Chapter IX

604 16 0
                                    

TUMUPAD si Lee sa sinabi nito. Paggising niya kinaumagahan ay nakita niya ang nawawalang titulo sa bedside table niya, kasama ng spare key na binigay niya kay Lee. May nakadikit na post-it note na may sulat-kamay ng binata.

As promised, ‘yon ang nakasulat. Aaminin niyang nakahinga siya nang maluwag pero hindi pa doon nagtatapos ang problema niya. Kailangan niyang gawan ng paraan ang pekeng deed of sale na may pirma niya.  Hihingi siya ng tulong sa abogado ng Kuya Gabriel niya.

Pagkaalala sa abogado ay pumasok sa isip niya si Ruben. Hindi na siya nakapag-follow up call dahil sa mga nangyari. Pero ganoon na lang ang pagtataka ni Georgina dahil naka-off pa rin ang cellphone ng katiwala niya. Saan ba ‘to nagsuot?

Pupuntahan na lang siguro niya sa bahay nito. Malapit lang naman ang bahay ni Ruben sa bahay niya, kaya niyang lakarin. Tamang-tama exercise na rin. Sa labas na rin siya kakain ng breakfast, wala siya sa kondisyong magluto. Pagkatapos niyang maligo ay umalis na ng bahay si Georgina.

“Ay mam, mag-iisang linggo na hong hindi umuuwi si Ruben. Sabi bakasyon daw niya. Pero noong isang gabi ay umuwi siya, kumuha lang ng mga gamit. Pagkatapos ay umalis agad, parang nagmamadali,” sabi ng kapitbahay nitong nagpakilala bilang Myrna.

“Ha? Bukas na matatapos ang bakasyong binigay ko sa kanya ah.”

“Ewan ko po, mam.”

“Sige, maraming salamat po.”

Something’s fishy. Hindi man lang nagpaalam sa kanya si Ruben kung gusto nitong mag-extend ng bakasyon. At bakit kailangan nitong kumuha ng mga gamit? Unless may pupuntahang malayo.

Bumalik si Georgina. “Aling Myrna, kung hindi ho nakakahiya pwede ho ba nating pasukin ang bahay ni Ruben? Titingnan ko lang ho kung may mga damit pa siyang natitira. Hindi ho kasi nagpaalam sa akin na mag-e-extend siya ng bakasyon.”

“Naku, trespassing ‘yan, mam.”

“Importante lang po talaga.”

Tinitigan siya ng babae. Maya maya ay tumango ito. “Sa akin iniiwan ni Ruben ang susi ng bahay niya, ako kasi ang naglalaba para sa kanya. Teka lang, kukunin ko.”

Ilang sandali pa ay napasok na nila ang bahay ni Ruben. Diretso sila ni Aling Myrna sa kuwarto ng lalaki. Pagbukas ni Georgina sa cabinet ay napatunayan niyang tama ang hinala niya. Wala nang natirang damit si Ruben kahit isa.

Ang tanong ngayon, bakit umalis si Ruben na hindi nagpapaalam? Okay naman sila. Maayos ang pasahod niya sa lalaki, minsan sobra pa nga dahil ito ang ginagawa niyang utusan sa kung ano-ano.

Paglabas nila ni Aling Myrna sa bahay ay may mga lalaking nakatambay sa tapat na tindahan. Nagulat pa silang pareho ni Aling Myrna nang sutsutan siya ng isa sa mga tambay. Abot hanggang balikat ang buhok nito, payat at walang pang-itaas. Namukhaan niya itong isa sa mga isinama ni Ruben noong nagpapagawa pa lang siya ng shop niya.

“Mam, si Ruben ba ang hanap mo?” tanong ng lalaki.

“Ayan mam, mga barkada ni Ruben ‘yan. Baka sila may alam,” sabi ni Aling Myrna.

“Isa ka sa mga trabahador noong pinapagawa ko ang shop ko, ‘di ba?”

“Yes, mam..”

“Hindi ko kasi siya ma-contact. Hindi naman siya nagpasabi na may pupuntahan siya.”

“Naku, hindi na ho babalik dito ‘yon. Nakadelihensya ng malaki eh. Asensado na ang gago,” tatawa-tawang sabi nito.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya. “P-Paanong nakadelihensya?”

Georgina's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon