UMALIS na ang mga nakipaglibing pero nagpaiwan si Georgina. Tuyo na ang mga luha niya. Nandoon pa rin ang hapdi ng pagkawala ng kapatid. Sabi nila, the pain will be bearable in time. Pero bakit ganoon? Parang palala nang palala ang nararamdaman niya.
Napabuntung-hininga siya. The sky is cloudless pink, Gabriel's favorite time of the day. Gusto sana ng mga magulang niya na sa umaga ipalibing ang kapatid niya. Hindi pumayag si Georgina.
"Kuya Gabriel loves sunsets. He would love to go when the sky turns pink and orange," katwiran ng dalaga. Siya ang nasunod kaya dapit-hapon ang naging schedule ng libing.
Sa huling pagkakataon, dumakot si Geoegina ng lupa mula sa pinaghukayang butas para sa puntod ng kapatid. Uttering a prayer, she watched the dirt fall on her brother's casket below.
Goodbye brother. Thank you for loving this fucked up sister of yours. I'm gonna miss you. I can't stay. I have to leave. Hindi ko matatanggap that you're gone, everyday your memories are here to remind me of the loss. It hurts because I know it's my fault.
I need to forgive myself muna. I can't do that sa bahay. Maiintindihan mo naman, 'di ba? When I get back, I'll be a better person. I'll make you proud that I am your sister, gaya ng kung paano ko ipagmalaki na kapatid ko kayo ni Kuya Gael. I love you, Kuya Gabriel.
Tinalikuran na ni Georgina ang puntod ng kapatid. Birthday na niya sa isang linggo. Hindi siya mag-ce-celebrate. Kahit sabihin pa sa kanya na iyon ang gusto ng Kuya Gabriel niya. Hindi niya kayang magkunwaring masaya kung sa loob niya ay pira-piraso na siya.
Pagdating niya sa bahay ay nag-empake siya. Isang backpack ang inihanda niya at maliit na maleta. Matapos masigurong nailagay na niya ang mga art materials sa maleta ay hinarap naman niya ang laptop.
Lahat ng trabahong maiiwan niya ay nagbigay siya ng instructions. Kabisado na ng assistant niyang si Tina ang trabaho. Isang katok sa pinto ang nagpatigil kay Georgina.
"Wait lang."
Mabilis niyang itinago sa closet ang maleta at bag. Pagkatapos ay patakbong binuksan ang pinto. Mommy niya ang nasa labas, may dalang isang baso ng gatas at sandwhich.
"Hindi ka na naman kumain," puna nito.
"Thank you, 'My."
"Ano bang ginagawa mo?"
"Ah, wala po." Isinara niya ang laptop. "Kaunting trabaho lang sa office."
"Mabuti naman at may pinagkakaabalahan ka. Balak mo na bang bumalik sa trabaho?" Isang linggo na siyang hindi pumapasok.
Umiling si Georgina. "Instructions lang po for Tina while I'm away."
Tinabihan siya ng ina sa pagkakaupo. Masuyong hinagod nito ang buhok niya. "Okay ka lang, anak?"
"Hindi po. Pero don't worry, 'My. I'll be."
Nang umalis ang Mommy niya ay itinuloy ni Georgina ang ginagawa. Alas tres na ng madaling araw nang matapos niya lahat ang dapat gawin. Iniwan niya ang ginawang sulat sa bedside table, tig-isa ang mga magulang niya at ang kapatid na si Gael.
Ayaw niyang malaman ng mga ito kung saan siya pupunta pero nangako siyang regular siyang tatawag para ipaalam ang kalagayan niya. She's hoping they'd understand her need to be alone.
Bago siya umalis ay dumaan siya sa kuwarto ni Gabriel. Sa pinto pa lang ay naiyak na siya nang maamoy ang pabango ng kapatid. She went to his dresser and touched his things. Pati ang mga damit nito sa closet ay isa-isa niyang niyakap at inamoy.
A part of her wished that it's just a dream. Pero ang katahimikan sa kuwarto ay nagsusumigaw na patunay na wala na ang kapatid niya.
Dadalhin niya ang cell phone ni Gabriel. Kahit 'yon man lang ang magsilbing koneksyon niya sa kapatid. With a heavy heart, she closed his door and left.
BINABASA MO ANG
Georgina's Sun
RomanceSa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na si Lee. But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila...