Naalimpungatan ako. Tinutulak ako ni Karlo. Hindi ako makapagsalita kasi nagulat ako sa ginagawa nya. Tinutulak nya yung braso ko. Niyugyog ko sya. Nakita ko kasing natutuloog sya habang ginagawa nya yun. Tapos bigla syang nagising..
Tumitig sya saken, sumimangot sya at kitang kita ko sa mukha nya yung galit.
Ako: Huy! Bakit?
Patuloy nya akong hinampas sa braso.
Karlo: Ayoko na sayo! Ang sama mo! Ayoko na sayo!
Para syang batang nagmamaktol.
Ako: Shhh. (Niyakap ko sya. At hinimas himas yung buhok nya.) Bakit ba?
Karlo: Niloko mo daw ako eh.
Nagulat ako nung marinig kong sumisinghot na sya. Hala, umiiyak!
Ako: Shhh.. Hindi naman kita niloko ah? Pano kita lolokohin eh kita mong natutulog ako dito? (Yakap ko pa din sya at pilit kinakalma.)
Karlo: Niloko mo daw ako. Bad ka! Bad ka! *sniff* *sniff*
Ako: Hindi ah? Ikaw nga 'tong bigla nalang nanghahampas saken eh. Natutulog ako dito e.
Karlo: (Yumakap sya ng mahigpit saken.) Wag mo 'kong iiwan baby. Wag mo 'ko ipagpapalit sa iba. Ang bad bad mo eh! *sniff* *sniff*
Ako: Hehee! Di naman kita iiwan ah? Di naman din kita lolokohin. Tama na. Sleep na tayo ulit?
Karlo: Dito ka lang? Di mo 'ko iiwan? Hug mo lang ako? *sniff* *sniff*
Ako: Opo. Dito lang ako. Hug lang kita. Sleep na.
Nakatulog na sya ulit nang nakayakap saken. Isa sa mga bagay na gustong gusto kong nakikita kay Karlo eh yung soft side nya. Pag nagtatampo sya at nagpapalambing, para syang batang kailangan mong utuin para tumigil. Parang batang kailangan mong pangakuang bibigyan mo ng lollipop.
Ang sarap sarap nyang yakapin at amuhin. Ramdam na ramdam kong kailangan nya ako. Na gusto nyang ako lang ang kasama nya sa buhay nya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako: Puyat ako!
Karlo: Hahaha! Sorry na! Eh kasi ang bad mo sa panaginip ko!
Ako: Sus kala mo naman kasi lolokohin sya.
Karlo: Hahaha! Takot lang ako, ayaw mo ba yun?
Inirapan ko sya bilang tanda ng kunwaring pagtatampo ko. Nilapitan nya ako at hinalikan sa noo.