Hanggang Kailan? 6

627 5 2
                                    

Kumakain kami sa isang fast food  nung gabing yon. Matapos ang isang buong araw na pamamasyal, inabot na kami ng gutom at napagpasyahan naming kumain ng madami sa fast food na yon. Habang kumakain, madaming naglalaro sa isip ko. Kaya naisipan ko syang tanungin.. 

Ako: Siguro kung bigla tayong maghiwalay, mas okay pa saken na magka-girlfriend ka ng bago kesa balikan mo yung ex mo. 

Karlo: Bakit naman? 

Ako: Eh syempre. Parang sampal naman saken kung pagtapos ng lahat ng nangyari e sa kanya ka rin pala mapupunta. Parang tanga lang. Parang.. ano ko? Dumaan lang sa buhay nyong dalawa? Tapos in the end kayo rin pala?

Karlo: Naisip ko lang.. parang mas mabuti pa nga kung sa kanya nalang ako babalik kasi may anak na diba? Kesa naman iba na naman ulit. 

Ako: HUH?! Hindi. Masakit yun saken. Ayoko. 

Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Masakit. Literal na masakit marinig yung mga ganung salita galing sa kanya. Sa isip isip ko tuloy, siguro mahal nya pa yun or so. 

Iniba ko na yung usapan. Nawalan na ako ng ganang kumain. Hinintay ko na lang syang matapos kumain. Ramdam nya siguro na nabwisit ako sa sinabi nya. Kaya tahimik lang kaming dalawa. 

Pagtapos kumain, niyaya ko sya sa park na malapit dun sa kinainan namin. Gusto ko magyosi. Para mabawasan yung sikip ng dibdib ko. Pumayag naman sya at pumunta nga kami dun. 

Habang nakaupo at pinagmamasdan yung mga bituin sa langit.. 

Karlo: Galit ka ba?

Ako: Gusto ko pag nagtatanong ako, sinasagot ako ng diretso. Yun bang kahit alam nyang makakasakit saken yung sasabihin nya e sasabihin nya pa rin. Alam mo kung bakit? Mas madali kasing tanggapin yung isang pagkakamali pag nanggaling mismo yun sa bibig ng gumawa sayo. Kesa yung malalaman mo sa iba.. Kasi masasaktan ka na, mapapaisip ka pa kung sino bang dapat mong paniwalaan- yung nagsabi o yung sinusumbong nya. 

Karlo: Ha? Di kita magets. 

Ako: Example, kung may itinitago ka saken.. Pag nagtanong ako sayo, tignan mo yun as chance na masabi lahat ng tinatago mo. Wag kang matakot. Kailangan mong i-grab yung pagkakataon na yun. 

Karlo: Bakit? Bakit hindi pwedeng maghintay na lang ng timing kung kelan magiging ready na sabihin sayo?

Ako: Kasi pag nagtanong ako, ibig sabihin merong porsyento na handa akong marinig yung sagot mo, masakit man yun o hindi. Hindi katulad pag hinintay mo yung timing mo, at ako naman yung hindi ready. Kasi pag ganon, posible na hindi kita maintindihan kung bakit mo yun ginawa at hindi ko matanggap kung bakit mo yun kailangang gawin. 

Sandali kaming natahimik.

Nung gabing yon, nararamdaman kong may malalaman akong hindi maganda. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung bakit. Pero ganun nga siguro talaga pag babae ka. Kahit wala kang makitang pagbabago, mararamdaman mo kung kelan ka dapat may malaman. Mararamdaman mo kung kelan may dadating na masakit na pagkakataon sa buhay mo. 

Ako: Ano, may sasabihin ka ba?

Karlo: Ha? 

Ako: Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Hangga't andito tayo. Sige ka, sayang yung chance mo. 

Karlo: Ha? Wala. 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon