Oath Of Love
Written by YuanKabanata 6
Lahat ay aligaga sa paghahanda ngayong araw.
Ngayon kasi ang araw ng mainit na pagsalubong sa pagbabalik ng anak ng Mayor dito sa probinsya. Habang abalang-abala ang lahat, itong si Dora ay nakukuha pang makipagtsismisan. Hindi talaga papaawat itong babaeng 'to kahit ano pa ang ginagawa niya.
"Alam mo ba, 'teh, ang gwapo na raw ng anak ni Mayor. Excited na 'kong makita siya," Aniya na hindi mapakali. "Panigurado ang yummy na siguro nun ngayon. Shet, wag sanang sumabog ang ovary ko." Dagdag pa niya na halata sa mukha ang pananabik.
Talaga 'tong si Dora may taglay talagang kadugyutan sa katawan. Ewan ko ba sa kanya at naiisip niya 'yung mga ganoong bagay.
"Hay nako, Dora! Magtrabaho ka na nga lang diyan. Puro ka kadugyutan luka-loka ka!" Tawa kong tugon.
"Hay nako, teh! Napaka-KJ mo talaga kahit kailan!" Inis niyang saad sa akin saka ibinaling ang tingin sa ginagawa niya.
Habang nagpupunas ako ng mga kasangkapan na gagamitin para sa handaan mamaya, bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw. Naalala ko ang sinabi ni Miguel na hanggang ngayon ay sila pa rin daw nung girlfriend niya.
Pagkatapos niya kasing sagutin ang tanong ko, nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko sa pagiging mausisa ko. Nalaman ko tuloy na mayroon na pala siyang girlfriend. Hindi ko alam kung bakit hindi ako naging komportable sa naging sagot niya sa akin.
Iniligaw ko na lamang ang pag-uusap namin. Hindi na ako muli pang nagtanong tungkol doon. May parte kasi sa akin na nawalan ng gana mula nung marinig ko 'yung sagot niya na 'yun.
Kung hanggang ngayon sila parin nung girlfriend niya ibig sabihin, mali na palaging magkasama kami. Mali na ako palagi ang kasama niya kaya dapat ko na sigurong iwasan siya.
Sa pag-iisip ko, hindi ko na namalayang natulala na lamang ako sa ginagawa ko at bigla nalang may humawak sa puwetan ko na akala ko ay si Emedora lang.
Agad akong lumingon sa likuran ko upang tingnan kung si Emedora. Pero sa gulat ko, hindi siya ang tumambad sa akin. Kundi isang lalaki. Mas lalo akong nagulat dahil hindi ko inaasahang 'yung lalaking mayabang na nilait-lait ang pagkatao ko ang siya ring nambastos sa akin.
Sa sobrang gigil ko ay hindi ko na napansin na agad ko siyang nasampal dahil sa pagiging bastos niya at walang modo. Nanlilisik ang mga mata ko nang tingnan siya.
"Bastos ka talagang lalaki ka! Bakit andito ka?! Anong ginagawa mo rito?!" Pasigaw kong tanong.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kusina. Tanging ako lamang pala ang tao at iniwan ako ni Dora na hindi man lang niya sinabi kung saan siya pupunta.
Sa lakas ng sampal ko ay napahawak na lamang siya sa pisngi niya tsaka ngumisi na para bang nang-iinis pa.
"Bisita ka ba ng anak ni Mayor at bakit andito ka?!!" Nanggigigil kong tanong uli sa kanya.
Tinitigan niya lamang ako na para bang minamanyak ako sa pamamagitan ng tingin tsaka siya nagsalita. "Chill, Miss! Easy ka lang," mayabang niyang saad sa akin.
"Chill mo mukha mo! Anong karapatan mong hawakan ang puwet ko? Bastos ka!" Sigaw kong tanong ulit sa kanya.
Tinawanan niya lang ako tsaka tumalikod at naglakad palayo na sa akin.
Nung palabas na siya sa pintuan ng kusina, muli niyang ibinaling sa akin ang tingin niya tsaka ngumisi na para bang nang iinis na naman.
Wala na 'kong nagawa kundi tingnan na lamang siya ng masama hanggang sa makalabas siya ng kusina at mawala na sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Oath of Love
RomanceTrue love is when someone is willing to be with you even at the hard times. Someone who will do everything just to prove his/her love. Pero paano kung tadhana na mismo ang naglalayo sa inyong dalawa? Paano mo pa ipaglalaban ang pagmamahal na pinagk...