HE stared down at Georgina's sleeping form. She looked exhausted. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Lee ang sleeping pills na nakapatong sa maliit na mesa malapit sa higaan.Naalala niya ang pagbanggit ni Georgina noon na hindi ito makatulog sa hindi pamilyar na lugar. Ibig bang sabihin nito ay hindi nakatulog ni minsan si Georgina sa bahay niya?
Suddenly, he felt like an ass. Lumayo siya sa kinahihigaan ni Georgina. Sa mga nakasabit na paintings ng babae niya itinuon ang pansin. Georgina has always had gifted hands. Noong college sila ay madalas itong manalo sa mga contests na sinasalihan nito.
Pero imbes na fines arts ang kunin ng dalaga ay business course ang tinapos nito. Hindi man niya gusto ang babae, dati na siyang bilib sa talent nito.
Naagaw ang pansin niya ng isang canvas na may takip. Mukhang work in progress dahil nasa gitna ito, malapit din sa bintana kung saan nanggagaling ang natural light.
Wala siyang masyadong alam sa preferences ng mga artists pero minsan na niyang narinig na mas gusto nilang magtrabaho gamit ang liwanag ng araw. Dahan-dahan siyang lumapit sa painting. Nagulat na lang siya nang matisod ang isang stool.
"L-Leandro?" Georgina's sleep-infused voice made him pause.
"H-Hey."
Naghikab ang dalaga. "What are you doing here?"
"Nothing. Tinatawagan kita pero di ka sumasagot. I'd like to invite you to lunch."
Surprise flashed across her face. "Oh. I'm sleeping and my phone's on vibrate."
"You haven't been sleeping since you came to my place," puna ni Lee.
"Sinabi ko, 'di ba? I get nightmares 'pag unfamiliar ang place. I woke up screaming my throat raw the first night. I compensate for the lost here during the day."
"With the help of sleeping pills?"
"It's been prescribed. Wanna see my doctor's prescription?" sarkastikong balik-tanong ni Georgina. "Nasunod ang gusto mo. Leave me alone and my pills."
"You are not going to use these anymore." Kinuha niya sa mesa ang bote ng sleeping pills at itinapon sa pinakamalapit na basurahan.
"Bakit ka ba nangingialam?!"
"Hindi ka magiging dependent sa gamot na 'yan para lang makatulog!"
"For god's sake, Leandro! Kailangan ko 'yon! Pwede ba, 'wag kang nangingialam!" Bumaba sa higaan si Georgina para kunin ang bote sa basurahan pero hinarang ito ni Lee.
"No, you don't. From now on, doon tayo sa bahay mo. That is, kung okay lang sa 'yo. Hindi ko alam na seryoso pala ang kondisyon mo. I thought it's just one of your excuses. I don't want to intrude, you being an artist and all that," malumanay na paliwanag ni Lee.
Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag. Nang matitigan niyang mabuti ang mukha ni Georgina ay nakaramdam siya ng sundot ng konsensya. Walang make-up ang babae kaya bakas ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito.
Sa araw-araw na naman kasi na nagigising siya ay lagi siyang nauunahan ni Georgina. Nakaligo at nakabihis na ito sa tuwing nagmumulat siya ng mga mata. Kayang itago ng concealer ang mga eyebags ng dalaga.
"I-I see. I d-don't mind at all."
"Great. So, lunch?"
Napatingin si Georgina sa relo. She frowned and shook her head. "May client ako. I'm afraid it's a no. But thanks for the invite."
"Okay. Text me when you're done for the day, sabay na tayong umuwi. I better get back to work."
"S-Sige."
BINABASA MO ANG
Georgina's Sun
RomanceSa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee. But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila...