ko yung sitwasyon nya. Tanggap? Bakit? Ano nya ba ko?
