Hanggang Kailan? 8

539 4 1
                                    

Pag naiisip ko si Ryle, natatalo ako ng emosyon. Ano ba yun? Suko na 'ko? Ayaw ko na? 

----------------------------------------------------------------------------------------

Nung unang beses kong na-meet si Ryle, ang gaan ng loob ko sa kanya. Sobra. Parang sa isip isip ko nga, sayang. Bakit sya pa yung naging nanay nya? Ang sama ko. Hindi ko rin naman alam kung magiging mabuting nanay ako in the future. I admit that. Una kasi wala naman ako talagang amor sa bata. Mga pamangkin ko nga lang, nangungunsumi na 'ko. Kino-consider nga nila ako as Monster tita. Yes, ganun ako ka-inis sa bata. Maikli lang ang pasensya ko at mabilis akong maaburido. Konting likot, konting ingay, naka-bulyaw agad ako. Ayoko pati ng batang mahirap disiplinahin. Ayoko ng spoiled brat. 

Pero sabi nga ng mga kaibigan ko.. pag sarili mo nang anak, magbabago lahat. 

So eto nga. December 26 nung una kong nameet si Ryle. Post Christmas Celebration ng family ni Karlo. Swerte namang ipinahiram sa kanya si Ryle para makasama rin ng mga kapatid ni Karlo at ng mom nya. 'Twas a very bright day. Nag-mall kami. Kumain sa labas. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, hindi nga mahirap mahalin yung bata. Worth it lahat ng hirap na pinagdaanan namin ng daddy nya, kasi hindi sya mahirap tanggapin. Sobrang bibo nya. 3yrs old and yet, sobrang daldal! 

Hindi rin sya nangilala. Nung na-meet nya ako, lumapit sya agad. 

Ako: Hello! :) 

Ryle: Hi Tita Camille!! 

Napangiti ako. Naramdaman ko yung pagwe-welcome nya saken. Parang hindi ako ibang tao. 

Ako: Hello ryle! :) 

Okay. Hindi ko alam kung pano magsstart ng conversation. 

Nagulat ako nung bigla nya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. 

Ryle: Kiss mo din ako! 

Tapos hinalikan ko din sya. 

Sabi ko naman sa inyo.. Hindi sya mahirap mahalin. Ang lambing at napaka-jolly nyang bata. 

Sinabay na nila yung pagg-grocery nung araw na yun. Habang nagg-grocery yung mga kapatid ni Karlo, umakyat kami sa Toy Section ng department store. Tinanong ko si Ryle kung anong gusto nyang toy. Pumili lang sya ng malaking ball. Tapos binili ko yun para sa kanya. 

 Habang nasa Toy Section, naglalaro kami ng ball. Nakakatuwa sya talaga. 

Si Karlo, masayang nakatingin sa aming dalawa. 

Mga 7pm nung napag-usapan nang umuwi. Ryle can't stay at Karlo's house overnight. Tinne reminded him na ibalik si Ryle before gumabi. And yes, she reminded Karlo na hindi ko pwedeng makita si Ryle. 

Yes. Ayaw nyang makita ko si Ryle. Hindi ko alam kung bakit. Aagawin ko? Kukunin ko? Hahaha. I really don't get her point. 

Sabi ko nga the day before na hindi na lang ako sasama sa celebration nila. I really want to see Ryle pero ayoko nang magka-issue na naman kami ni Tinne. Ayoko na ng gulo please. But then, Karlo insisted. Hindi naman daw nya makikita at malalaman. 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon