Oath of Love
Written by YuanKabanata 12
Napapaisip ako sa mga sinabi sa akin ni Nathan.
Parang nagkaroon tuloy ako ng choice na pagbigyan na siya sa gusto niyang mangyari na samantalang nuon ay sarado ang isip ko na pumayag sa inaalok nila ng tatay niya.
Iniisip ko kasing baka totoo nga ang sinasabi ni Nathan na hindi niya na uulitin lahat ng ginawa niya sa akin.
Malaking bagay rin naman kung papayag ako sa gusto nila kasi hindi ko na nga naman kinakailangan pang maglabada at pagtiisan ang pag-uugali ng amo ko sa palengke.
Ilang araw na rin kasi akong binabagabag ng kunsensya ko na pumayag sa alok nila pero ayaw pa rin ng isip ko dahil nangangamba pa rin ako kay Nathan.
Baka kasi sinabi niya lang iyon para makumbinsi niya ako at tuluyang mapapayag sa gusto nila.
"Angela!"
Narinig kong tawag ng isang lalaki.
Nung tingnan ko ay naaninaw ko agad ang gwapong mukha ni Miguel sa kalayuan.
Bakit parang ang porma niya yata ngayon?
Kakaiba ang suot niya kumpara sa mga araw na madalas kaming nagkakasama. Mukhang may lakad siya bukod sa pagkikita namin ngayon kaya siguro pormadong-pormado siya.
May usapan kaming magkikita kami ngayong araw. Linggo naman at wala akong gagawin.
Nung nakaraan lang tinanong niya ako kung may cellphone ba akong ginagamit.
Aba, ano bang palagay nito ni Miguel sa akin? Taong bundok? Laki lang ako sa probinsya pero di ako laking bundok. Napansin niya kasi siguro na wala akong dinadalang telepono kapag nagkikita kami.
Meron kako akong cellphone sabi ko pero hindi ko naman ginagamit dahil wala naman akong paggagamitan. At wala rin naman akong time na mag-cellphone pa.
Agad niyang kinuha ang number ko para naman daw kahit hindi kami nagkikita ay pwede kaming mag-usap sa text. At walang alinlangan ko namang binigay agad.
Pagkatapos no'n, nang makauwi na ako, nakatanggap ako ng text message niya na magkita raw kami do'n sa kubo malapit kung saan madalas kaming naglalaro noon at may sasabihin raw kasi siya sa akin.
Ano naman kaya iyon? At kailangan bitinin niya pa ako? Kaya nga niya hiningi ang number ko para kahit hindi magkasama, pwede siyang magsabi sa text kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin.
Siguro miss niya ako? Kaya gusto niya akong makita. E, nung makalawa lang, magkasama kami. Feelingera ko lang talaga minsan.
Akala ko naman hindi ko na magagamit 'yung cellphone ko at maluluma na lang basta basta. Ibinili pa ni Inay 'yun para sa 'kin nung nagtatrabaho pa siya. Iniregalo niya nung 18 birthday ko. Sobrang saya ko pa no'n kasi 'yun ang kauna-unahan kong cellphone.
Hindi ko naman nagagamit dahil mahina rin naman ang internet dito sa probinsya at sino naman kasing ite-text ko kung gagamitin ko, 'di ba?
Nitong mga nakaraang araw, lagi akong inuukilkil nitong si Dora na gumawa na raw ako ng facebook account para naman daw makakilala ako ng pwede ko ring kaibiganin do'n pero sabi ko, hindi ako interesado. May Miguel naman na ako este andyan naman na si Miguel na kaibigan ko kaya hindi ko na kailangang maghanap pa ng ibang kaibigan.
Kung pwede nga lang na mas higit pa sa kaibigan, e.
Hindi niya lang alam na mayroon na akong account. Tulad nga ng sinabi ko, di ako literal na taga-bundok para mawalan ng facebook account.
![](https://img.wattpad.com/cover/103387291-288-k848391.jpg)
BINABASA MO ANG
Oath of Love
RomanceTrue love is when someone is willing to be with you even at the hard times. Someone who will do everything just to prove his/her love. Pero paano kung tadhana na mismo ang naglalayo sa inyong dalawa? Paano mo pa ipaglalaban ang pagmamahal na pinagk...