Chapter 4
Vanellope's POV
Hindi kami sinipot ng prof namin kaya lumabas ako ng room. Nasa hagdanan pa ako ng biglang tumunog yung phone ko
Calling L ...
(Hi babe! ^_____^) masayang bati nya
"Bakit napatawag ka?"
(Andito ako sa Caf nyo. Wala kayong class? Can you come here?)
"Okay. Papunta na"
Pumunta ako sa Caf at andaming nagkukumpolan na mga babae sa isang table.
=_________=
"Excuse me" panay kong sabi pero hindi nila ako pinakikinggan. Ang ingay ingay ng mga haliparot! Kinikilig pa! Leche!
"Aalis kayo o hihilahin ko kayo isa-isa? +______+" galit kong sabi kaya pinadaanan nila ako
"Gusto nyo pang tinatakot kayo eh" sinamaan ko sila ng tingin lahat
Nakita ko si Lyle dun na nakangiti.
"Halika ka nga dito, Lyle! Enjoy na enjoy ka pa jan sa pagpapacute eh!" Lumapit naman sya at hinatak ko sya paalis dun.
Pumunta kami sa isang round table malapit sa library.
"Napasyal ka ata? Hindi ka na busy?"
"Miss ko na babe ko eh ^_____^" sabi nya habang kinukurot pisngi ko
"Lyle masakit na. Sasakalin kita pag di mo pa tinigilan yan =_____=" tumigil naman sya sa pagkurot at nilapag ang apat na cellophane na may tatak na Jollibee.
"Kainin mo ^____^"
"Wow naman~ iba talaga pag CEO eh"
"Gaga" natatawang sabi nya
"Si Seb?"
Kumuha ako ng fries at sundae
"May klase pa."
"Ikaw? Wala?"
"Andito ba ako ngayon kung meron? Isip-isip nga Lyle"
"Sarcastic mo talaga -_____- pwede namang tuminong sumagot"
"Naiinis ka na nyan?" Sinubuan ko sya ng fries na may sundae. Kinain naman nya ito at ngumiti
"Si Ten?"
"Bukas pa yun papasok. He hates first and second day classes, amboring daw"
"Matalino yang kapatid mo eh. Hayaan mo na. Si kuya Vanther?"
"Nasa bahay lang din"
Kukunin ko sana yung jolly hotdog pero naalala ko si Maez. Favorite pa naman nya to. Naalala ko nung time na nagpa order kami ni Khabie sa Jollibee tapos spaghetti yung naorder ni Khabie imbes na jolly hotdog, ayun at umiyak sa inis.
"Ibibigay ko nalang to sa baby ng grupo nyo"
"Si Maez? Hahahah iyakin talaga yun"
"Bakit napasama si Maez sa grupo nyo eh ang bata nun mag isip?"
"Hindi naman masyado. Pero may pagka isip bata parin. He's easy to get along with"
"Easy to get along kasi magkapareho kayo ng mga ugali. Tsaka yung si Khabie, ako na talaga ang hihila nya papuntang mental =_____="
"Hahahahah! Hayaan mo na yun. Para talagang nakawala sa hawla yun lalo na dito. Hayaan ko si Seb yung pipito sa kanya. Kay Seb lang naman yung makikinig"
Sabagay. Pag si Baste na yung nagsasalita, tumitino sila. Halimaw kasi eh =_____=
"May kaibigan ka na ba dito? O sinusungitan mo na naman sila katulad ng boyfriend mo?"
BINABASA MO ANG
BAD but GOOD (BGMBB BOOK ll)
Подростковая литератураBumalik lahat ng ala-ala ni Vanellope na pinilit nyang kalimutan. Lahat ng mga masasayang ala-ala, naging malungkot sa kanya. Andaming nagbago, dumating at bumalik na tao sa kanya. May malaki bang ipekto ang nakaraan niya sa kasalukuyan? May happy e...