Hanggang Kailan? 4

663 5 0
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sa’min ni Karlo. Friends? Basta alam ko masaya ako pag kasama namin sya. Feeling ko nung una e nadagdag lang sya sa grupo namin. Pero bakit ganon? He’s not the typical friend na meron ako. May something sa kanya, and I don’t know what it is. 

It’s been days simula nung napagusapan namin yung about sa baby nya. After nun, hindi na namin yun gaanong napagusapan ulit. Until one day.. 

I was on my way home nang bigla syang magtext.

Karlo: Camz.. May sasabihin ako. 

Ako: Uh, Ano?

Karlo: Gusto kita. Alam kong hindi tama. Pero yun yung nafi-feel ko. Parang pag magkasama tayo, gusto ko laging maging boyfriend sayo. Gusto kitang alagaan. Gusto ko ako yung nagpapasaya sayo. Sorry. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Siguro mga 10mins akong natigilan..

Karlo: Hala. Please wag kang magalit. :(

Ako: No. Hindi ako galit. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. Pero karapatan mo rin namang malaman. Honestly, gusto din kita. Masaya ako pag magkasama tayo. Hindi kumpleto yung araw ko pag di kita nakikita. Ang sarap sa pakiramdam pag andyan ka. Kaso, mali e. 

Karlo: Mahirap pero.. sana wag mo ko pagbawalang mahalin ka. :(

Ako: Karlo, please wag. Ayokong makasira ng pamilya. Friends? Atleast yung friendship hndi natin kailangang tapusin. 

Karlo: Bakit kasi ngayon lang kita nakilala. :( 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero alam nyo yung feeling na.. gusto mo! Gustong gusto ko sanang i-work out, pero hindi pwede.

Pagtapos nung araw na yun, magulo na yung isip ko. Gusto ko nang pigilan. Ayoko dumating sa point na hindi ko na mapigil yung nararamdaman ko para sa kanya at tuluyan na kong manghimasok sa kanila. Ayoko. Ayoko!

Ilang araw pa ang nakalipas, bigla nalang syang nagsabi na nagkakaron na daw ng idea yung gf nya about sa’ken. Tapos sabi nlang nya, lalayo na daw sya. Ayaw nya akong madamay dahil alam nyang hindi ako titigilan ng gf nya. Mahirap pero kailangan nya ‘tong gawin dahil ayaw nyang mas masaktan ako at gumulo yung buhay ko. Then I had no other choice but to agree and accept the fact na wala na. Pati yung friendship kailngang pigilan..

One day, bigla akong tinwagan nung gf nya. Kinumpronta nya ‘ko. Sinabi kong hindi na kami naguusap ng boyfriend nya at walang namamagitan sa aming dalawa. Binalaan nya akong madaming nakakakita sa amin sa campus at konting maling galaw lang e siguradong makakarating sa kanya. Isa lang ang naging sagot ko..

“Iiwasan ko sya, fine. Hindi kawalan, kaibigan ko lang sya at madali lang na iwasan sya kung yun ang makakapagpatahimik sayo.”

Galit sya, ramdam ko. Pero sinabi nyang magtitiwala sya sa mga sinabi ko. Panghahawakan nya yung mga sinabi kong talagang iiwas na ko.

Mga ilang linggo na ang nakakalipas, hindi na talaga kami nagusap ni Karlo. Nagpalit ako ng number at hindi ko pinaalam yun sa kanya para makaiwas na sa temptations. Malungkot ako sa mga nangyayari pero sinusubukan kong wag nang magpaapekto. Nakakailang sa school dahil nasa isang classroom kami. Pero pinilit naming iwasan ang isa’t isa.

2weeks ang mabagal na lumipas. Bawait araw pakiramdam ko e challenge na ayoko nang tapusin. Gusto ko nang gumive-up. Ang hirap. 

College week namin. Ang aga kong pumasok. Naghihintay ako sa pathwalk ng campus dahil wala pa sila Ken. Wala ako sa mood. Matamlay. Nakikinig lang ako sa ipod. Tapos may biglang kumalabit saken. 

Karlo: Uy. Kausapin mo naman na ‘ko oh. 

Ako: Huy ano ba. Baka may makakita. Ayoko na ng gulo please. 

Karlo: Sorry. Ayaw mo na ba talaga ‘kong kausapin? Kahit ngayong araw lang ibalik naman natin yung dati. :(

Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero nalungkot ako lalo. Hindi ko na kaya! Gusto ko nang makipagusap ulit sa kanya. Parang miss na miss ko sya.

Nung araw na yun, nagusap ulit kami. Napag-alaman kong nakipaghiwalay na pala sya sa Gf nya. Hindi nya na daw kaya yung  ginagawa nung babae. Merong mga times na pinipilit syang umabsent sa school dahil walang magbabantay sa baby nila, tapos sya gigimik lang. Nananakit din physically at nagsasalita ng masasakit. As much as I want to tell him na “Buti nakipaghiwalay ka na.” Eh pinipilit ko pa rin syang ayusin kung anumang problema nila. Yung baby kasi, naaawa ako sa kanya kung magkkaron sya ng broken family. 

Umuwi na daw sya sa kanila at desidido nang makipaghiwalay. Nagbanta daw yung babae na hindi na ipapakita sa kanya si Baby dahil sa pagiisip na ako ang dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay. Nilinaw naman sa akin ni Karlo na hindi ako ang dahilan. Matagal nya na daw pinagtitiisan yung ugali nung babae pero hindi nya rin gugustuhing kalakihan ng anak nya yung araw-araw na pag-aaway nilang dalawa. In time, alam nya daw na magkakaroon sya ng chance na ipaliwanag sa anak nya kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila. 

Nagpatuloy yung friendship naming dalawa pero hindi naging madali ang lahat. Ilang beses pa rin akong inaway nung babae at ilang beses din akong pinagtanggol ni Karlo. Hindi ko alam kung mali, pero nararamdaman kong mas importante ako sa kanya. Hindi ko na rin alam kung mali yung pinapasok ko, pero dun na tumuloy ang lahat. 

Mga ilang buwan pa ang lumipas, magulo. Confused pa rin ako kung ano nang mangyayari sa aming dalawa. Naiisip ko pa rin yung anak nya. Pero sinabi nyang mahal nya ako, at hindi nya kaya kung mawawala ako sa buhay nya. Maaaring magulo, pero gagawin nya daw ang lahat para maging maayos kami. 

Mga tatlong buwan ang nakalipas, natahimik na rin yung ex nya. Nagka-boyfriend na pala. Okay na rin yung set up nila about sa baby. Nagkikita pa rin sila every weekend sa twing nagdadala sya ng groceries ni Baby. 

Then one day.. Bigla na lang syang nagtanong. 

Karlo: Masaya ako twing kasama kita. Pwede na bang maging tayo? 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon