1

192 8 0
                                    


My name is Chloë Weaver. 18 years old. I live at Rosewood Town. Currently grade 12 student. Okay enough with introduction.

Technically this story is not about me. Well maybe it's about me as well. But it will focus on one of my friends. Luna Grayson. It's about the disappearance of Luna Grayson

But first, let's get back before this shit happens...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

September 13, 20XX (Friday)

Nasa school ground ako dahil hinihintay ko sila Luna. Well kahit magkakaibigan kami ay hindi kami magkakasama sa isang klase . We have differences naman kahit papano. Si Luna ay nasa HUMSS dahil balak niyang kumuha ng psychology sa college. Si Catherine ay nasa STEM dahil sa galing niya sa math at science. Si Alexis naman ay nasa ABM dahil magaling siya math. At ako? Nasa Hotel and Restaurant services dahil trip ko lang.

We met each other way back nung mga bata pa kami. Bagong lipat kami noon dito sa Rosewood kaya hirap akong mag adjust sa bagong environment then nakilala ko si Catherine. Next si Alexis at last si Luna. Laging nabubully si Luna sa school dati dahil may may kumalat na rumor na may history ng mental illness ang family niya. Tawag sakanya? LUNAtic. Pero hindi naman ganon si Luna. Mabait siya at madaling pakisamahan. Okay din naman ang parents niya. Pero yung kapatid niyang lalaki yung medyo creepy dahil sa dating nito. Loner at akala mo ay laging may pinaplano dahil laging mukang malalim ang iniisip, so far harmless naman siya kaya wala akong problema sakanya. Despite of those rumors na tungkol sa family nila ay kilala sila bilang isa sa pinaka mayamang pamilya dito sa Rosewood.

We have our differences, pero sa kabila non, We remain strong and solid throughout the years kahit nagkaka away away kami kahit minsan. Back to present day.

It's already 5:46pm pero wala pa rin sila. Well busy kasi ang mga strands nila dahil mga genius sila. Don't get me wrong hindi ako bobo. Sadyang average lang ako kumpara sa kanila.

At last nakita ko rin na papalapit sakin si Catherine at Alexis.

"oh ba't kayo lang? Nasan si Luna?"

"ang alam ko exam nila ngayon sa Philosophy eh si Mr. Black ang prof nila dun kaya sigurado hindi pa sila tapos dahil sa hirap magpa exam nun." Sabi ni Alexis. Prof din kasi nila si Mr.Black sa philo kaya alam niya ang mga gawain nun. Buti nalang mabait prof namin sa subject na yun kaya wala akong problema.

"Ah okay. Wait pa tayo mga 10 mins." Sabi ko sabay tingin sa orasan ko. 6:23pm na

"okay. Sabay sabay na tayong umuwi tutal gabi na at delikado sa daan. Lalo na baka abangan nanaman ng mga bully si Luna."
Sabi ni Catherine. Ramdam ko ang concern niya kay Luna. Siya kasi ang unang naging kaibigan nito at nagpakilala sa amin. Malaki kasi ang utang na loob niya kay Luna nung muntik na siyang Mamatay dahil sa kagat ng ahas sa gubat nung nag girls scout camping kami. Well ma alam naman si Luna kahit papano.

Maya maya ay nakita na namin si Luna na papalapit sa amin. May kausap siya sa phone at mukang disappointed siya na ewan.

"okay bye." At binaba niya na ang phone paglapit niya sa amin.

"oh bat mukang disappointed ka? May bagsak ka?" Tanong ni Alexis habang naglalagay ng lip tint sa labi niya.

"nawawala daw kasi yung dinonate kong dugo sa blood bank." Sabi ni Luna at talagang malungkot siya dahil don.

"whoa. As in sayo lang?" Tanong ni Catherine.

"oo eh. Yung akin lang talaga."

"ay nako. Sigurado ako yung mga nambu-bully sayo ang may gawa niyan." Sabi ko.

Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon