[Dahil gusto ko ng matapos agad ang TLMW heto na ulit ang U.D. bahala na lahat ng bathaluman ng brief sa kalalabasan ng story ko wahahaha sabi sa inyo eh maikli lang tong S2.]
(*Third Person's POV)
“I think he can remember us by now?” ani ni Holly.
Nagulat sya ng marinig mula sa mga tauhan nila na buhay at nahuli nila si Arkiel.
Actually lahat naman sila ay hindi nakapaniwala, dahil kitang kita nila kung paano sumabog ang cruise at talagang sinigurado nila na nandun talaga si Arkiel.
Now that she's seeing it with her own eyes...she still can't believe it.
Samantalang si Arkiel ay humahanap ng tiyempo para makaganti siya sa mga taong kaharap.
Hindi nya pwedeng pigtasin na lang ang kadena at sumugod, kaya nya naman ang rami nila kung tutuusin pero ang iniisip nya ay ang kapakanan ng anak nya. Kailangang maialis nya ito ng walang natatamong sugat, tama na ang mga sugat nito sa mukha.
“well good for him...para naman kahit papaano ay masaksihan nya kung paano natin papatayin lahat ng mga Mendez, including his wife...and that brat” Grinlix at binalingan si Arkean na tahimik lang na nakatali.
Lingid sa kaalaman ng mga nakakatanda sakanya maging ang didi Q nya ay kanina nya pa sinusubukang paluwagin ang tali sa kamay kahit masakit na ang mga pulsuan nya dahil talagang mahigpit ang tali. Gusto nyang maiyak pero habang nakikita nya ang didi Q nya na puno ng mga pasa at sugat pero hindi ito umiiyak, kailangan nyang makatakas para mapatakas nya rin ang didi Q nya.
Si Holly sa kabilang banda, ay mabilis na pinapatakbo ang isip. Kailangan na talaga nyang makausap si Althea. Oo na sya ng magandang maldita ay gusto ng magpakabida dahil sa kahihiyan at dapat ay utang na loob nya sa mga Mendez.
“Boys igapos syang maigi, dagdagan ang mga kadena kung kinakailangan.” utos ni Fione.
Na agad namang ginawa ng mga lalaking tauhan nila.
Tanging masasamang tingin ang ipinukol ni Arkiel sa mga ito.
“well good bye for now Arkiel, kailangan pa naming hulihin ang asawa mo at ang iba pang Mendez para patayin mismo sa harap mo.” sabi ni Grinlix at tumawa ng malademonyo.
Naiwan si Holly at Stephan at konti pang mga kalalakihan. Pasimpleng lumapit si Holly dito.
“hey don't look at me as if you're going to eat me” roll eyes na sabi nya ng matatalim na tingin ang ibinigay sakanya ni Arkiel.
“FVCK OFF!” sigaw ni Arkiel.
Gantong punong puno na sya sa mga pagmumukha nila wala syang ganang magpasensya.
“tss..” Stephan.
“relax Babe...namiss pa naman kita, akala ko kasi patay ka na...ok the thing is, I'm willing to help you and errr... Althea” Holly.
Nangunot ang noo ni Arkiel sa sinabi nya, ano yun joke?! Kung oo grabe bentang benta!
“ok wag mo kaming pagkatiwalaan if you want but I'll assure you that tutulong kami ni Stephan sa asawa mo, err kahit nakakabitter. Anyway we gotta go, baka nagaganap na ang plano nila Fione” simpleng sabi nya at umalis.
BINABASA MO ANG
Delinquent University 2: The Last Mafia War
ActionHIGHEST RANK ACHIEVED: #14 IN ACTION. Limang taon na...limang taon na ang nakakalipas at patuloy parin ang laban. Nagsisimula pa lang ang lahat... para sa DELINQUENT UNIVERSITY. Book cover by: Shai_raaa thanks a lot hahaha