Hanggang Kailan? 11

459 7 1
                                    

Airport

Mommy: Mag-iingat kayo dun ha? Tumawag ka lang pag may kailangan ka. Wag mong pababayaan sarili mo. Pag gusto mo nang umuwi, umuwi ka na ah? T_T

I have never been away from my mom for a long time. 1 week na ata yung pinakamatagal na hindi kami magkasama. Kaya ganito na lang sya kalungkot sa pag-alis ko. Ang hirap umalis ng ganito. Ang hirap pag alam mong may iiwanan kang mga mahal mo. 

Ako: Mommy naman! Paano ako makakatagal kung ganyan ka? Kaya ko 'to. Okay? 

Mommy: Basta magingat kayo. Karlo wag mong pababayaan 'tong si Camille ah? Nako lagot ka talaga saken!

Karlo: Mommy naman. Kelan ko ba yan pinabayaan? 

Hinimas himas ni Karlo yung likod ni Mommy para tumigil na sa pag-iyak.

Ako: Oh sya, papasok na kami at nang maicheck in na 'tong mga bagahe. Uwi na kayo para makatulog pa kayo ulit. Ingat kayo ha?

Humalik ako kay Mommy at Daddy. Pinipilit kong hindi umiyak dahil ayokong pati sila e panghinaan ng loob. Kaya ko 'to. Sabi ko sa sarili ko. Tsaka para din naman sa kanila kaya pinili kong magtrabaho sa malayo. Kailangan kong ipakita sa kanila na talagang kaya ko. 

Ako: (to Karlo's mom) Tita, tutuloy na po kami. Ingat po kayo. Sabay sabay na po kayo nila mommy na umuwi. 

Tita Cindy: Kayo ang mag-ingat mga anak ha? Tatawag lang kayo kung anu't anumang mangyari. Wag kayong magpapabaya ha. 

Ako at Karlo: Opo. 

Humalik na rin ako kay Tita at ganun din si Karlo sa kanya at sa parents ko. 

Pumasok na kami sa airport dala ang dalawang maleta at dalawang hand carry bags. 

Hindi pa man nakakalagpas ang labinlimang minuto matapos naming maicheck in yung mga bagahe namin, eto na ko. Napayakap ako kay Karlo at di ko na napigilang umiyak. 

Ako: Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang mahiwalay kila Mommy. 

Karlo: Kayanin natin. Alam nating hindi madali pero para sa kanila naman 'to diba? Kaya nga ako andito Babe. Para may kasama ka, para may katulong ka. 

Ako: Parang di ko kaya. T____T

Karlo: Kaya natin, okay? 

Niyakap ako ng mahigpit ni Karlo. Nung mga oras na yun e ramdam na ramdam kong gustong gusto nyang mapagaan yung loob ko. Alam nya kasi kung gano ako ka-dependent sa magulang ko. Alam nya kung gaano ako kahirap kumilos nang di sila kasama. Mabigat yung pakiramdam ko pero alam kong nababawasan dahil andun sya sa tabi ko. 

Ilang oras din akong hindi makausap ng maayos. Lumilipad yung isip ko. Pilit kong pinapatatag yung sarili ko. Pilit kong kinukumbinsi yung isip ko na kaya ko, at kakayanin ko. 

Samantala, andito lang si Karlo sa tabi ko. Hindi nya ako iniiwanan. Hinahayaan nya lang akong mag-isip. Paminsan-minsa'y nararamdaman kong tinatapik nya ako sa balikat at hinihimas yung likod ko. Paraan para maramdaman kong hindi ako nagiisa at kailan man eh hindi ako maiiwang mag-isa. 

Karlo: Gusto mong kumain? 

Nabasag ang katahimikan.

Ako: Ha? Di pa ako gutom e. Inumin na lang. Nauuhaw lang ako. Parang gusto kong magkape. Para din di tayo antukin. 

Karlo: Sige halika bili tayo. 

Naglakad lakad kami sa loob ng airport para makahanap ng bilihan ng kape. 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon