Nakaugalian na naming mag-usap ni Karlo sa cellphone tuwing gabi bago kami matulog. Minsan hanggang alas dos, alas tres. Pero pag maghapon syang may kung ano-anong inatupag sa bahay, asahan mo, mga 11 pa lang nagpaparamdam na yan ng antok.
Friday.
Karlo: Magbabayad na ako ng bill sa line next week. Wala nang pera.
Bwisit kasi yung pesteng paggamit nya ng internet sa cellphone nya. Anlaki tuloy ng inabot ng bill. Kaya ang init init ng ulo ko sa twing maaalala ko yung araw na pinipigilan ko syang mag download ng games kasi nga alam kong aabutin na naman ng magkano yang bill na yan. Eh yon, sadyang matigas ulo nya. Hindi marunong makinig. Kaya ngayon problema pa yung pambayad. Hmmmp!
Ako: Sus. Eh gusto mo yan eh! Internet ka pa. Inis kong sagot sa kanya.
Karlo: Eh bakit nagagalit ka na naman? Magagawan ko rin yan ng paraan noh. Basta wala lang aalis.
Ako: So hindi tayo magsisimba sa Linggo?
Karlo: Hindi ako makakapunta kasi nga wala nang pera.
Nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.
Ako: Ano ba yan! Sabi sabi ka pa last week na kailangan magsimba tayo sa Sunday kasi nga dadating yung relics ni Pope John Paul sa simbahan. Bahala ka nga!!
Kulang nalang ibato ko yung cellphone ko sa inis. Ayoko kasi sa lahat eh yung pinapangakuan ako ng lakad tapos biglang ica-cancel. Inasahan mo na eh, tapos hindi pala tuloy.
Karlo: Eh wala nga eh. Sorry. Sorry.
Dahil pinangako ko na sa sarili kong hindi na ako magna-nag sa kanya simula nung nag-usap kami ng masinsinan tungkol sa problema namin sa isa't isa eh nanahimik na lang ako saglit. Pinalamig ko yung ulo ko at pinilit ko nalang tanggapin yung katotohanan na hindi kami magkikita.
Natapos yung gabing yon ng medyo wala ako sa mood. Pero salamat na rin dahil atleast, hindi na kami nag-aaway.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Saturday.
Napagkasunduan na namin na mag-ayos na lang muna ng requirements bago kami mag walk in sa mga company na gusto naming pasukan. Para kung sakaling matanggap kami e makapagstart na kami agad ng trabaho. Mas mabuti na ring mag-asikaso habang wala pa rin kaming iniintindi ngayon.Ako: Oh monday ah. Monday tayo kukuha ng NBI Clearance.
Karlo: Hindi ba pwedeng Tuesday na lang?
Nainis na naman ako sa sagot nyang yun. Ano ba? Tuesday pa kami huling nagkita!! Gumagawa na nga lang ako ng lusot para magkita kami e. Sa totoo lang ayoko pa mag-ayos ng NBI kasi alam kong 48years yung pila dun. Tinatamad pa talaga ako. Pero para lang magkita kami, gagawin kong may purpose yung pupuntahan namin. Para pumayag sya. Hehehe.