Chapter 1

9.2K 437 151
                                    




Oath of Love
Written by Yuan

Kabanata 1

"Ano na naman 'to Angela?!! Bakit wala na naman tayong ulam?!! Akala ko ba nagtatrabaho ka? Saan napupunta ang sweldo mo?!!"

Bulyaw na naman ni Itay sa akin. Nanginginig na naman akong tumingin sa kanya.

"Ibinayad ko na po kasi sa upa ng bahay kaya po wala na pong natira sa sweldo ko." Takot na takot kong tugon. Hindi ko rin siya matignan dahil sa labis na takot.

Maski si Inay ay walang magawa sa tuwing magdadabog at sisigaw si Itay. Takot rin siyang sawayin ito dahil sisigawan lamang din sya nito sa oras na pinigilan nya. Mabigat din ang kamay ni Itay dahil ilang beses na niyang napagbuhatan ng kamay si Inay.

"Kaya sinasabi ko sayo Angela, huwag na huwag kang mag-aasawa ng mahirap! Pumili ka ng lalaking iaahon tayo sa hirap!" dagdag pa ni itay "Gawin mo ang lahat para maialis kami ng nanay mo sa lecheng buhay na 'to!!!"

'Yan ang laging bukambibig niya kapag galit na galit siya. Palagi niya kong pinagtutulakan sa lalaking mayaman na makapag-aangat daw ng buhay namin mula sa pagiging mahirap. Kulang nalang ibenta niya ako sa mga mayayamang lalaki rito sa bayan.

"Mangungutang nalang po ako ng mauulam kila Aling Minda. Babayaran ko nalang po kapag ako ay sumweldo na," Saad ko habang nanginginig pa ako sa takot.

"Hindi na! Wala na akong gana kumain! Pesteng buhay 'to! Mga walang silbi!!!" galit niya pa ring sambit saka muling nagdabog paalis.

Umalis na si Itay. Sa paglabas niya ay parang matatanggal na ang pintuan ng bahay dahil sa malakas na pagkakabagsak nito nang lumabas siya. Bakas sa kanya ang matinding galit dahilan sa kawalan na naman ng makakain. Ganito naman palagi ang nangyayari. Bakit ba hindi ako masanay-sanay sa ugali ni Itay?

Napukaw ang atensyon ko nang makita ko si Inay na nakayuko lamang at tila ba umiiyak. Agad-agad ko siyang nilapitan upang tanungin kung ano ang problema nya.

"Inay, bakit po kayo umiiyak? May problema po ba?"
Nag-aalala 'kong tanong.

Maluha-luha niya akong tinignan. Kitang-kita na sa mga mata ni inay ang labis na katandaan.

"Wala, anak. Nahihiya lang ako sa'yo dahil imbes na ako o ang tatay mo ang nagbabanat ng buto para may makain tayo, ikaw pa ang gumagawa nun." Saad nya habang nababakas ko ang kanyang pagtangis.

"Wala po 'yon Inay. Hangga't kaya ko, kikilos po ako para sa atin. Huwag na po kayong umiyak." Saad ko sabay ngiti upang kahit papaano ay tumigil na siya sa kanyang pag-iyak.

Kitang-kita ko ang hiya ni Inay sa akin ng mga oras na 'yon. At para ring dinudurog ang puso ko na makita siyang umiiyak. kahit naman sinong anak siguro ang makita nilang umiiyak ang kanilang ina ay tiyak na madudurog rin ang kanilang puso.

Wala naman din siyang magawa. Hindi nya na magawang maghanap-buhay dahil mabilis na siyang hingalin kapag kikilos siya. Mahina na kasi talaga ang katawan niya.

Napabayaan kasi ni Inay ang kanyang sarili nung siya ay nagtatrabaho pa. Madalas nalilipasan na siya ng gutom at madalas natutuyuan pa ng pawis na nauuwi sa matinding ubo. Tumigil lamang siya sa pagtatrabaho nang isang araw ay mahimatay siya sa labis na pagod. Hindi na kinaya ng katawan nya dahil sa sobrang pagtatrabaho.

Kaya kahit na nasa murang edad pa ako ay sinabak ko na ang sarili ko sa pagbabanat ng buto. Nang sa ganun ay makatulong na ako sa mga gastusin sa bahay.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon