Hanggang Kailan? 5

703 8 0
                                    

Daddy: Magtigil ka sa mga kalokohan mo Camille! Hindi ka bata, matuto kang mag-isip ng tama! Kung ayaw mong maging magulo yung buhay mo, tigilan mo yang kalokohan mo! 

Mommy: Camille wag kang pumasok sa sitwasyong hindi mo kakayanin hanggang huli. Andun ka na kasi si Benj tapos bigla bigla mo lang iniwan yung tao. May trabaho yun at maayos ang buhay. Matalino ka, mag-isip ka naman! 

Ako: I get your point. Pero wag nyo naman po ipilit saken yung taong ayaw ko. Hindi naman ako importante sa kanya, at hindi na rin sya mahalaga saken. Ma, please stop asking me to get him back. 

Daddy: Habangbuhay mong papasanin yung problemang hindi lang ikaw ang magiging pamilya nya. Habangbuhay mong tatanggapin yung katotohanan na may ibang anak maliban sa magiging anak nyo. Kaya mo? Kaya mong harapin yung asawa nya pag inaway ka non at ineskandalo? 

Yumuko na lang ako at tumahimik.

Ang dami pang tinakbo ng usapan nung gabing yon. Sobrang na-stress ako. Okay fine. Ayaw nila kay Karlo para saken. Dahil lang sa nakita nilang medal na binigay saken ni Karlo few weeks ago. Nakita ni Mommy yung nakasulat dun sa box at yun.. Bigla na lang nila akong niratrat. Ang hirap magtpaliwanag ng sarili dahil alam kong may punto sila. 

Hanggang kailan ko nga ba kakayanin at matatanggap yung sitwasyon nya?

Sinabi ko kay Karlo yung mga nangyari.. 

Karlo: Hindi natin sila masisisi Camz. Hindi madali, alam natin yan. Ikaw.. Ayoko ring maipit ka sa sitwasyon, ayokong dumating ang araw na pagsisihan mo kung bakit mo pa ko nakilala. Pero alam mong mahal na mahal kita. Kahit mahirap, kahit magulo, pipilitin kong ayusin ang lahat para di ka maapektuhan ng sitwasyon ko. 

Ako: Alam ko yun. Kaya nga malaki yung tiwala ko na kaya natin 'to. Na hindi mo ko iiwan despite of anything. At hindi mo ko pababayaan. Let's give them time. Wag muna natin ipilit 'to. 

Karlo: I completely understand Camz, basta sana wag kang panghinaan ng loob. Handa akong lumaban para sayo. 

Isang buwan pa yung lumipas at nanatili kaming magkaibigan. Madalas pumunta si Karlo dito sa bahay upang kahit papaano e maka-kwentuhan sila Mommy at nang makapagpalagayang loob na sila. Sa paglipas ng mga araw, nakikita ko naman yung effort nya na ipakita yung magandang motibo nya saken sa parents ko. Hindi na rin nagagalit sila Mommy sa twing andito sya. At sa kalkula ko nga eh nagiging okay na sila. 

Ang kaso.. Hindi na ulit nagtanong saken si Karlo nung "Pwede na bang maging tayo?" HAHAHAHA. Walangyang 'to parang balak ata e maging friends nalang kami forever. Ang pathetic ko naman kung ako ang magtatanong sa kanya. Hehe. 

Until one day.. 

Busy busy-han ako sa school dahil malapit na yung finals. Kunwari pang nakiki-review ako dito kela Ken, pero ang totoo, nakikinig ako sa usapan ni Karlo at ni Jake, yung isang blockmate namin.  Nasa likod ko kasi sila. 

Jake: Eh kamusta na kayo ni Camz? 

Karlo: Okay naman. Masaya naman kami. 

Jake: Okay na yung set up about sa baby mo? 

Karlo: Oo, maayos na yun. Napagkasunduan na kung anong mangyayari. 

Jake: So.. Kayo na ni Camz? 

Ako: Oo Jake. Oo. :) 

Jake: Wow shet! Congrats! 

Karlo: Hala, seryoso ka Camz? Hindi ka nagjo-joke? 

Jake: Hala. Ngayon lang ba?! Kung di pa ata ako nagtanong hindi pa magiging kayo?! Nako pasalamat ka saken brad. Painom ka nyan! 

Ako: Hahaha. Oo nga seryoso. 

Umalis si Jake na tawa ng tawa. Feeling ata e instant pari sya na nagkasal ng biglaan. Eto namang si Karlo e tanong pa rin ng tanong kung totoo ba yun at kung sigurado na ba ko. 

Ako: Bakit? Ayaw mo ata e. Kung ayaw mo edi wag na lang. 

Karlo: Hindi! Ano ka ba. Masaya ako sobra. Nagulat lang ako talaga. 

Kinagabihan, napaisip ako sa mga bagay-bagay..

Masaya ba ako? Oo masaya ako. Ramdam na ramdam ko kung gano ako kamahal ni Karlo. Ramdam ko kung gano nya ko inaalagaan. Ramdam ko na kaya nyang iwan ang lahat para sa akin. Kuntento? Sobrang kuntento ako sa buhay ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na kahit anong gawin mong isip para masagot yung tanong na "Ano pang kailangan mo?" Eh wala talaga akong maisagot. Para bang lahat na nasa akin. Lahat ng gusto ko, lahat ng kailangan ko nasa akin na ngayon. Pero bakit ganun? Parang may kung anong bumabagabag sa kalooban ko sa twing maiisip ko yung anak nya.

Guilt? Siguro nga nagi-guilty ako sa twing maiisip ko sya. Lalaki sya ng walang kasamang tatay. Naiisip ko na dadating yung araw na makikita nya ako at magagalit sya saken. Sisisihin nya 'ko dahil wala syang kinalakihang ama sa tabi nya dahil dumating ako sa buhay ng daddy nya. Naiisip ko na kung sakaling maiba ang landas nya, ako ang magiging dahilan ng lahat ng yun. Ako ang magiging dahilan kung maging miserable ang buhay nya. Kung bakit sya nagkaron ng broken family. 

Hindi ko maiwasang malungkot sa twing papasok sa sistema ko yung mga ganung bagay. What if ganito? What if ganyan? Ang dami kong tanong. Pero sa kabila non, hindi ko kayang isipin na iiwan ko si Karlo para maging buo ulit yung pamilya nila. Hindi ko kaya. Hindi ko ma-imagine. 

Naiisip ko rin na maraming pagkakataon na dadating sa puntong kailangan nilang magkita at mag-usap nung ex girlfriend nya. Dahil sa anak nila. Magseselos ako. Hindi ko yun maiikaila. Magseselos ako at maiinis. Pero hindi ako pwedeng magalit. Umpisa palang alam kong ganito na yung kakalabasan at wala akong karapatang magreklamo. Dahil kasabay ng pagtanggap ko sa kanya nung umpisa palang, eh yung pagtanggap sa katotohanan na hindi na maaalis sa buhay nya yung ex girlfriend nyang yun. 

Paano na lang kung hindi ko na kaya? Paano pag dumating yung panahon na ayokong magkita sila o mag-usap man lang? Ang selfish ko. Kailangan maisip ko yung anak niya. Kailangan itatak ko sa isip ko na higit kanino man, yung anak nya ang maaapektuhan sa mga nangyari. Hindi ko alam kung anong pakiramdam na lumaking kulang ang magulang sa tabi dahil hindi ako lumaking ganon. Pero alam ko at ramdam kong mahirap. Walang kasalanan yung bata sa mga nangyari kaya hindi nya dapat maranasan yung kumplikasyon ng buhay na naghihintay sa kanya. 

Kasabay ng pagmamahal ko kay Karlo eh yung pagmamahal na naramdaman ko dun sa bata nung una palang kaming magkita. Masaya. Sana... 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon