Chapter VIII

567 23 0
                                    

KAHIT masama ang loob ay naghanda siya ng dinner. Ang huling text sa kanya ni Lee ay kanina pang alas sais at ang sabi nito ay papunta na.

Pero malapit nang mag-alas otso ay wala pa rin ang binata. Malamig na ang pagkain, tunaw na rin ang yelo sa wine bucket.

Sa inis ay ni-lock niya lahat ng pinto, sinigurong naka-double lock para hindi makapasok si Lee. Pagkatapos ay ini-off niya lahat ng ilaw sa baba at umakyat sa kuwarto. Kung darating man si Lee ngayong gabi, sa labas ito matutulog.

Iniwan niyang bukas ang lamp shade sa tabi ng kama at ini-off ang cellphone para hindi siya ma-contact ni Lee. Pero kahit anong gawin niya ay ayaw siyang dalawin ng antok kaya bumangon siya at hinanap ang sketch pad.

Muntik na niyang itapon ang sketch pad nang maalalang puro si Lee ang laman noon.  Ganoon pa man, hindi niya magawa. Parang may sariling isip ang mga kamay niya na nagpatuloy sa pagguhit hanggang sa mabuo ang imahe ni Lee. 

Mahigit dalawang oras na siya sa ginagawa nang makarinig ng boses galing sa labas. Bukas ang pinto ng terrace niya kaya hindi imposibleng marinig niya. Noong una ay nag-alangan pa siya pero nang magsalita uli ay nasiguro niyang si Lee nga ‘yon.

“Georgina! Open the door, damn it!”

Ang una niyang plano ay ‘wag pansinin ang binata. Pero umulan ng maliliit na bato sa terrace, nagtalsikan pa ang iba papasok sa kuwarto niya at ang iba ay tumama sa salamin ng pinto.

“Georgina!”

“Damn it!” sumusukong bulalas niya. Bumaba siya para pagbuksan ang binata. Nangangamoy alak ito nang mabungaran niya, gulo ang buhok at namumungay ang mga mata.

“You reek of alcohol!” reklamo niya. Pumasok si Lee at ito na mismo ang nagsara ng pinto.

“Hindi ako lasing.”

“Okay,” nasabi na lang niya. Nagpatiuna siya ng lakad, kasunod niya si Lee. Natigil ang lalaki nang makita ang nakahain sa mesa.

“Aren’t you gonna yell at me?”

She stopped. “For what?”

“Hindi ako nakarating sa oras ng usapan natin.”

Nagkibit-balikat siya. “It happens. Chantal ‘yon eh. Ano’ng laban ng dinner sa chances mong magkabalikan kayo? At least alam mo ang priorities mo. True, naiinis ako kaya ko ni-lock ang pinto. Ilang beses na kitang tinext at tinawagan di ka sumasagot.”

Tinalikuran niya si Lee. Mabilis namang nakahabol sa kanya ang binata at naabutan siya nito sa pinto ng kuwarto niya.

“Mag-usap nga muna tayo,” sabi nito.

She smiled weakly and gave him a pat on his cheek. Pakiramdam niya pagod na pagod siya.

“Magpahinga na lang tayo, lumalalim na ang gabi.”

“Tumatakas ka na naman,” parungit ni Lee nang tatalikod na sana siya.

“I’m not. Malapit na rin namang matapos ‘to, bakit hindi pa natin paagahin?”
“What do you mean?”

Nilingon niya si Lee. “Let’s consider this as our last night. Nandito na si Chantal.”
“B-But…”

Mabilis niyang nilapitan ang binata at hinatak sa kamay. “I have yet to paint you,” sabi niya, a naughty glint on her eyes, “naked.”

She saw confusion flashed in his eyes sa mabilis na pagbabago ng mood niya. Tinodo niya ang pag-arte. Matatapos na lahat ngayong gabi. Bukas, kailangan nang mawala ni Lee sa buhay niya.

Sinulit niya lahat ng natitirang oras. Naging sunod-sunuran si Lee sa lahat ng gusto niyang pose. Halos puno na ang sketch pad niya nang tuluyang mangawit si Lee. Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa katawan nito at dahan-dahang tumayo. Hindi niya namalayang nakanganga na pala siya habang pinapanood ito sa paglapit sa kinauupuan niya.

Georgina's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon