Chapter 10

2K 114 71
                                        








Oath Of Love
Written by Yuan






Kabanata 10





"Uy, 'te, bakit tulala ka na naman diyan? 'Wag mong isipin 'yun, mahal ka nun." Pagsasalita ni Dora kasabay ng marahang pagtapik sa balikat ko.

Gulat akong napaharap sa kanya pero hindi muna ako nag-abalang sagutin siya. Wala kasi ako sa sarili nung pumasok ako sa palengke.

Ilang araw na kasing gumugulo sa isipan ko kung bakit nag-abala pa si Mayor na magpadala ng mga groceries at pera nung nakaraang araw gayung tinanggihan ko na siya sa gusto niyang mangyari.

Noong isang araw lang din, kinausap ako ni Inay tungkol do'n. Nag-aalala rin siya kung bakit at para saan 'yung mga pinadala ni Mayor na 'yun. Baka raw kasi may personal na hangarin si Mayor sa akin kaya ginagawa niya 'yun para mapapayag ako.

Sinabi ko naman sa kanya ang dahilan. Sinabi ko sa kanya na ino-offeran ako ni Mayor na maging tour guide ng anak niya pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag sa gustong mangyari nito.

Naisip ko kasi na kapag sinabi ko ang dahilan sa kanya ay baka lalo siyang mag-alala sa akin.

"Hoy, Angela! Bingi ka ba? Ba't ka kako tulala na naman diyan?" Pagtapik na naman niya sa akin.

"Ah... wala, Dora! May iniisip lang ako." Agad ko namang tugon.

"Ano na naman 'yun, 'te? Kanina ka pa parang wala sa sarili, e." Muli niyang pag-uusisa.

"Saka ko na ikekwento, Dora. Baka makita na naman tayo ni Aling Mercedes na nagchichismisan dito at baka mapagalitan na naman tayong dalawa."

"Dali na, 'te. Wala pa naman si Aling Mercedes, e. Hindi niya tayo mahuhuli 'no!" aniya ulit "Saka habang wala pang masyadong bumibili oh. Dali na!"

"Osiya, sige na!" Tugon ko na halata sa akin ang pag-aalangan dahil sa pangamba ko na baka mahuli na naman kami ni Aling Mercedes na nagchichismisan.

"Naalala mo 'yung ipinatawag ako ni Mayor noon? In-offeran niya ako."

"Ha? In-offeran? Ano? Anong offer? Hala, 'te, anong in-offer niya sa'yo? Pumayag ka ba? Ay naku, jusko po, wag naman sana!" Oa niya na namang tugon agad sa akin.

"Nakakainis naman 'tong si Dora e. Napaka-Oa mo mag-react. In-offeran ako ni Mayor na maging tour guide ng anak niyang si Nathan Felix! Kung anu-anong iniisip mo diyan!" Naiinis na natatawa kong saad sa kanya.

Kahit kailan talaga itong si Dora. Napakagrabe mag-isip. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko 'to.

"Ayyy! Oh, pasensya naman, 'te. Kala ko kung ano na, e. Oh, tapos? Pumayag ka ba?"

"Hindi ako pumayag." Mabilis kong sagot.

"Hala, bakit? 'te, napakagwapo ni Nathan pero tinanggihan mo! Shunga ka ba?!" Saad niya na may halong panghihinayang dahil sa pagtanggi ko sa alok ni Mayor.

"Hindi mo naman kasi talagang kilala 'yung Nathan na 'yun, e." Nakairap kong tugon.

Hindi mo nga alam na bastos 'yung lalaking 'yun.

"Bakit? Ikaw ba kilalang kilala mo na siya? Echosera ka, Angela ha!"

"Bastos at mapanlait 'yung lalaking 'yun. Kaya nga ako tumanggi kay Mayor na maging tour guide nun kasi naisip kong kapag pumayag ako ay baka paulit-ulit niya lang akong laitin at bastusin." Paglalahad ko.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon