Chapter 2 - THE UNLUCKY ONE

13 1 0
                                    

"You're not the kind of girl who digs up other people's personal lives, huh? Tignan lang natin kung makahinga ka pa pagkatapos mong makita ang mukha ko ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"You're not the kind of girl who digs up other people's personal lives, huh? Tignan lang natin kung makahinga ka pa pagkatapos mong makita ang mukha ko ngayon. I bet you know me. I'm famous. Very famous." Fvck that statement.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Samahan pa ng kayabangan niya. 'Yung ubod ng yabang na aura. 'Yun bang tao na masarap pakainin ng napakaraming sili para magbago ang ugali.

Tapos tanggal na nga ang mask niya. Nasa kamay ko na. Yang mukha niya na ubod ng... nasa malapitan na ng mukha ko. Kanina pa. Ang mukha ko naman hindi ko maigalaw palayo. Paano naman eh, anong klaseng thrill ba 'to?

Ba't walang ka-excite-excitement?

"Huh? Sino ka ba?" And boom! Nang dahil sa sinabi ko, bigla niyang inilayo ang mukha niya at napaupo ng maayos. Parang na-shock pa nga siya dahil hindi ko siya nakilala sa mukha niya. Disappointed ang feels niya oh. Hahaha! Eh kasi naman, hindi ko naman talaga siya kilala eh! Kung totoong artista talaga siya at kung totoong famous eh ba't ang mukha niya ay hindi laman ng mga balita?

Hahay. Mga tao talaga ngayon eh pa-famous.

"Yan. Yan eh. Pa-famous ka kasi. Ble!" Binelatan ko pa siya para mas lalo siyang mainis.

"I knew it. Well, that's good to hear." Medyo na-relieve 'yung boses niya pero klarong-klaro pa rin ang pagka-disappointed niya. Na-guilty tuloy ako nung hindi ko siya na-recognize. What if artista nga siya? Kaso hindi lang sikat? How about ipagpalagay ko na lang na yan ang sitwasyon niya para naman mabawasan ang pagka-guilty ko.

"Eh kung artista ka nga, sa anong tv network ka ba? ABS-CBN? GMA? TV5?" Tanong ko sa kanya sabay ayos rin ng pagkaka-upo ko.

Kinuha na muna niya ang phone niya bago sumagot. "Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Bawal sa kompanya kung saan may contract ako."

I rolled my eyes for that kind of thought. Kung makaasta naman 'to. Pa-feeling famous rin 'tong kompanya niya ah. 'Di naman sikat. Well, whatever.

"Ah okay. Sabihan mo na lang ako kung sikat ka na." Sabi ko sabay sulyap sa kanya.

"Bakit ba? Balak mong magpa-fan sign? Ba't 'di na lang ngayon?" Ayun, naka-smirk ang trip ng gago.

"Aba. Ang laki rin ng ulo mo noh parang balloon na extra large? Ba't 'di natin butasan yan gamit ang screwdriver para naman mabawasan ng hangin sa loob."

"Huwag na. Hindi naman kailangan."

"Mukhang kailangan mo yata eh-"

"Di pa ba tapos bangayan niyo diyan? Kanina pa tayo nakarating dito sa Completely Complete II Beach Inn and Resort. Hindi ba kayo marunong tumingin man lang sa paligid mga hija at hijo? Kayo talaga." Galit na tugon ni manong driver saming dalawa matapos makabalik na may dala-dalang buko at straw at masubaybayan kaming nagbabangayan pa rin pero hindi ko na 'yun pinansin at kinuha ko na lang ang pambayad at saka binigay sa kamay niyang walang dala at lumabas na ng kotse para maiwan ang lalaking 'yun na ubod ng kayabangan.

Strangers StrangledWhere stories live. Discover now