[Request ng iba medyo pahabain ko pa daw kaya nga po linalaro laro ko pa yung scenes hahaha pero sabi ng iba ibigay ko na daw ala ala ni Arkiel eh di tapos na story hahaha hangghuloh ho ha]
(*Althea's POV)
Gabi na at nagset sila ng camp fire sa tabi ng falls, may ibang mga tao parin na nandito for over night. Nasa taas akong cottage at nasa baba ang gang ko nakapalibot sa camp fire.
Nagulat ako ng may nagpatong ng Jacket sa balikat ko...
Si Gian.
“si Kiel?” tanong ko ng umupo sya sa tabi ko.
“ah nasa kwarto nyo na po natutulog kasama nung Miguel ata yun ma'am?” sabi nya.
Hmm...hindi nga lumabas si Miguel sa kwarto nya dahil pinag-aaralan nya yung code.
“si Miguel?” tanong ko.
“yes ma'am nakita nya po kasi akong dumaan sa kwarto nya buhat buhat si Kiel kaya hinarang nya ako” sabi nya.
“pagpasensyahan mo na yung anak ko di pa kasi nya nakikilala ang daddy nya” sabi ko.
“ma'am wag nyo sanang masamain pero hindi nyo po ba asawa si sir Miguel?” tanong nya
Natawa ako ng mahina.
“no” simpleng sagot ko.
“psh. Di naman pala pero kung makaasta kala mo asawa” bulong nya pero nakaabot sa pandinig ko.
“nawala ang asawa ko after ng kasal namin” sabi ko.
Nakatingin lang ako sa apoy na nagsisilbing liwanag namin.
“sinubukan ko syang hanapin, lahat ng pwede nyang kapadparan, umaasa kasi ako na buhay pa sya. Up until now umaasa parin ako.” sabi ko, namumuo na naman ang mga luha ko.
“a-ano po bang nangyari? Bakit nawala ang asawa nyo?” tanong nya
“sumabog ang cruise na sinasakyan namin” simpleng sagot ko.
“s-so n-nasa dagat k-kayo?” napatingin ako sakanya na parang may pilit syang inaalala.
“yeah why?” tanong ko.
Napahawak sya sa ulo nya kaya mas lalo akong nag-alala.
“h-hey are you ok?” tanong ko at sinubukan syang hawakan ng hawakan nya ang mga kamay ko.
“A-Althea?” malalim ang hinihinga nya na para syang nalunod.
“are you ok? Anong nangyayari sayo?” tanong ko.
Umiling sya at tumayo, kaya napatayo din ako.
“hey what's wrong?” tanong ko.
“wala po s-sumakit lang ang ulo ko.” sabi nya.
“c'mmon may mga reserbang gamot sa kwarto namin” sabi ko at hinila sya pero hinila nya ako pabalik kaya napahawak ako sa dibdib nya.
Napatingin ako sakanya na wrong move ata kasi hindi nayun na alis. It looks like nalock ang mga mata namin sa isa't isa....errr.. awkward.
“sino ka ba talaga ma'am Althea?” tanong nya habang nakatitig sya sa mga mata ko
*DugDug*Dugdug*
T-teka, bakit ganto ang nararamdaman ko?
Mas lalong bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko habang palapit sya ng palapit....
Especially ng magdikit ang mga labi namin. Sh!t y-yung labi nya, sya! Sya si Arkiel!!!
(*Gian's POV)
Ng ikwento nya ang nangyari sa asawa nya nangyari na naman ang pananakit ng ulo ko kasabay ng paglabas ng imahe ng isang babae at....ako? Magkayakap sa parang isang School Gym.
Yung mga mata lang ang malinaw sa akin. At ang mga matang yun, kagayang kagaya ng kay ma'am Althea.
“sino ka ba talaga ma'am Althea?” seryoso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya.
Yung mga mata nyang pamilyar sa akin, yung ngiti nya, yung boses nya, yung amoy nya....bakit lahat pamilyar sa akin?
*DUGDUG*DUGDUG*
At bakit ganito na lang ang reaksyon ng puso ko sa tuwing malapit sya? Bakit lagi na lang akong nakakaramdam na gusto ko syang yakapin ng mahigpit? Bakit?!
Hindi ko namamalayan ang paglapit ng labi ko sa labi nya hanggang sa maglapat ito.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Unti unting pumikit ang mga mata ko at ninamnam ang mga oras na to.
Bakit? Bakit ganito ako? Sino ba talaga ako? Sino ba talaga si ma'am Althea?
Naramdaman ko ang paghawak nya sa batok ko kasabay ng pagtugon nya sa halik ko.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ayaw ko ng matapos ang gabing ito? Bakit hinihiling kong manatili sya sa tabi ko?
Parte ba sila ng nakaraan ko? O sadyang pareho lang kami ng sitwasyon? Naguguluhan ako, gulong gulo na ako.
Hindi....
Mali ito...
Hindi ko dapat ginagawa to!
Pinutol ko na ang halikan namin.
Umiiyak sya...
Bakit nasasaktan akong makita ang mga luha nya?
“I-I'm s-sorry ma'am....” sabi ko
“i-ikaw si Arkiel....” sabi nya na ikinalaki ng mata ko.
****
Corny Chapter bawi na lang lowbat is real.
Mamayang six pa ang dating ng koryente. Mga anak kayo muna bahala sa gc ng Family natin ha?
-Prean.
BINABASA MO ANG
Delinquent University 2: The Last Mafia War
ActionHIGHEST RANK ACHIEVED: #14 IN ACTION. Limang taon na...limang taon na ang nakakalipas at patuloy parin ang laban. Nagsisimula pa lang ang lahat... para sa DELINQUENT UNIVERSITY. Book cover by: Shai_raaa thanks a lot hahaha