Oath Of Love
Written by YuanKabanata 5
"Ouch! Pag tinamaan nga naman ng kamalasan. Arghhh! Nakakainis naman 'tong driver ng sasakyan na 'to, hindi man lang magdahan-dahan sa pagmamaneho, alam naman niyang basa at maputik ang daan!"
Inis na inis 'kong saad sa sarili ko habang nagpupunas ng mga putik na tumalsik sa akin noong dumaan ang magarang itim na kotse.
Napansin 'kong huminto ang magandang sasakyan. Nakita niya siguro ang perwisyong naidulot niya sa akin. Maya-maya pa, bigla itong umatras sa mismong kinakatayuan ko saka dahan-dahang binuksan ang bintana.
Isang lalaki na halatang anak mayaman ang tumambad sa bintana. Naka-shades ito ng kulay itim katulad sa mga lalaking modelo na nakikita ko sa mga magazines o Telebisyon.
Ngumisi muna siya tsaka tumingin sa akin ng mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat niya kung anong klaseng tao ako. Kung karapat-dapat ba akong hingan niya ng pasensya o hindi. Hindi pa siya nagsasalita pero alam ko na agad na mayabang siya.
"I won't say sorry, Miss. Kasi ikaw naman ang nakaharang sa dadaanan ko."
Mayabang na saad ng isang lalaki na mukhang balikbayan.
Sabi ko na nga ba't mayabang ang isang 'to e.
"Aba, ako pa 'tong sinisi mo, eh, ikaw na nga 'tong may kasalanan," nakaangit kong tugon sa kanya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko't natarayan tuloy siya.
"Okay lang 'yan, Miss. Mukhang hindi ka naman nasaktan. Sa susunod kasi tatabi ka kapag dadaan ako." Muli niyang pagsasalita na nuknukan ng kayabangan.
"Mukha ba akong okay? Ganitong putik-putik na ang suot ko?" naiinis ko nang tugon.
"I didn't mean it, Miss. Besides mura lang naman yata 'yang suot mo." Pagsasalita niya na halatang hirap sa pagsasalita ng tagalog. "Magkano ba 'yan at bibigyan nalang kita ng pera. Para naman bumili ka nalang ng mas maganda diyan."
Napakayabang ng lalaking 'to! Akala mo kung sino porket mayaman!
Tanging irap na lamang ang naging tugon ko sa kanya saka tumalikod at akmang aalis na. Dahil kung hindi pa ako aalis, baka kung ano lang ang masabi ko.
"Wait, Miss. If you want I'd just send you home." Pagpigil niya sa akin na siya namang kinainisan ko dahil sa tingin niyang hindi kaaya-aya.
"For sure, hindi mo tatanggihan 'tong offer ko, right?" Dagdag pa niya kasabay ng nakakabuwisit niyang tingin sa akin.
"Hindi na. Ayos lang ako. Kaya 'kong umuwi sa amin." Nakairap kong tugon.
"Wow! Are you refusing my offer? I'm Nathan Felix, Miss. Don't you know who am I?" Napakayabang niyang saad sa akin na siya namang sobra ko nang pinanggigilan.
Hindi ko na kaya 'to kaya muli ko siyang hinarap para bulyawan.
"Ang yabang mo! Wala akong pakialam kung sino ka! Hindi rin ako interesado sa pagkatao mo, unless isa kang mayor o anak ng mayor dito sa probinsya!" Sigaw ko saka nagmadali nang naglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Oath of Love
RomanceTrue love is when someone is willing to be with you even at the hard times. Someone who will do everything just to prove his/her love. Pero paano kung tadhana na mismo ang naglalayo sa inyong dalawa? Paano mo pa ipaglalaban ang pagmamahal na pinagk...