Kapatid nya ata ‘to. Kamukhang kamukha nya yung baby na sa tancha ko e mga 2yrs old pa lang. Sa pagkakatanda ko e nasabi din saken ni Karlo na 20 palang sya. Alangan namang anak nya ‘to? e ang bata naman. Bnrowse ko pa yung mga pictures. Konti lang yung pictures eh. Hindi nga siguro vain si Karlo. Haha. Yung profile nya naman ang bnrowse ko. Tapos may nakita akong shared photo na luma na. Ang nakalagay na caption..
“Happy 3rd Anniversary Hon! I can still remember how we both started as friends and end up being a couple. Mommy and Baby loves you!”
Ayy. Baby nga nila. Imbis na maging bitter dahil crush ko sya, natuwa ako sa kanya. Sa computations ko e malamang 18yrs old nga lang sya nung maging tatay. Natuwa ako kasi sa ganung edad, hindi nya tinalikuran yung mabigat na responsibilidad ng pagiging ama. Alam nyo naman sa panahon ngayon, uso yung mga lalaking tumatakbo sa responsibilidad pag nagkabuntisan na. At infairness, ang gwapo nung baby, kamukha nya.
Nung makita ko ‘to, nagtext ulit ako sa napakasweet kong kaibigan na si Ken.
Ako: Ken! May nakita akong fb acct ni Karlo. Hindi nakapangalan sa kanya e.
Ken: Oh tapos?
Ako: May nalaman ako! Shet.
Ken: Ano nga? Istorbo ka talaga.
Ako: Kwento ko bukas. =))
Ken: Bwisit ka! Nagising ako sa text mo tapos wala ka dn palang sasabihing maayos?! Wag ka nang pumasok bukas!
Ako: HAHAHAHA! Matulog ka na ulit. Sweetdreams! >:))Sa ganung paraan man lang e makaganti ganti ako sa kanya. Hahahaha!
Bayaran ng tuition ngayon kaya hindi ako pwedeng hindi pumasok. Tatalakan na naman ako ng Nanay ko pag hindi ko pa naibayad yung tuition fee na nung isang linggo pa binigay saken ni Kuya. Akala kasi nya eh inuubos ko na.
Nagkita kami ni Ken pagdating ko sa classroom. Masama ang tingin nya saken, mukhang puyat.
Ken: Diba sabi ko wag kang papasok?
Ako: Buti kung babayaran mo yung tuition ko.
Ken: Kapal mo naman. Puyat ako ah, pag di ka pa nagkwento ng maayos ngayon, ihuhulog kita sa bintana.
Ako: HAHAHA! Tangina sorry na. Kasi nga ganito, diba nakita ko na yung fb ni (bumulong) Karlo?
Ken: Ang landi mo, oh tapos?
Ako: Yung kasama nya kahapon, asawa nya pala yun. Tapos… May baby na sila! Siguro mga 2yrs old. Kamukha nya nga e.
Ken: Wehhhhh? Ang galing naman nya. Buti nakakapag aral pa sya.
Ako: Bat naman hindi? Nalumpo ba? Nagkaanak lang naman ah!
Ken: Lumayas ka nga sa harap ko.Hahahahaha. Ang sarap asarin ni Ken pag ganitong kulang ang tulog nya. Maghapon syang irita saken at maghapon ko din syang sinasadyang inisin.
May tatlong oras kaming break ngayon kaya nagyaya akong pumunta sa canteen. Kaso si Ken umepal na naman at pinaalalang kailangan pala naming ipa-reserve yung AVR para sa report namin next week. Kagrupo nga pala namin si Karlo sa reporting na ‘to. Kaya nung bumaba kami sa AVR, sumama sya.
Habang nagpapareserve sila Ann at Meg sa loob, naghihintay kaming tatlo sa labas ng AVR, ako, si ken at si Karlo. Naalala kong magbabayad ako ng tuition kaya niyaya ko si Ken na samahan akong pumunta sa Acctg office. Medyo malayo kasi yun sa Bldg namin kaya tinatamad akong pumunta magisa. Pero dahil inis nga sya saken..
Ako: Uy ken, dali na samahan mo na ko. Sumbong kita kay mommy pag di ako nakapagbayad ngayon. Magsasara na yun oh! Alas tres na.
Ken: Ayoko, ang layo layo. Bahala ka dyan. Ang tanda tanda mo na e. Kaya mo na yun!
Ako: Wala ka talagang kwenta e. Dali na kasi. Libre kitang shake sa canteen.
Ken: Hindi ako nauuhaw. Ikaw na lang. Tinatamad ako.
Ako: Hmp. Pag yumaman ako, kakalimutan na kita.
Ken: Ang tagal naman.
Ako: Bwisit! Bahala ka nga dyan.Tinawanan lang ako ni Ken. Gagu talaga yun e, Pag ayaw nya, di mo sya mapipilit. Parang hindi kaibigan. Naririnig kong habang naguusap kami ni Ken e natatawa si Karlo. Pababa na ko ng marinig ko syang bigla akong tinawag..
Karlo: Camz!
Ako: Oh bakit? Magpapabili ka?
Karlo: Hindi ah. Samahan na kita.
Ken: Oh yan, buti pa nga samahan mo yan ng matahimik.
Ako: Epal ka rin e no? (Tingin kay ken) Sige tara. (tingin kay Karlo)Nagkkwentuhan lang kami tungkol kay Ken habang naglalakad papuntang acctg. Pagdating namin dun, medyo may pila pa. Anak ng teteng naman, hapon na nga may pila pa rin. Hmp. Nabaling tuloy ako sa pakikipagusap kay Karlo..
Ako: Ay nga pala.. Nakita kita kahapon sa mall ah. Sa may foodcourt, sino yung kasama mo?
Karlo: Huh? Anong oras?
Ako: Uhm, siguro mga 1hr after class.
Karlo: Ah.. Girlfriend ko.Sandali kaming natahimik. Sa kalkula ko e mukang hindi nya gustong pagusapan yung personal nyang buhay. Kaya inilihis ko na ang usapan. Sumegway nlang ako ng “Ano ba yan. Ang tagal naman dito. Ang init init e!” Hanggang sa naiba na yung pinaguusapan namin. Mga 20mins pa yung lumipas at finally e nakapagbayad na ‘ko.
Paguwi, nagulat naman akong sumabay sya sa aming dalawa ni Ken. Pareho kasi kami ng way ni Ken kaya sabay kami hanggang sa sakayan ng fx. Nagkataon namang dun din pala ang daan nya.
Ilang araw pa ang lumipas at ilang araw na rin kaming hindi naguusap ni Benj. Hindi ko na nga alam kung ano nang nangyayari sa amin. Kaya naisipan ko syang itext nung bigla ko syang maalala.
Ako: What’s up? Anong lagay natin?
Benj: Oh? Anong hangin ang umihip sayo at bigla kang nagparamdam?
Ako: Pwede ba.. Itatanong ko lang naman kung ano nang lagay natin?
Benj: Ikaw? What’s on your mind? Spill it now, I’m in the mood.
Ako: (As if I care sana yung irereply ko, pero ayoko namang magsimula na naman ng hindi maganda) Uhm, lets talk. Can I meet you later? Mga 2pm.
Benj: Tignan ko. Text nalang kita.Aba. Busy pa si gago. Wala na talaga akong gana. I need to see him to make this relationshit end. Few mins later, nagsabi na syang magkikita kami mamaya.
As usual, I’ve waited for 30 mins. again. Pagdating nya, hindi ko na lang pinahalatang medyo inis na ko.
Benj: Oh. What is this all about?
Ako: (Ang yabang ng bwisit na ‘to. As if naistorbo ko ang importanteng oras nya. Hmp) Well.. I just needed to tell you something. Let’s make it short.
Benj: Okay, go ahead.
Ako: Benj, I’m sick and tired of this. Alam ko namang wala na kong masyadong halaga sayo, at ganun ka rin saken. Let’s not limit our lives, let go. Let go na lang kasi wala na rin namang sense ‘to.
Benj: Is there any other guy involved?
Ako: Wala. I just needed some space away from you. Isa pa, busy naman tayo pareho.
Benj: I wasn’t prepared about this. But anyway, okay. But please let’s have dinner tonight.
Ako: (Nagtataka naman ako kung bakit biglang parang ang bait nito.) Uhm, sige.Nag-gala kami the whole day. Kumain and all. I don’t know pero parang after a long time e ngayon nlang ulit kami nag enjoy ng ganito. But hey, this scenario didn’t change my decision.