Chapter IV

639 29 0
                                    

GABRIEL bought her a charming cottage nestled in the last stretch of Station Three’s white beach. Binansagang “Old Bora” ang Angol Point, mas tahimik kumpara sa ibang bahagi ng Boracay. Kadalasang tambayan ito ng mga locals at expats tuwing weekend.

Ang isa pang binili ni Gabriel para sa kanya ay nasa Station Two, ang tinatawag na party central ng isla. May kasamang two-storey building ang lupang nakapangalan kay Georgina.

Isang linggo mula nang dumating siya ay nakaalis na sa building ang dating
nangungupahang nagnenegosyo ng ukay-ukay. Ni-refund na lang niya ang balanse. Mabuti na lang at monthly ang renewal ng lease kaya hindi siya nahirapang paalisin.

Agad niyang ipina-renovate ang building. Mabilis magtrabaho ang mga tauhang nakuha ng katiwala niyang si Ruben. Malayong kamag-anak pala nito si Atty. Dimaculangan. Sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan ay operational na ang shop niyang pinangalanan niyang Inked by George.

Sa unang tatlong buwan ay medyo mahina ang negosyo. But she didn’t mind. Nag-e-enjoy pa nga siya dahil marami siyang oras para magpinta. This is the life she wanted, at ibinigay ni Gabriel ‘yon sa kanya. Sa unang pagkakataon simula nang mamatay ang kapatid, Georgina found peace.

Isang araw pagbaba ni Georgina mula sa second floor ay pumasok si Ruben kasunod ang dalawang lalaki. Akala niya ay customer dahil sa una ay patingin-tingin ito sa mga artworks niya sa dingding. Inusyoso din ng isa ang mga catalogue ng designs niya na naka-display sa rack.

“Yes, po?” hindi nakatiis na tanong ni Georgina.

Lumingon ang mas matangkad sa dalawa. Semi-kalbo ang buhok nito, malaki ang
katawan. Mas mukhang bouncer sa club. Sabay silang lumapit kay Georgina at ngumiti.

“Ikaw ba ang may-ari ng lupa at building na ‘to?” tanong ng mukhang bouncer.

“Opo.”

“We’re buying the properties surrounding your shop, Miss…”

She noted he called her Miss, hindi pa nga nito alam kung single siya o hindi.

“Valdez,” she offered.

“Miss Valdez. Kasama ho kasi sa proposed development plan ng kumpanya namin ang bahaging ‘to.”

“So?”

“Gusto naming bilhin ang property n’yo.”

Umiling si Georgina. “I’m not selling my property, gentlemen.”

“Name your price, Miss Valdez.”

Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. She didn’t like his tone.

“I don’t want your money.” Pinaningkitan ni Georgina ng mga mata ang dalawang lalaki. Tumalikod na ang dalaga nang muling magsalita ang isa sa dalawang lalaki.

“Magkano, Miss Valdez? Ten million? Fifteen?” pilit pa rin ng lalaking may balbas.
Naalibadbaran na si Georgina. Alin ba sa sinabi niya ang hindi nito maintidihan?

Pero kahit naiinis na siya ay nagpigil pa rin ang dalaga. You promised to be a better person, Georgina. Hinga lang ng malalim.

She put on her fakest smile. “Please, just go away and make yourselves extinct.”

“Babalik kami bukas, Miss Valdez. Please think about it.”

Doon na napatid ang pasensya ni Georgina. “Ten billion and my land is yours.”

“T-Ten billion?” Sabay na napamulagat ang dalawang lalaki.

“Akala ko ba name your price?”

Georgina's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon