ISANG malawak na niyugan sa masukal na bahagi ng isla ang location na sinasabi ni James. Gaya ng gusto ng lalaki, mag-isa siyang pumunta sakay ng scooter niya.
Ginamit niyang guide ang cellphone niya para matunton ang eksaktong lugar. Isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at nipa ang naaninag ni Georgina sa liwanag ng buwan.Pinatay niya ang scooter at bumaba. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa madilim na kubo. Mukhang walang tao, ni kaluskos wala siyang naririnig. Pero may pakiramdam siyang may nagmamasid sa kanya.
"Marunong ka naman palang tumupad sa usapan." Lumitaw si James mula sa pinagtataguan nito.
"Where is he? Dala ko na ang kailangan mo."
Humalakhak si James. "All this in the name of love? Wow! Lee should be flattered."
"Masyadong malikot ang imagination mo."
Itinaas ni James ang magkabilang kamay. "Masyado kang defensive, nahahalatang in love ka pa rin kay Lee." Sinundan nito ng isa pang tawa ang sinabi.
Hindi kumibo si Georgina. Naghahalo ang galit niya kay James at takot para kay Lee.
"Nasaan si Lee!"
"Relax. I'll take you to him. Akin na muna ang mga documents."
"O, isaksak mo sa baga mo!" Hinampas niya sa dibdib ng lalaki ang hawak na envelope. Balewalang natawa lang uli si James kahit napaatras ito sa pagkakahampas niya.
"Come on." Hinawakan siya ni James sa braso at kinaladkad. Pilit na humahabol si Georgina sa laki ng mga hakbang ng lalaki.
Mahigit fifteen minutes siguro silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang malaking bodega. Doon siguro nilalagay ang mga produkto ng niyugan. May dalawang lalaking nagbabantay na nagbukas sa kanila ng pinto matapos kumatok ni James ng apat na beses.
Malaki ang bodega at maraming laman. Katunayan ay parang pader ang mga patong-patong na sako ng koprang bumungad kay Georgina. Maliwanag sa loob dahil may ilaw, kabaliktaran ng kubo kanina.
"Kamusta ang bisita natin?" tanong ni James.
"Gising na boss. Pinaliguan namin gaya ng bilin n'yo." Nagtawanan ang mga ito pati na rin si James.
"Good," tuwang tumango si Lee. Itinulak siya nito pasulong. "Lakad!"
Sa likod ng sako-sakong kopra ay naroon si Lee. Nakatali ang binata sa isang poste sa gitna ng bodega, may busal sa bibig at duguan ang harap ng damit nito. Wala itongsuot na sapatos.
"Leandro!" sindak na tinakbo ni Georgina si Lee. Nag-angat ito ng ulo nang marinig siya, paulit-ulit na umiiling.
Una niyang tinanggal ang busal sa bibig ni Lee. Hindi na niya napigilan ang maluha nang makita ang mukha nito. Halos magsara ang isang mata, sugatan ang gilid ng labi at nangingitim ang pasa nito sa bandang panga. May natuyong dugo rin sa noo ng binata, malapit sa hairline nito.
"Oh, god! Are you alright?"
"Y-You shouldn't b-be here!"
"Hindi ka niya matiis eh," singit ni James na nanonood sa kanila. "May kailangan ka pang gawin para sa akin, Georgina."
"W-What? Tumupad ako sa usapan, James!"
"I'm afraid I lied," sabi nito. Naupo ito sa upuang inilagay ng isa sa mga tauhan nito. Sumunod ay naglagay din sila ng maliit na mesa sa harap ni James. "Come here."
"'Wag kang papayag kung ano man ang hinihingi niya," pigil sa kanya ni Lee.
Tinitigan niya ang binata, para siyang sinasakal sa nakikitang paghihirap nito. Hindi niya kaya. So she turned and slowly walked towards James. Nagbingi-bingihan siya sa sinasabi ni Lee.
BINABASA MO ANG
Georgina's Sun
RomanceSa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee. But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila...