NANG muli siyang magising ay mabuti-buti na ang pakiramdam niya. Tapos nang operahan si Georgina at kasalukuyang nasa ICU para mamonitor ang kalagayan nito.
Si Chantal ang kumontak sa mga Valdez para ipaalam ang nangyari kay Georgina. Agad namang dumating ang mga magulang at kapatid nito. Sa kuwarto niya nagpunta ang mag-anak pagkatapos nilang silipin si Georgina sa ICU para humingi ng paliwanag sa nangyari.
Nagulat ang mga Valdez na magkasama sina Lee at Georgina sa insidenteng kinasangkutan ng dalaga. Lalo na nang malaman ng mga ito na sinalo ni Georgina ang bala na dapat ay para sa kanya.
"S-Si James Sanders kamo ang may pakana nito?" hindi makapaniwalang tanong ng Daddy ni Georgina.
"I'm afraid so," sagot ni Lee.
"Let me get this straight, Zervos. Ano'ng relasyon mayroon kayo ng kapatid ko to warrant such action from James?" usisa ni Gael.
He's an inch taller than Gael but the man is intimidatng with his bulk at five eleven and an unflinching stare. Ang namayapang kapatid nitong si Gabriel ay anghel kung ikukumpara dito. Bago naging magaling na negosyante si Gael Valdez ay matunog ang pangalan nito sa underground fighting arena. There are rumors that he used to run with one of the notorious gangs of Metro Manila.
Ano ang isasagot niya? Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong namagitan sa kanila ni Georgina. Pupulbusin siya ni Gael, injured or not. Aaminin niyang medyo tinatablan siya ng takot sa kapatid ni Georgina.
"Ah..."
"Georgina's been in love with him since college. James abducted Lee para mapilitan si Georgina na ibenta sa kanya ang property niyang nakaharang sa development ng project niya," si Chantal.
"W-What?" si Gael.
"Chantal," saway niya sa babae. Pero tiningnan lang siya nito ng masama.
"Why? Kung hindi dahil sa obsession sa 'yo ni Georgina, hindi tayo magkakagulo. Siya lang naman talaga ang puno't dulo ng gulong 'to."
"Mag-iingat ka sa pananalita mo, Miss Sanders. Hindi mo kilala ang kapatid ko para pagsalitaan mo nang ganyan," matalim ang matang pagtatanggol ni Gael sa kapatid.
Chantal scoffed. "Hah! I guess wala talaga kayong alam, ano? Georgina seduced my fiance two years ago kaya hindi natuloy ang kasal namin. Ang mali ko lang, hindi ko pinakinggan ang paliwanag ni Lee. Masyado akong nabulag sa selos at galit. Hindi pa siya nakuntento, sinundan na naman niya ngayon si Lee dito sa Boracay kung kailan we're working on fixing things between us."
Damn it! Naunahan siya ni James sa pagsasabi kay Chantal. Frustrated na naihilamos niya ang magkabilang palad sa mukha.
"Chantal! Tumigil ka na, pwede?" hindi nakatiis na bulyaw niya sa dalaga. Hindi maganda ang dating sa kanya ng mga pinagsasabi ni Chantal tungkol kay Georgina.
Disbelief registered on Chantal's face. "I'm just telling them the truth!"
"Maldita ang kapatid ko pero hindi siya gagawa ng ganoong bagay," tanggi ni Gael.
"Oh, God!" Bumuway ang pagkakatayo ng Mommy ni Georgina.
Mabuti na lang at mabilis na nadaluhan ng asawa nito ang namumutlang ginang. "Lucia!"
"Mom! Okay lang kayo?" tarantang inalalayan din ni Gael ang ina sa kabila.
Pero imbes na magpaakay ay tinabig ni Lucia ang braso ng anak para harapin si Lee.
"M-Malapit sa bahay mo ang aksidenteng kinasangkutan ni Gabriel," sabi nito, nanginginig ang mga labi. "Coincidence lang ba o si Georgina ang pupuntahan sana ni Gabriel nang gabing 'yon?"
BINABASA MO ANG
Georgina's Sun
RomanceSa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee. But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila...