Hanggang Kailan? 10

508 2 2
                                    

Finally naka-kuha na kami ng Passport! 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang problema lang dito, saan pupunta? Hahaha. Isa na talaga sa mga plano namin ni Karlo na mangibang bansa. Sana nga kung sswertehin e within 2 years, makaalis na kami. Kaso hindi rin naman kasi ganun kadali e. Ang daming achuchuchu bago ka makahanap ng employer sa abroad. 

Tsaka di rin naman kasi talaga madaling magtrabaho sa abroad. Ang hirap kaya ng malayo sa pamilya. Pano na lang pag nagkasakit ako, pag nagkaproblema.. Sinong lalapitan ko? Hindi biro mag-adjust sa buhay abroad pag nasanay kang malapit sa parents mo at buong pamilya, tulad ko. Hindi ako sanay mag-isa at madali akong madepress pag nag-iisa. Paano nalang kung hindi ko pala kaya pero hindi ako pwedeng bumalik ng Pinas ng basta basta? Ang daming tanong. 

Pero hindi ko rin kayang pigilan ang natitirang pag-asa kong maiahon yung pamilya ko sa hirap nang dahil lang sa kahinaan ng loob. Hindi ko kayang makita yung mga magulang ko na nagttyaga sa kung anong meron kami ngayon gayong alam ko naman na pwede ko silang mabigyan ng mas magandang buhay. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isa't kalahating taon. 

Hindi rin biro magtrabaho. Dito palang, paguran na. Mas mabigat sigurado ang trabahong naghihintay sa amin sa Singapore. 

Isa't kalahating taon na ang lumipas. Masarap din palang magtrabaho sa coffee shop, noh? Ang ganda ng ambiance. Kahit mabigat ang trabaho, hindi mo ganong ramdam dahil sa amoy ng kape sa paligid. Nakaka-relax. Nakaka-ganang kumilos. Idagdag mo pa ang mababait na boss at mababait na customers. Bawas pagod. Pero minsan hindi rin maiiwasan yung naiisip kong, hanggang dito nalang ba ako? Maganda ang sweldo, hindi na rin masama sa katulad kong baguhan palang sa pagttrabaho. Pero alam kong hindi pa sapat yun para maging lubusan kaming maginhawa. 

Tulad ko, sa coffee shop din nagttrabaho ngayon si Karlo. Nakapasok kami sa parehong kumpanya, medyo nauna lang akong mag-umpisa ng kulang kulang isang buwan sa kanya. At tulad ko rin, na-eenjoy din nya ang pagtatrabaho. Siguro talagang pinagsama kami ni Lord dahil pareho kaming gustong mag-achieve ng mas mataas pa. Alam kasi namin na posible namang mas maging maayos ang lahat kaya hindi kami nakukuntento sa okay lang, sa sakto lang, sa tama lang. 

Habang nagta-trabaho, pinilit naming bigyan ng panahon ang pag-aasikaso ng mga papeles namin pa-abroad. At talagang mabait ang Diyos dahil matapos lang ang isa't kalahating taon, eto at nakahanap na kami ng papasukan. Swerte namang napunta pa kami sa mabait na employer at inofferan kami ng magandang deal kapalit ng pagttrabaho sa kanila. Libreng tirahan at pagkain, pati transpo allowance meron din! Tiyak na makakaipon kami ni Karlo sa mga susunod na taon. Kailangan na rin kasing pumasok ni Ryle sa school kaya kailangan nya nang magdoble kayod. Habang ako naman e kailangan na ring maumpisahan yung pagpapagawa ng bahay namin. 

Hindi pa man kami nakahandang magpaalam sa management ng pinapasukan naming coffee shop e sya namang biglang dating ng magandang balita. Tanggap na nga kami sa isang malaking hotel sa Sentosa at inaasahan na ang aming pagdating sa loob ng isang buwan. 

Wala na kaming choice kundi magpaalam sa mga taong naghubog sa mga kakayahan namin sa nakalipas na isa't kalahating taon. Malungkot mang iwan sila, alam naman naming merong mas magandang kinabukasan na naghihintay sa amin sa bagong mundong papasukin naming dalawa. 

---

Mabilis na lumipas ang tatlong linggo matapos naming matanggap ang magandang balita. Tatlong linggong hindi sapat para makapaghanda kami sa pag-alis namin sa bansa. Hindi madali dahil kasabay nito e ang paghahandang malayo sa sari-sarili naming pamilya. Mahirap man, pasalamat pa rin ako dahil kasama ko si Karlo. Mas naging magaan sa pakiramdam kahit papano dahil alam kong hindi ako mag-isang aalis. At hindi ako mamumuhay nang mag-isa sa Singapore.

Alam kong magtutulungan kami. At magkasama naming haharapin ang lahat. 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon