Ten's POV
Napatitig si ate sa picture nila ni Tabi.
"Ten.."
"Have you notice.. anything about this room?" Walang buhay nyang sabi
Napalibot ako ng tingin sa kwarto nya, well except sa walk-in closet nya.
"Hmm.. Too many pictures on the walls" I answered
"How was the picture arranged?" She asked again
Napatingin ako ulit at napatitig.
"The pictures of you and your brother and Dad is like scattered..? Kagaya din sa mga pictures nyo ng mga kaibigan mo. More like it was a messy.. And.. For Tabi, it was.. arranged well?" Wait. Oo nga. Naka-arranged yung picture ni Tabi. Napaka organize. Hindi kagaya sa ibang picture na parang naka pahilis, tagilid o ano. And it was separated by black and a white wall. Nasa white wall ang mga pictures ni Tabi at yung ibang picture, ng kuya at Daddy nya, nila Jon, Lee at Jefferson nasa black side na parte ng wall.
Nilibot ko ang tingin ko lalo sa kwarto nya at napansin dun ang isang parang manila paper na may sulat na parang nagbi-bilang ng araw. In roman number way of counting.
"That's how different my life with Tabi and my life with them."
Nakita ko rin ang kay dami-dami na teddy bears lalo na ang mga Pororo stuffs.
This is what Vanther said. She likes Pororo that much pero nakalagay lahat yun sa isang malaking cabinet. Dalawang cabinet. Sa sobrang dami, yung iba nasa ibabaw na ng cabinet.
May piano keyboard din na nakalagay lang sa gilid.
Lahat ng mga paborito nya na nilalaro nya noon andito sa side na wall nato. Sa black wall. Sa sobrang dami parang nakaimbak na pero naka arrange naman. Andami lang talaga, sobra. Hindi ko maisa-isa kung ano yun.
"Can you help me get all Tabi's stuff? Gusto kong dalhin lahat ng pagmamay-ari nya dun sa bahay." Malungkot nyang sabi habang nakatitig parin sa picture nilang dalawa.
"Sure" nakangiti kong sabi.
I help her pack all Tabi's stuff and put it in a bag and luggage. Damit, shoes, caps, laruan, kumot, unan at iba pa.
"Ate.. diba sa inyong dalawa ni Jefferson yang si Tabi?"
"He already left me, Ten. Kagaya ng ginawa ng magaling kong kapatid. I don't the reason is, pero kasi hindi naman ako matitiis ni Lyle na hindi magkita, makausap o makakulitan. Pero ngayon natiis nya ako. So that means he already cut ties with me. Ilang buwan ko na rin syang hindi nakikita, though i'm still expecting him to come after knowing his son's death."
"Pag hindi sya nagpakita?"
"Simple. I won't see him again. Never again. Not even his shadow" malamig nyang sabi
Kinuha nya yung isang libro at hinahaplos ito saka nya nilagay yun sa bag. Pagkatapos naming iimpake yun, bumaba na kami.
Andun parin sina Williams at mga kaibigan nya. Yung koreano din na kaibigan nya.
"Ell--" nilagpasan lang nya si Williams at lumabas ng bahay.
"D-did you just.. got inside her room??" Gulat na tanong ni Lerry
Tumango ako bilang sagot.
"We're going home now, Lerry." Sabi ko sa kanya bago umalis.
Pagkadating ko sa kotse ni ate, nilagay ko yung luggage sa likod bago pumasok sa passenger seat.
BINABASA MO ANG
BAD but GOOD (BGMBB BOOK ll)
Roman pour AdolescentsBumalik lahat ng ala-ala ni Vanellope na pinilit nyang kalimutan. Lahat ng mga masasayang ala-ala, naging malungkot sa kanya. Andaming nagbago, dumating at bumalik na tao sa kanya. May malaki bang ipekto ang nakaraan niya sa kasalukuyan? May happy e...