Chapter 11

1.2K 94 45
                                    






Oath Of Love
Written by Yuan





Kabanata 11




"Laging maaliwalas ang mukha mo, anak ha? Napapansin kong palagi kang masaya."

Ani Inay na siya namang nginitian ko na para bang wala nang bukas.

"Maganda lang po ang gising ko, Nay." Sagot ko naman na halos hindi maalis ang ngiti sa aking mukha.

"Nagkaayos na kayo ni Miguel, ano?" Nakangising pag-uusisa niya.

Ngumiti ulit ako saka nagsalita. "Kayo po talaga, Nay. Hindi naman po kami nagkaproblema ni Miguel."

"Naku, anak. Kilalang-kilala na kita. Alam ko at napansin ko 'yun sa'yo na may problema kayo noon. Ngayon, sa tuwing uuwi ka'y masayang-masaya ka na para bang hindi ka napagod sa pagtatrabaho," saad niya "Buti naman, anak at nagkaayos na kayo. Masaya ako na nakikita kang masaya." Dagdag pa niya na siya namang lalong nagpaganda ng araw ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa, hinayaan ko na lamang si Inay sa kusina habang naghuhugas ng mga pinggan.

Panandalian akong napatulala habang hindi ko maialis ang mga ngiti na sumakop sa mukha ko.

Bakit nga ba ako masaya? Dahil ba, okay na okay na kami ni Miguel? O may mas malalim pang dahilan?

Nitong mga nakaraang Linggo lang ay napapadalas ang pagsasama namin ni Miguel. Palagi niya akong pinupuntahan. Sinusundo niya ako pagkatapos sa trabaho ko. Pero agad rin naman akong umuuwi. Nag-iingat din kasi ako na malaman na naman ni Itay.

Hindi ko maitanggi na nabubuo ni Miguel ang araw ko. Hindi ito kumpleto kapag hindi ko nasisilayan ang mga ngiti niya. Kulang ang araw ko kapag walang Miguel akong nakikita.

Para bang sa araw araw na kasama ko siya, walang bakas ng pagod ang makikita sa mukha ko. Napapangiti niya ako kahit sa simpleng bagay lang.

Napapangiti ko rin kaya siya?

Hay, naku, Angela. Tumigil ka nga sa pagiging ambisyosa mo.

Bakit ko nga ba naiisip kung napapangiti ko rin siya?

Siguro naman napapangiti ko rin siya. Kasi kung hindi, bakit pipiliin niyang makasama ako palagi?

Arrrghhh! Kilos na nga, Angela.  Mahuhuli ka na sa trabaho mo sa palengke.

------------

"Hoy, 'te. Fresh mo ngayon ha? Infairness, napapansin ko na palaging maganda ang araw mo."

Bungad agad sa akin ni Emedora na akala mo ngayon niya lang ako nakitang ganito.

Teka, kailan nga ba naging maaliwalas ang mukha ko? Parang napansin ko rin sa sarili ko na, nitong mga nakalipas na linggo lang ako naging ganito.

"Sira ka, Dora! Wala akong dalawang piso!" Tawa kong sagot naman sa kanya.

Pagkatapos kong maisuot ang apron ko, agad na akong nag-ayos ng mga bagong deliver na gulay. Abala rin si Dora sa pagbebenta kaya't hindi niya ako masyadong mausisa. Pero tiyak din namang hindi matatapos ang trabaho namin dito sa palengke na walang chismis o pang-uusisa niya.

Habang sinasalansan ko ang mga pechay, nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

"Ganyan ba ka-fresh ang pechay mo ngayon, 'te?" Walang pakundangan niyang saad na may kasama pang ngiting nakakaasar.

"Dugyot ka talaga kahit kailan! Magtrabaho ka nga diyan! Isumbong kita diyan, e." Natatawa-tawa kong tugon sa pambubuwisit niya.

Ngumuso muna siya tsaka nagsalita, "Naku, napapansin ko ha, palagi kang sinusundo ni Miguel dito sa palengke. Hindi lang ako kumikibo pero mukhang nililigawan ka na niya ha!"

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon