Punta muna tayo sa present....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako: Babe! Gugupitin ko yung buhok ko bukas.
Karlo: Bakit?
Ako: Ang haba na eh.
Karlo: Anong gupit naman?
Finally! Nagkaron din sya ng interes sa sinabi ko. Isang taon mahigit na kami. Pero first time nya lang akong tinanong kung anong gupit ang gagawin ko sa buhok ko. Alam nyo ba, hanggang pwet na yung buhok ko. Dahil sa sobrang mahal na mahal ko sya, hindi ko sya mapabawasan. Dati nga nasabi ko pa kay Karlo na magpapagupit lang ako ng maikli pag naghiwalay kami ng tuluyan. Parang si Basha lang nung nagbreak sila ni Popoy. Okay One More Chance avid fan here. Naiisip ko kasi paglabas ko ng Salon, kasing ganda rin ako ni Basha. Hahaha. Sorry for being feeler. I mean, so feeler.
So yun nga, first time lang 'to. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at bigla syang nagtanong. Dati kasi sa twing magsasabi ako, laging ang sagot nya saken e sige, gusto mo eh. Sinabi ko pa nga dati na magpapakalbo na ko dahil sa sobrang init. Ang sagot nya ba naman saken.. Okay lang, basta ba kaya mong lumabas e. Walang emosyon. As in seryoso syang ok lang sa kanya. Minsan nga iniisip ko, may pakialam ba sya? Hahaha. Drama!
Ako: Maiksi. Hanggang balikat. Tapos full bangs. Parang dora. Hahahahaha
Karlo: Sa tingin mo ba matatanggap ka sa trabaho nyan?! Siraulo pala to e!
Hahahaha. Okay. Panalo ko. Naasar sya. Ang sarap nya kayang inisin. Lalo na pag random lang.. Tuwang tuwa ako pag napipikon sya. Pero pag sobrang nagalit na sya, kawawa na ko. hahaha. Hindi ko na alam kung pano ko sya aamuhin ulit. You know, hot headed boyfriend is hot headed.
Okay.. Isang taon mahigit na nga kami ngayon. Kung tatanungin nyo ako kung masaya, oo naman masaya ako! Kami? Masaya kami.
Hindi ko alam pero nainis ako nung nakita ko na naman sa facebook ni Tinne na single na naman sya. Wait, yes. I still visit her fb once in a while. Siguro kasi mas nakakampante lang ako pag updated ako sa buhay nya. Yun bang pag alam kong may boyfriend sya at masaya sila. Yung pag alam kong busy sya sa trabaho and all other stuffs. At yung alam ko na hindi na nya naiisip si Karlo. Weird right? Minsan naiisip ko mahal pa rin nya si Karlo. Paranoid? O takot ako?
Takot nga siguro ako. Takot ako na magkaron pa ng chance yung kanilang dalawa. Isang taon na kami mahigit na magboyfriend, pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung takot na baka dumating yung araw na sila rin pala yung mageend-up together. Imaginin nga lang hindi ko kaya. Pano pa kaya kung magkatotoo? Like hello, seriously, hindi ko talaga kaya.
Ako na nga ang bitter. Pero just a thought of them na magsasama ulit. No way!
So eto nga, last time lang e nakita kong nagpalit na naman ng relationship status si Tinne.
..... changed her status from in a relationship to single.
Naasar ako. Pangalawang boyfriend na yun ni Tinne after nilang maghiwalay ni Karlo. Alam ko last year nabanggit nya pa kay Karlo na magppakasal na sila nung isang naging boyfriend nya e. Only to find out later last year na naghiwalay na pala sila. Yes, before, nagkaka-text pa sila ni Karlo. Hindi ko alam what for. Bwisit nga e no? Bakit ang insensitive nya dati? Hindi nya man lang naisip na hello? Ex nya yun. He shoud not be texting her kasi magseselos/magagalit ako. Pero since bago bago palang kami, okay. Considerate pa ako noon. Pero subukan nya gawin ngayon, magrarambulan talaga kaming dalawa.
