THE red had her instantly falling in love. Kakaapak pa lang ni Georgina sa showroom ay naka-focus na ang mga mata niya sa kotse.
Pagbaba pa lang niya ng sasakyan ng kuya niyang si Gabriel ay parang may bumubulong sa kanyang lumingon. And there he was, beckoning at her like a seductive lover. Napahawak siya sa manggas ng polo ng kapatid.
"I want that one, kuya."
Napasipol si Gabriel. "Gusto ko rin."
"Kakabili mo lang kay Kiko last year," tukoy ni Georgina sa sasakyan nitong Bentley na gamit nila. Kung bakit Kiko ang pinangalan ng kapatid niya sa sasakyan ay hindi niya alam.
Gabriel scoffed. "Mas huli mong binili si Carmen pero heto ka at naghahanap ng naman ng kapalit niya. Wala pang isang taon ang Porsche Carrera mo."
"Hindi ko papalitan si Carmen, kailangan lang niya ng bagong kapatid," kontra ni Georgina.
"Sure. Whatever you say. Let's go get that car."
Agad silang nilapitan ng isang staff para mag-assist. Carlo ang nakasulat sa name plate na nasa dibdib nito. Tinuro ni Georgina sa staff ang kotse at malugod sila nitong sinamahan papunta doon.
Pero nagulat na lang si Georgina nang biglang sumulpot ang huling babaeng gugustuhin niyang makasama sa iisang lugar.
"This one. I like this one," sabi nito, red nails flashing in contrast to her fair skin.
"Bitch," Georgina muttered.
She had nothing against Chantal Sanders. Kung hindi lang ito fiancee ni Leandro Zervos ay puwede silang maging magkaibigan ng babae. Georgina liked Lee first but he had eyes only for Chantal.
"Mukhang naunahan ka na, sis," komento ni Gabriel sa tabi niya.
"We have other models, Ma'am. You can look around baka may magustuhan kayo," alok ng staff.
Umiling si Georgina. "It's that car or nothing."
Tatalikod na sana siya nang may maisip. "Can you do something for me instead?"
"Ano po 'yon, Ma'am?"
"Just nod and say yes to whatever I say."
"Po?" halata ang pagkalito sa mukha ng staff.
"Georgina..." saway ni Gabriel. Agad na nakatunog ito na may binabalak siya.
"Shush brother. Dito ka lang, itong si Carlo lang ang kailangan ko."
Hinawakan niya sa braso ang nagtatakang staff na walang protestang nagpakaladkad sa kanya.
She stopped a couple of steps away from Chantal. Mag-isa nitong in-a-admire ang kotse. Sinadya niyang hintaying mapag-isa ang babae bago nilapitan.
"I see we have the same taste," komento ni Georgina.
"Georgina! Car shopping, too?" Bineso siya ni Chantal.
"Yes. Do you know I like this, too? Naunahan mo lang ako."
"Really? Pareho pala tayo."
"Oo, parehong-pareho tayo ng gusto. I wonder kung ano pang mga bagay ang pareho nating gusto."
"Hmm...art maybe? You're an artist and I heard you had an exhibit once. Sayang nga lang nasa UK ako that time. Lee said you have such gifted hands." Pinilit gayahin ni Chantal ang mababang boses ni Lee. "Georgina Valdez's gift is wasted in the corporate world."
Georgina kept her face neutral. Nasorpresa siya sa sinabi ni Chantal. Ni minsan ay hindi siya tinapunan ng tingin ni Lee. Kung nilalapitan naman niya ang binata ay agad itong naghahanap ng excuse para makaalis. Kung iwasan siya nito ay para siyang may ketong.
BINABASA MO ANG
Georgina's Sun
RomanceSa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee. But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila...